AMISELLE SERISE AVELLANO
"AVELLANO, STAND UP!" napapalunok akong tumayo dahil sa sigaw ng professor namin.
"What is the process by which green plants and certain other organisms transform light energy into chemical energy?!" pasigaw na tanong nito sakin.
Dali naman amputa, ano ako elementary?!
"Photosynthesis, Sir." may diin ang huling salitang binitawan ko.
"SIT DOWN!" turan nito, pairap naman akong umupo.
"VILLARIES, STAND UP!" napatingin sakin si Celestine dahil sa pagtawag sa kaniya ni Professor Villa.
Tumayo naman kaagad ito.
"In the periodic table, what are the ALKALI METALS?!" pasigaw ulit niyang tanong.
Buang, sigaw ng sigaw.
Palihim na umirap si Celestine.
"Easy." ngumisi ito na tinaasan ng kilay ni Professor Villa.
"Sodium, Cesium, Rubidium, Francium, Lithium and POTAssium, Sir." palihim akong natawa sa huling salitang binitawan niya.
Dumating na ang dismissal ng klase niya. Vacant ang subject namin ngayon, 2 hours din yun kaya naisipan namin ni Celestine na lumabas muna ng room.
Tumungo kami sa cafeteria para kumain syempre!
"Celes, may sasabihin ako." panimula ko pagkatapos namin makabili at maka-upo.
"Ano yun?"
"Alam mo bang anak ni Atom Araullo si Ion Perez?"
"Eh? Pano?"
"Because ions are made of atoms." I proudly said.
"Aray!" hinimas ko ang batok ko.
Binatukan ako ni bruha!
Huhu mama help!
"Wala ka na namang matinong nasasabi." singhal nito sakin.
"Meron kaya! Like saying my full name because i'm pretty." I rolled my eyes.
"Sino?"
"Ak-"
"Nagsabi?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Yung tagos hanggang buto!
"Ang sama-sama talata ng ugali mo! May saltik-"
"Hmhmm!" hindi natuloy ang sasabihin ko ng sinubuan ako nito ng buong hotdog.
Haha, my fav!
"Manahimik ka na utang na loob, gusto kong kumain!" inis na usal niya at tinarayan ko siya.
"Ang sarap." turan ko matapos makain ang buong hotdog.
"Takot ka nga sa hotdog."
