"Hoy, malunod ako!"
Sigaw ko nang bigla akong binuhat ng dalawang ito at akmang ilulubog sa tubig ng dalampasigan kung saan kami naliligo ngayon.
Nasa may likurang parte kami ng isla kaya naman ay kakaunti ang tao dito, at mas tahimik ang lugar na ito kaysa nasa bungad.
As we play on the water, the ocean shimmers like a living tapestry of blue and gold.
All of us, bathed in sunlight, weave in and out of the waves, their laughter mingling with the symphony of the sea, transforming the scene into a vivid portrait of pure, unbridled joy.
Para kaming mga batang naghahabulan at takbuhan sa buong dalampasigan, habang hinahayaan ang sarili naming maging masaya sa mga oras na ito.
Payapa lang akong naglalakad habang dinadama ang malambot na bungahin ng isla nang bigla akong binuhat nitong dalawa.
"Kapag ako nakainom ng tubig ah–"
Hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko nang bigla akong binagsak ng mga ito sa tubig, si Clioz ang bumitaw sa mga balikat ko at si Chase naman ang nag iwan sa paahan ko.
Ramdam ng katawan ko ang bigat nang tubig na yumakap sa akin dahil doon, hinabol ko pa ang hinga ko bago ako muling tinulungan ni Clioz na tumayo.
"Hindi ka malulunod diyan, Valentina." Natatawag sambit nito, tska ako tuluyang tinayo. "Hindi naman malalim, and as if I let you drown."
Napahilamos naman ang kamay ko sa mukha dahil sa tubig na umagos dito, buti na lang ay agad kong naisara ang bunganga ko kaya naman ay wala akong tubig na nainom na baka ay pumatay pa sa akin kung sakali.
Lumingon ako sa direksyon ni Chase na halos mamula na sa kakatawa dahil sa ginawang kalokohan nilang dalawa.
"Tuwang tuwa kayong pinagtritripan ako ah," Nakangusong sambit ko kasabay ng malakas na pag hawi ng tubig sa kanya.
"M-may pumasok sa ilong ko!" Pag rereklamo ni Chase dahil direktang tumama sa mukha niya ang tubig na hinampas ko sa direksyon niya.
"Deserve!" I hissed as I gathered more water from my side and splashed into them.
Wala naman kami sa malalim na parte ang dagat at lampas bewang lang nila ang tubig habang sa akin ay nasa ibaba na nang dibdib ko.
Nailing ko naman ang ulo ko habang tumatawa dahil pinag tutulungan talaga ako nang dalawang ito, para itong mga bata na pinagbigyan maligo sa dagat makalipas ang ilang oras na pag iyak para lang payagan.
"Grabe kayo sa akin ah!" I bristled as I pushed another pile of water into them.
A wave of pure joy washed over me, lifting my spirit higher than the sun-kissed waves around us. It felt as though the ocean itself was celebrating with us, each splash and ripple echoing our laughter and weaving it into the rhythm of the sea.
My heart swelled with such radiant happiness that it seemed the entire world was shimmering in tune with our boundless delight. Hindi ko mapigilan ang ngiti ng puso ko dahil sa eksenang ito.
Nagulat naman ako nang biglang dampaan ni Clioz si Chase, dahilan para bumagsak ito sa tubig.
"Hoy, malunod–"
Wala pang ilang saglit ay nakatayo na rin si Chase, kasabay ng pag hatak kay Clioz na siya naman ngayong nakalubog sa tubig.
Their childlike happiness was infectious as they splashed and giggled in the water, their carefree joy echoing across the scene. Ang cute nila.
Hinayaan ko na lang muna sila don mag baldahan at inihiga ang sarili ko sa tubig para lasapin ang oras na ito.
Ito ang unang beses kong nakapunta sa dagat na ganito ang nararamdaman ko, ang lagi ko kasing sadya sa mga ganitong lugar ay negosyo dahil sa mga inaasikaso ko. Pero, iba ang pagkakataon nito.
YOU ARE READING
UNDER Series #3: Close your eyes, Valentina.
Mystery / ThrillerAlodia Valentina De Levine-Furujes was the adaptive heir of a couple who ran an illegal website, wherein illegal transactions of people on underground business took place. She was trained and raised under pressure from her adoptive parents. She was...