CHAPTER 5

43.8K 731 81
                                    

"My dear..." She hummed in my direction.

Hindi ako diretsong makatingin kung nasaan sa siya, dahil ramdam ng buong sistema ko ang malamig na pagtitig sa akin ni Daddy. Hindi ko man tuluyang makita, ay kita ko namang naka kandong si Mommy kay Daddy.

Kung hindi ko lang talaga alam ang totoong pagkatao ni Daddy ay kikiligin ako sa kung paano niya tratuhin si Mommy, kaso hindi. He's a demon, he was the one who killed my friend back at the orphanage.

Tanging si Mommy lang ang diretsong nakakausap ko, hindi man kami ganon kalapit sa isa't isa pero kita ko ang pag aalala nito sa akin tuwing aalis ako tuwing may misyon. Siya rin kasi ang nakiusap kay Daddy na ampunin kaming dalawa ni Chase.

Wala akong ideya kung anong sinasabi niya kay Daddy para mapa payag ito na ituring akong anak, siguro ay ganon niya lang talaga kamahal si Mommy para pakinggan siya ng ganon.

Kahit na takot ako kay Daddy, ay kita ko kung paano niya aalagaan si Mommy at kung paano niya ito titigan. Lagi ko kasi nakikita na malambot ang mata niya tuwing ito ang kaharap niya at kita mo talaga sa galaw niya na mahal na mahal niya ang asawa niya.

Pero, kahit anong paniniwala ko na mabait siya ay hindi mawala sa isip ko ang ginawa niya. Alam kong pwedeng maging mabait ang tao sa iisang tao lang, pero kung ang taong yun ay si Mommy. Posibleng siya nga lang talaga at demonyo na siya sa iba ang asawa nito.

Hindi nila ako sinasaktan pero iba sa ibang tao sa paligid ko, at isa na si Chase sa halimbawa nun.

13 years na simula ng tumira ako sa mansyon na ito at hindi ko na mabilang ang dami ng taong nasaksihan kong kuhanan nila ng buhay lalo na ni Daddy.

Tanging si Mommy lang talaga ang hindi ko na kitang nanakit ng kung sino, at siya pa mismo ang pumipigil kay Daddy kapag sumosobra na ito. Siya lang ang tanging nakakapag pakalma sa lalaking yan, na lahat ng sasabihin niya ay sinusunod nito.

"Dear..." Pag buhat ni Mommy sa dalawa kong pisngi, hindi ko na namalayan na sa harap ko na pala siya dahil sa lalim ng iniisip ko.

"P-po? Bakit niyo po ako pinatawag?" I gulped.

Sandaling hindi siya nagsalita at tinanggal lang sa mukha ko ang mga kumalat na buhok tska sinabit sa tenga ko.

Ang lambot ng bawat tingin niya sa akin na para bang may gusto siyang sabihin sa akin ng diretso pero niya magawa at pinipigilan siya ng dila niya.

"You know how precious you are, right?" She asked.

Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako sa kanya dahil na rin sa takot na nalalantay sa buong katawan ko mula sa matang nakatitig pa rin sa akin. Naharang ni Mommy ang direksyon kung saan nakaupo si Daddy, pero ramdam ko pa rin ang mga titig nito sa akin.

"I'm sorry, baby, but you must get that dog back..." Malumanay na bulong nito sa akin.

Hindi naman na ako nagulat sa hiniling ni Mommy sa akin, dahil alam ko naman hindi sila basta basta papayag na mawala ang aso na yun. That dog was worth billions, and it was our family name that was on the line if we couldn't satisfy our clients.

"I will, babawiin ko naman po talaga yun pero hindi pa magaling si Chase–"

"That why we asked you to meet us here," Panimulang usal ng lalaki sa likuran ng babae sa harap ko. "If Chase can't protect you, then we will replace him as your bodyguard–"

"What?! No!" May kung anong tapang ang nag udyok sa akin para putulin ang mga salita na lumabas sa bibig ni Daddy.

Agad ko namang napagtanto ang ginawa ko ng dumilin ang mga mata nito, at nag bago ang aura na binibigay sa akin.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now