EPILOGUE

38.3K 710 292
                                    

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang nag hahabulan sila sa bakuran.

Kagat kagat ko ang pang ibabang labi ko habang hawak ang tasa ng kape sa mga kamay ko, kakasikat palang ng araw pero parang kiti kiti na ang dalawang ito.

Isang pag higab pa ang binitawan ng sarili ko, dahil ang aga nila akong ginising dahil birthday niya daw ngayon.

"Hey, baka mabitawan mo!" Sigaw ko mula sa terrace ng kwarto kung saan sila natatanaw.

Bigla kasing hinagis ni Clioz si Hyaniz sa ere, dahilan para mabuga ko ang kape ko.

"She can fly!" he grinned as he caught her.

I stood at the window, a radiant smile spreading across my face as I watched my husband and our daughter play in the backyard.

Their laughter filled the air, a symphony of pure joy that mirrored the overwhelming happiness I felt in that perfect moment.

Nailing ko na lang ang ulo ko bago bumalik sa kwato, para magbihis at bumaba sa kusina.

Hindi naman ako nag tagal sa pagbibihis, hanggang sa tuluyang bumaba. Pinaling ko ang ulo ko ng makita ang isang babaeng nakaupo sa may lamesa, habang may hawak na kutsilyo.

Naningkit naman ang mga mata ko dahil balikad ang hawak niya dito.

Isang malaking buntong hininga ang binitawan ko, bago lumapit sa kanya at humalik sa pisngi nito kasabay ng pag ayos ng hawak niyang kutsilyo.

"You'll hurt yourself," I whispered.

Umupo ako sa harapan niya, tska ko nakita na nag gagayat pala ito ng mga panrekado na siyang gagamitin sa mga luto namin.

"Kaya pala, ayaw ma cut." Natatawang sambit niya.

Imbis kasi na ang blade ng kutsilyo ang ipang hati niya, ay ang likuran nito ang pilit na pinang gagayat niya sa sibuyas.

Inubos ko ang kape sa harapan niya, habang nakangiting nakatingin dito.

I couldn't help but smile fondly as I observed the girl in front of me deftly slicing ingredients for our cooking.

Her short hair, a recent change, framed her face beautifully, while her vibrant and intricate tattoos still adorned her body, telling stories of their own.

The scene filled me with deep, contented happiness. I appreciated the blend of the familiar and the new in our shared moment.

"Hindi ka ba nasasakal sa leeg mo?" Nakailing na tanong ko sa kanya, dahil meron din kasing choker ang leegan nito.

Natawa na lang siya dahil doon bago ako sinagot, "Ang tawag diyan, style." Maarteng sambit nito.

I just shrugged my shoulders as I got up and put my cup op on the sink.

Sinilip ko naman ang siyang niluluto ng lalaki dito sa kusina, yumakap din ako dito at ipinahinga ang ulo ko sa likuran niya.

"Are you hungry?" He asked.

"I do." I smiled as I tightened my hug.

Umikot naman ito sa posisyon ko at hinalikan ang ulo ko, bago nagsalin ng pagkain sa isang mangkok.

"Sabay na kayo kumain ng kapatid mo," He sneered. "Ikaw ang inaantay niya, hindi daw siya kakain hanggat hindi ka niya kasabay." Pag buga nito ng hangin.

"Ikaw ah, nagiging clingy ka sa akin ah." Nang aasar na sambit ko.

"Why won't I? You're my sister kaya, magulat ka kapag sinabunutan kita." Nakangusong sambit nito.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now