CHAPTER 25

41.9K 721 57
                                    


"Si Chase, ang una nating kailangan isipin kung paano maliligtas."

Malamig na sambit ni Lewis, nang makarating kami sa mansyon tska tinanggal ang helmet na suot niya.

"I'll tell him the plan once everything is in place." Sagot ko sa kanya.

Nauna na ako maglakad at sinundan lang ako nito mula sa likod.

Bumalik ang parehong seryoso naming mga mukha ng makapasok sa impyerno na ito.

Ang bigat ng bawat hakbang ko, at ngayong alam ko na kakampi ko pala si Lewis ay nararamdaman ko na ang mas mabigat na presenya nito.

Malaki rin pala ang galit niya sa pamilyang ito, at hindi na ako nagulat doon.

"Kapag tinanong ka kung anong ginawa natin ngayon, sabihin mo hinahanap natin ang totoong kuta ni Vion." Walang buhay na sambit ko.

Nauna na ako, bago pa man lumiko ng ruta si Lewis patungo sa opisina ni Daddy. Mukhang mag-report ito sa kung anong ginawa namin ngayon.

Hindi naman siya bobo, at pakiramdam ko ay narinig niya ang sinabi ko, at mapag tatama ang mga palusot namin.

Bago pa man ako makarating sa kwarto ko, ay natanaw ko ang palapag kung nasaan ang kwarto nila Daddy.

Sa haba ng taon na nakatira ako dito, ay hindi ako nagtangka na umakyat sa palapag nila dahil sa takot.

Mas madilim ang palapag na ito, kaysa sa iba pang mga palapag kung saan ay pinamumugaran ng napaka liliwanag na ilaw. Malayo ang itsura nito, kaysa sa tipong mga kulay ni Mommy.

Mahilig sa matitingkad na kulay ang babaeng yun, kaya naman ay pinag tataka ko kung bakit ganito kadilim sa palapag kung saan sila laging nakakulong.

Alam kong may sikretong na tago sa bawat pintuan dito, at ayun ang gusto kong alamin lalo na may nalaman ako tungkol sa kanila.

Naiintriga ang buong pagkatao ko sa sinabi ni Lewis, na hindi talaga si Daddy ang puno't dulo ng lahat ng ito kundi si Mommy.

How come that clumsy and fragile woman was the head of all of this?

Ang bigat ng dibdib ko, ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa unti unting paghakbang ng mga paa ko patungo sa palapag na minsan ay hindi ko pa naakyat.

Inangat ko ang sarili ko, at buong tapang na humakbang patungo sa huling kwarto kung nasaan ang kwarto nila Daddy.

May ilaw ang lugar na ito, pero madilim pa rin, there was a wine-red carpet all over the floor. Victorian paintings are on the wall for display, and Roman vases are on the tables that merge with the theme of the whole place.

Naningkit ang mga mata ko ng makita kung ano ang mga nakalathala sa mga imaheng nakasabit sa dingding.

These paintings aren't ordinary art; they were gruesome pieces wherein you could see different types of torture that you wouldn't imagine existed.

Paanong nakakapag pahinga sila sa ganitong lugar, na may ganitong mga imahe na nakakasira sa katinuan ng mga nakakakita?

Detalyado ang bawat hibla nun, pero isang malaking imahe ang pumukaw sa atensyon ko.

It was a painting wherein a woman was serving a plate of a man's head.

Mas lalong tumaas ang balahibo ko ng makilala kung sino ang nasa painting na yun.

"Si...si Daddy–"

"I love that painting so much."

Halos takasan ako ng kaluluwa ko ng may mag salita sa gilid ko, hindi ko man lingunin ang taong ito ay alam na alam ko na kung kanino ang presensya na ito.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now