"Chase?"
I called him; he was just standing beside me coldly.
Ang dilim ng presensya niya, kahapon niya pa ako hindi pinapansin ng maayos. Kakausapin niya lang ako kapag mahalagang bagay ang itatanong ko sa kanya.
Hindi ako sanay sa lamig ng aura niya kapag kaming dalawa lang.
Muli akong umupo sa kama pagkatapos kong mag ayos, dahil ngayon ang araw na siyang plinaplano naming tumakas at magpalakas para sa pagbabalik namin ay maitutumba na namin sila.
Diretso lang ang mukha nito, hindi rin naka kabit sa tenga niya ang ear muff na meron siya.
Isang malaking buntong hininga ang binitawan ko, "I've discussed enough right? Sinabi ko naman lahat ng kailangan mong malaman diba?" Muling tanong ko sa kanya.
Tumango lang ito sa akin, hindi inaalis ang seryoso niyang mga mukha.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya, tska tiningnan siya gamit ang pinaka malumanay na matang meron ako.
"What's wrong? Why are you acting like this?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.
Kung hindi ko malalaman ang tunay na dahilan kung bakit siya tahimik, ay baka mahirapan kaming gumalaw ay mapatid pa kami sa sarili naming daan kung sakali.
"Chase." Muling tawag ko dito.
"Hmm?" Tanging pag sagot nito sa akin.
Napabuga na lang ako ng hangin dahil doon.
"What's your deal?" Walang ganang tanong ko sa kanya, kahapon pa kasi ito ganito.
Pinaliwanag ko na lahat lahat, sinabi ko na lahat ng nalalaman ko pero biglang ganito ang ugaling binabato niya sa akin.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, para pansinin ako ng lalaking ito.
"Gusto mo ba talaga sumama?" Diretsong tanong ko na sa kanya.
Dahil sa tanong nayun, ay nakuha ko ang atensyon nito tska ito lumingon sa direksyon ko.
"Kung anong gusto mo, kung ayaw mo akong isama okay lang, kung gusto mo ikaw bahala–"
"You're making this thing hard!" I hissed, "Ano ba problema mo bakit ka ganyan? This is the first time you have treated me like this!" Hindi ko na mapigilan na ang sarili ko.
Kita ko ang pagtaas ng kilay nito sa akin.
"I made things hard?" He scoffs.
"Chase."
"Ako pa ang nagpapahirap sayo? Why are you mad at me? Susundin ko na nga lang ang gusto mo, ako pa ang nagiging pabigat sayo?" he uttered, "I should be the one who's mad here, hindi mo naman sakin sasabihin ito kung hindi mo kailangan ng tulong ko diba?"
"Ano?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya.
"Tama naman ako diba? Hindi ko malalaman ang lahat ng tungkol dito kung hindi mo kailangan ng tulong ko para palakasin ang loob mo?" he sneered, "Ano tatangayin mo na lang ako ng hindi ko alam kung hindi mo kailangan ng tulong ko, or worst is iiwan mo ako mag isa dito–"
"You know that I'll never do that!" I cut him off.
Anong pumasok sa isip niya, para isipin na iiwan ko siya dito?!
He was the reason why I wanted to escape this hell cause I didn't want him to suffer anymore.
"Oh you won't?" Pag balik nito sa akin, "Akala mo ba hindi ko malalaman kung anong nangyayari sayo?" He asked in a painful tone.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...