CHAPTER 47

28.3K 488 53
                                    

"Ah..."

I groaned as I felt how painful my whole body was because of an unknown reason.

Akmang tatayo na sa ako nang biglang may naramdaman akong humapit sa pulsuan ko. Agad ko namang ibinaling ang mga mata ko doon.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang naka kadena ang kamay ko, sa kamang siyang kinalalagyan ko.

"What the..."

My eyes were full of confusion because of the situation. I let my eyes look around the place as a wide monitor greeted me.

Napaawang ang bibig ko sa siyang nakita ko sa screen na yun, pinag halong pag tataka at hindi malaman na emosyon ang nabuo sa dibdib sa utak ko dahil sa nakikita.

"Paanong..." Bulong ko sa sarili ko dahil sa nakita ko.

Nag salubong ang mga kilay ko ng makita as monitor na kumakain sa hapag sila Clioz, Chase, at...ako?

Napako lang ang mga mata ko doon, dahil ang mga damit nila ay siyang damit ng dalawa kanina bago ako nawalan ng malay– what?!

I remember before I passed out, I saw myself...

No...

I saw Hermaine.

Biglang nanlamig na naman ang katawan ko nang maalala ko ang mga nangyari. Nang makita ko ang mukha ng babaeng yun kanina, ay nawalan ngkahit anong pitik ang utak ko.

Nakita ko na siya sa mga litratong ibinigay sa akin ni Yuan pero, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ng mga mata ko.

Talagang kamukha ko nga ito, mula sa ulo hanggang paa. Para akong nakatingin sa salamin dahil pati ang kulay ng buhok nito, at kung paano ang dating niya kanina ay katulad na katulad sa itsura ko.

Pero...ang akala ko ay patay niya siya?! Paanong nandito siya?!

Based on Yuan's information, she died in an unknown incident that may have been caused by her own parents. But, on the other side, there was no information that they found her body.

I should have known that there was a chance that she was alive...

Is she here for revenge? But for what?

Galit ba siya sa akin dahil ako ang ipinalit sa kanya? Pero, galit din ako sa mga magulang niya dahil sa ginawa nila sa akin.

Isang pag lunok ang nagawa ko ng makita ang paglapit nito sa direksyon ni Clioz kasabay ng pag yakap nito, mas lalong nangunot ang mga mata ko ng makitang diretso itong tumingin sa camera na siyang naka connect sa monitor na ito.

Kailan pa nagkaroon ng camera sa bahay na yun?

Kahit na ang bigat ng pakiramdam ko, ay muli kong nilibot ang paningin ko dahilan para mapag tanto ko na nasa isang hindi ako pamilyar na lugar. Para itong tambakan ng mga lumang gamit, pero meron ding mga gamit sa loob nito.

There was a small trolley on the side of the bed where I was chained. It was a troll with medical tools that made my brows furrow.

Hindi malinis ang mga iyun, pero alam mong gamit ang mga bagay na iyun.

Akmang gagalaw pa sana ako ng biglang may nararamdaman akong kirot sa leegan ko, gusto ko yung abutin pero hindi ko magawa dahil sa pag kakatali ng mga kamay ko.

My mind went blank from the scene that I was seeing.

Hindi na bago sa akin ang ganitong mga lugar, dahil lagi kona tong nakikita sa website namin. This might be a psychopath playground, from the tools to its atmosphere. I already know what the purpose of this place is.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now