CHAPTER 19

43.1K 995 156
                                    

"Ouch,"

I whispered to myself when I felt my head was about to split on how it ached.

Inilibot ang mata ko, at hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin.

I felt like I got resurrected because of how I reacted.

Mabilis akong tumayo sa hindi pamilyar na kama, ang dilim ng paligid at hindi ko rin maintindihan ang mga nakasabit sa pader dito.

Hindi mawari ng mga mata ko kung ano pa ang ibig sabihin ng mga litrato dito. Kunot noo kong inilibot ang sarili ko, kahit na nanghihina pa ang katawan ko.

Malalim ang bawat paghinga ko dahil sa sikip ng dibdib ko.

Mukhang hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko, hindi ko na ipagtataka kung nawalan ako ng malay sa gitna ng ulan na yun.

Mga litrato ang pumukaw sa atensyon ko, iba ibang tao ang nakikita ng mga mata ko. Walang taong nauulit dito, pero isang litrato ang pinulot nang mga kamay ko.

Isang litrato ng bata, wala itong mukha dahil mukhang sinira ito at tinakpan ng tinta. It looks like it was intentionally scribbled by someone.

Muli kong inangat ang mata ko, tska ko naintindihan ang nandito sa pader.

Hinahanap ko ang switch nang ilaw, lumapit ako malapit sa pinto para kapain iyun at bigyang liwanag ang buong paligid. Hindi naman ako nabigo at nahanap yun.

Kasabay nang pag bukas ng ilaw, ay bumungad sa akin ang kwarto na puno ng iba't ibang litrato ng kung sino.

Gaya ng nakita ko, at may kung anong nakapatong rin sa mukha ng tao na ito.

Sinadyang sirain ng kung sino ang mga litrato na ito, pero pilit pa rin na ginawang palamuti sa buong kwarto.

Malaki ang lugar na ito, ang kamang hinihigaan ko ay isang king-size bed na may kulay itim na comforter. Kahit na naka bukas na ang ilaw, ay hindi ko pa rin tuluyang makita ang lugar na ito at tanging ang malalaking larawan lang sa dingding ang na sisipat ng mga mata ko.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko.

Agad na hinanap ko ang cellphone ko, pero wala akong nakapa sa kung saan.

May anong gumihit na namang gumuhit sa dibdib ko ng maalala ang pananatili ko dito, "Fuck, yari na naman si Chase!" I hissed.

Akamang hahawakan ko na sana ang knob ng pinto nang may marinig akong kung anong bumukas.

"You're awake." A deep, cold, baritone voice filled the whole place.

That voice sent shivers down my spine; it was a voice I knew who owned it, but I couldn't stop myself from being edgy.

"Where am I?" Matapang na sambit ko sa kung sino ang may ari ng boses.

Nasa likuran ko ang taong iyun, mukhang galing ito sa isang pang kwarto na hindi ko nahalata simula ng pagbangon ko.

Hindi ko man hawakan ang sarili kong mga palad, ay alam ko na ang matinding panlalamig nito sa hindi malamang dahilan.

Mas lalong nagulantang ang buong sistema ko nang may lumapat sa mga kamay ko, na nakahawak sa knob ng pinto.

"If you want to leave, just turn this knob... just like this." He whispered straight from the outside of my ears.

Ramdam ng nanlalamig kong tenga ang mainit na hininga nito.

Gaya ng sabi niya ay tinulungan ng kamay niya ang kamay kong buksan ang pintuan na ito.

The ambiance of the new part of this place isn't far from where I come from.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now