CHAPTER 32

52K 868 271
                                    

WARNING: This chapter contains mature acts that may not be suitable for young readers. (Oh, bakit naka ngisi ka dyan?)

—--------------

"N-nakita ko talaga siya..." I whined.

Hindi ako pwedeng magkamali, nakita ko talaga siya sa loob ng banyo. She was screaming that she wanted to kill me.

Kita ko ang pag silip ni Clioz sa likuran ko, tska dahan dahan akong binitawan.

"S-saan ka pupunta? Wag ka na pumasok dyan!" Pag pigil ko sa kanya ng makitang akmang pupunta siya sa may banyo.

"I'll just check it, stay right there–"

"Ayan din yung sinabi mo sa akin dati eh! Tara na...lumabas na lang tayo dito!" Hindi ko pagbitaw sa mga kamay niya.

Lumambot ang mga mata nitong tumingin sa akin, tska ngumiti.

No, umalis na lang kami dito...or kaya bumalik na lang kami? Kapag nasa poder kami ni Mommy hindi niya na kami hahabulin–

"Hey, listen to me." He mumbled as he held both of my cheeks. "No one is here, tara let's check it out together." Pag aamo niya sa akin, tska ako tinulungan akong tumayo.

Ang lakas ng panginginig ng mga kamay ko, dahil sa pinag halong kaba at takot sa nakita ko.

That was the same scene that I saw before I left that place.

"Don't worry, I'm here." He smiled as he held my hands, "That woman can't do anything to you, she wasn't physically capable of taking me down." Nakangiting sambit nito sa akin.

Nakagat ko na lang ang pang ibabang labi ko dahil doon, at isang malaking buntong hininga ang binitawan ko bago tumango sa kanya.

Nakapikit rin ang isang mata ko dahil sa tindi ng takot na nararamdaman ko. Ang bigat ng bawat hakbang ko patungo sa banyo.

What if andyan talaga siya? What if bigla niya kaming salubungin sa pag pasok, at hampasin o saksakin ng kung ano?

"Valentina," He called, my eyes were still shut.

"She's h...here?"

"Open your eyes," He softly decreed.

Ang bigat ng paghinga ko, at nag aalangan pa akong sundin ang utos niya dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko.

Napaintag naman ang katawan ko ng may maramdaman na may humawak sa parehong parte ng pisngi ko, tska unti unting inangat.

"Open your eyes, Valentina and...trust me." Malambot na sambit nito.

Ramdam ko na rin ang panginginig ng mga labi ko dahil dito, pero dahan dahan kong binuka ang mga mata ko gaya ng sinabi niya.

"A-asan siya?" Kinakabahan na tanong ko sa kanya.

Bahagyang umalis sa kinatatayuan niya si Clioz, para ipakita sa akin ang buong lugar kung nasaan kami ngayon.

Nangunot naman ang mga mata ko, na sa maliit na banyo na ito ay walang akong nakitang kahit sino malaiban sa aming dalawa.

"I told you, no one's here." He mumbled as I looked back at him. "I guess...that your mind was just playing with you to see that figure." Malumanay na sambit nito sa akin.

Hindi ako nakapag salita, at bigla na lang bumagsak sa sahig dahil sa matinding panghihina ng tuhod ko.

Para akong nabunutan ng tinik dahil doon, pero may kung ano sa utak ko na siyang mas lalong natakot na sinisimulan na akong paglaruan ng utak ko.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now