CHAPTER 41

31.3K 543 100
                                    

Maaga akong nagising, at siya namang mahigpit na nakayakap sa akin si Clioz.

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko, bago ko hinarap ang direksyon niya. Ang himbing ng tulog nito, na para bang walang nangyari kagabi.

Dahan dahan ko tinanggal ang mga braso niyang nakakapit sa akin, ang ingat ng mga galaw ko at pilit ko talagang nirahanan ang mga kilos ko para hindi ito magising.

Para akong magnanakaw sa sobrang tipid ng mga hakbang ko, bago unti unting lumabas ng kwarto para iwan ito.

Malalim naman ang tulog niya, kaya ay sigurado naman akong hindi ito nagising lalo na't hanggang makatulog kami kagabi ay umiiyak siya.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas ako sa kwarto namin, tumungo rin ako sa kwarto ni Chase para silipin ito. Nakaawang naman ang pinto nito, tska nakita ko na mahimbing rin itong natutulog.

Tuluyang bumaba na ako, at nag hilamos sa poso.

May kailangan kasi akong kausapin, at hindi na ako makakapaghintay dahil napaka rami ng oras ang nasayang namin dito.

Kakasikat pa lang ng araw, at malamig pa ang simoy ng hangin. Mas malamig ang natural na hampas ng hangin dito, kaysa sa mansyon.

I could also see a fog from the air because of how cold it was. The morning fog draped the landscape in a delicate, mystical veil, with dew-kissed grass shimmering softly in the hushed, serene light of the young ray of the sun on this day.

Buti na lang ay naka hoodie akong natulog, kaya naman ay walang problema kahit lumabas ako ngayon. I just strolled around the area to find a place that offers a communication tool for me to use.

Wala pang masyadong tao sa paligid, dahil nga napaka aga pa. Rinig na rinig ko rin ang hampas ng alon mula sa dalampasigan ng islang ito.

Naglakad lakad lang ako sa baryo, hanggang sa napunta ako sa tindahan malapit sa talipapa.

Buti na lang ay bukas na yun, kaya naman ay agad na akong nag tungo doon.

"Good morning," Nakangiting bati ko sa tao sa tindahan.

"Oh, magandang umaga." Masayang bati rin ng babae dito, "Ang aga mo iha ha? Ikaw yung kasintahan ni Ion diba? Yung bagong dating?" Tanong nito.

Napatango naman ako doon, "Opo," I smiled.

"Anong sadya mo ineng? May bibilhin ka ba sa munti kong tindahan?" Mabait na tanong nito.

Napanguso naman ako tska inilibot ang mata ko sa buong tindihan ng babae, at sa isang parte napako ang mga tingin ko.

"Magkano po tumawag sa landline?" I asked nicely.

May nakita kasi akong landline doon, at ayun talaga ang hinahanap ko kaya ako lumabas dito.

"Ah, ayan ba? Kinse, limang minuto diyan iha...medyo may kamahalan, kasi alam mo na nasa isla tayo." Parang nahihiya pang sabi ng babae,

"Kinse po?" Nag tatakang tanong ko.

Anong kinse? 500 ba yun? Or 5000?

Rinig ko naman ang marahang pagtawa nito, "Fifteen, iha." She smiled.

"Oh!" Agad na reaksyon ko, "Okay lang po, babayaran ko na ang po yung ma c-consume kong oras." Malaking ngiti ko sa kanya.

Fifthteen pesos lang pala, akala ko naman sobrang mahal.

"Oh, siya. Gamitin mo na ineng."Pag abot nito sa akin, "Dito ka sa may gilid, para hindi ka mabangga bangga ng mga bibili dito." Dagdag niya pa.

Agad naman akong gumilid, bago bumalik ang babae sa kaninang pwesto niya na nagkakape.

UNDER Series  #3: Close your eyes, Valentina.Where stories live. Discover now