CHAPTER 12

41.6K 795 45
                                    

"Chase, shopping tayo!"

Pang yaya ko kay Chase habang naka sakay sa likuran nito.

"Ano ba? Bumaba ka nga! Para kang bata!" Panunuway nito sa akin.

"Dali na! Samahan mo ko, gusto ko bumili ng bagong damit!"

"May inuutos sa akin Daddy mo, kailangan kong tapusin yun." Sagot nito sa akin na ikanguso ko. "Tska, bumaba ka na nga nasasakal ako—Aray!"

"Edi umalis ka na." Agad na pag bitaw ko sa kanya, kasabay pagpasok sa walk-in closet ko.

Gusto ko kasi talagang lumabas ngayon, deserve ko naman ata na makapag gala pagkatapos ng misyon ko kahapon diba? Tska pinayagan na ako.

Lagi namang wala akong ginagawa sa kasunod na araw kapag natatapos ko ang misyon ko. They are rewarding me for my skills.

"Alova, aalis na ako."

"Lumayas ka na!" Sigaw ko sa kanya ng kumatok ito sa closet ko.

"I text mo na lang ako kung nasaan ka, tatapusin ko agad ito tapos susunduin kita." Huling sambit nito bago ko, marinig ang pag-sara ng pintuan ko.

Nakakainis!

Padabog ako lumabas ng kwarto ng makabihis ako, nasa kamay ko na rin ang susi ng kotse na gagamitin ko.

Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta, wala akong kasama, kaya walang mag bubuhat ng mga bibilhin ko kung sakali.

Palabas na sana ako ng mansyon ng bigla kong nakasalubong sina Daddy, kasama si Lewis sa tabi niya.

"Where are you going?" Seryosong tanong sa akin ni Daddy.

Napanguso naman ako dahil doon, "Mag gagala po." Inosenteng sambit ko dahilan para mag-salubong ang mga kilay niya.

"You can't leave, inutusan ko si Chase," he hissed.

Mas lalong humaba naman ang nguso ko habang nag iisip ng palusot sa kung anong pwede ko ipaalam para payagan ako ni Daddy.

"Kaya ko naman po sarili ko, gusto ko lang rin po mapag isa." Nakangiting sagot ko, gamit ang pinaka maamong mata na meron ako.

Hindi nagpatalo si Daddy sa akin at diretsong tumitig sa mga mata ko.

"Please–"

"Lewis," Pag putol niya sa akin.

Oh no, mukhang alam ko na ang sasabihin niya.

"Samahan mo si Alova; hindi naman na ako aalis ng mansyon," he decreed as he walked away.

Naningkit naman ang mata kong napatitig kay Lewis na nakangisi sa akin. Nakakainis talaga!

Padabog kong binigay sa kanya ang susi ng kotse ko, tska sumakay doon. Wala naman akong magagawa dahil inutusan na siya ni Daddy, bakit ba kasi tuwing gusto ko umalis laging busy si Chase?!

"Minura mo na ba ako sa utak mo?" Pag basag niya sa katahimikan naming dalawa.

I scoff because of that: "Bakit sa utak pa kita mumurahin kung pwede naman ngayon? Tangina mo, fuck you!"

"You're acting like a spoiled child, Alova." She cut me off.

Nanahimik naman ako bigla dahil sa sinabi niya, wala na! Sira na yung mood ko, hindi na ako natutuwa!

Tumahimik na ako buong byahe at hinayaan na lang mag-maneho sa mall. Total, kasama ko siya edi siya mag bitbit ng mga bibilhin ko.

Ipinaling ko ang mga mata ko sa harapan ng may makita na naman akong bato, naningkit pa ang mga mata ko bago tuluyang inabot yun.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now