CHAPTER 52: CLIOZ POV (Paart 4)

25.7K 490 113
                                    

WARNING: This chapter contains physical abuse, please if you think that the content of this chapter triggers some part of you, please don't read this; it may not be suitable for all readers. (READ AT YOUR OWN RISK)

—------------------------

"So, how come all of you were here?"

I asked, after I looked at Hermaine's body, which is now chained in one of the rooms of this house.

Andito kasi kami ngayon sa kusina, lahat kami. From Chase, Ate, to Yuan, and Cloud na nakatingin pa rin sa cellphone niya.

"I was just playing around with my laptop system, when my source detected something from this area. It was an unfamiliar program, and guess what...may mga CCTV na nakakabit sa buong bahay, na naka konekta sa isang monitor sa ilalim lang din nitong bahay." Si Yuan ang nagsalita.

"That must be the thing that Hermaine used to watch or move," Pag dagdag ko sa kanya.

Mukhang doon niya kami pinapanood sa mga galaw namin, para malaman kung saan siya papasok sa buhay namin kasabay ng pag kuha niya kay Valentina.

"I'm confused," Nakailing na ulong sambit ni Chase. "Paanong nandito si Hermaine sa isla? Paano siya napunta dito, at tumira sa ilalaim ng bahay nang hindi namin alam?" He asked.

Ayun rin ang tanong ko sa utak ko, paanong nandito ang babaeng yun kung ang mga magulang niya ay hindi pa rin kami na tutunton.

"That was because, nauna siyang tumira dito." Ate hissed, which made my brows furrowed.

"What?" Sabay naming tanong ni Chase.

"Bumaba ako kanina sa basement, when I found out used paints, mga kalat ng pagkain, I even saw a raw coconut there which only means that she was leaving here before you got here." She exclaimed.

"Ha? It doesn't make sense, bahay natin to, paano niya malalaman ang lugar na ito?" Tanong ko sa kanya.

"Isa lang ang naiisip kong dahilan, and that was she used our house to be her escape hideout when her parents tried to kill her." She answered.

"She might use her knowledge on finding your old house bago pa mawalan siya ng access sa website niya, at nagkataon na dito siya tumakbo sa loob ng mga taong yun bago pa man kayo dumating dito." Si Cloud naman ang nagsalita.

"Pucha, baka siya rin ang dahilan kung bakit laging umuunti yung ulam natin." Nakakunot noong sambit ni Chase.

Natawa naman sa kanya si Yuan, pero totoo naman yun. Napag talunan pa nga naming dalawa yun, pero wala namang umamin sa amin kung bakit ganun kabilis maubos ang pagkain namin.

"That was an unexpected coincidence. It's surprising how things just seem to align like that sometimes." Cloud hissed.

"Teka, okay nandito kayo kasi nakita niyang may nagmamasid dito sa bahay namin. Pero, paanong andito rin si Cloud, at handang handa kayo sa maabutan niyo–"

"Because of the same program, there was a camera on that monitor where I found out that Alova was chained on that bed." Pag putol sa akin ni Yuan.

"Sinubukan ko kayong contactin, pero hindi rin pumapasok ang tawag ko sa phone na ginamit ni Alova para tawagan si Yuan." Si Ate ang tumuloy.

"And for Cloud–"

"Kinidnap nila ako." Walang buhay na putol ni Cloud kay Yuan.

"What?"

"I'm just on my way on work, then suddenly he kidnapped me, kasi nilagyan niya ng pampatulog ang inabot niya sa aking kape." Dagdag pa nito, at sinamaan ng tingin si Yuan na ngayon ay nakatingin sa kisame.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now