CHAPTER 54: CLIOZ POV (Part 6)

27.7K 613 162
                                    

"Val–ARAY!"

Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinampas na halos bumakat ang kamay niya sa braso ko.

"Bakit?" Hinihimas na brasong tanong ko sa kanya.

"I told you masakit nga katawan ko!" She pouted.

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil doon, muling yayakapin ko pa sana siya pero pinigilan ko na ang sarili kong magumos ang katawan niya.

She's pouting like a kid as if I did something to her. Ang cute.

"Tara na nga...wag mo lang akong lamugin..." Malambot na tawag ulit nito sa akin.

Natakpan ko naman ang bibig ko dahil sa pag ikot ng mga paruparu sa tyan ko dahil sa kung paano niya ako amuhin.

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya, at humiga sa kabilang parte ng kama kasabay ng malambot na pagyakap ko sa kanya.

"I missed you, I thought–"

"I won't die just like that." She cut me off and leaned a soft kiss on my lips.

Nahinto rin naman ako dahil doon, at na pikatpikat ang mata dahil sa gulat.

Ipinahinga niya rin ang ulo niya sa dibdib ko kasabay ng pagkuha niya sa palad ko, at paglalaro ng linya doon.

"I won't let someone like her kill me," she mumbled. "I still need her, may gagawin pa ko sa kanya." Mariing dagdag nito.

Hindi ako nagsalita at tumango na lang sa kanya, hindi ko alam kung ano ang plano niya kay Hermaine pero kahit ano man yun...I don't care, as long I have her.

Parang bata itong pinulupot ang mga braso niya sa akin, kasabay ng mahigpit na pagyakap niya sa akin dahil doon.

"Clioz..." She called.

"Hmm?"

"Birahin mo ako."

Mga salita galing sa kanya na siyang ikinasamid ko sa hangin.

"H-ha?"

"Bored ako."

Mas lalong naningkit ang mga mata ko dahil doon, at hinawakan ang parehong balikat niya kasabay ng pag harap ko sa kanya.

Dinampi ko pa ang palad ko sa noo nito, para siguraduhin kung nilalagnat ba siya.

"Dali na..."

Halos takasan naman ako ng tuliro ko nang maramdaman ang pagpasok ng kamay niya sa loob ng hoodie na suot ko.

Agad ko namang nilabas ulit ang kamay niya, at parehong hinawakan ang pulusuan niya.

"Valentina kakagising mo lang, apat na araw kang tulog." Mariing sambit ko sa kanya.

"Kaya nga, apat na araw kitang di nakita." Inosenteng sambit nito.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko, kasabay ng muling pagsandal niya sa dibdib ko at pag yakap niya sa akin.

Paglunok na lang ang nagawa ko nang maramdaman kong hinalikan niya ang lagukan ko mula sa ilalim ko.

"Val..." Pigil na bulong ko dito.

"You like it, do you–"

Hindi ko siya pinatapos at niyakap na lang nang mahigpit, "Kakagising mo lang!" I sneered.

Kapag diko siya pinigilan ay mas lalong diko mapipigilan ang sarili ko, at baka mas lalo pa siyang masaktan sa gusto niya.

"CLIOZ-"

"Valentina!" I cut her off, "You just wake up, kumain...kumain ka nalang, kukuhaan kita ng foods." Pag bawi ko sa pagtaas ng boses ko.

Kita ko namang natahimik ito, dahilan para masapo ko ang noo ko.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now