Prologue
Alam mo yung feeling na... laking private school ka from grade 1-3rd year tapos bigla kang itatransfer sa public pagdating mo ng 4th year? >__<
Yung mapahiya sa harap ng MUNTIK mo nang maging crush??
Yung magpakilala sa introduction portion during the first day of classes sa harap ng mga classmates at teacher mo at ma-speechless after all the practices you did??
Yung malimutang gumawa ng assignment dahil busy ka kakabasa ng wattpad ??
Pumasok sa cr at malimutang bumili ng shampoo?
Pumiyok habang nagre-recite sa klase?
Tumalsik ang laway habang nakikipag-usap sa iba (or worse... sa harap ng crish mo -___-)?
Well , kung alam mo na.... Good for you :)) hehe! naranasan ko na din yan... many times!!! XD
But... hindi dyan tumatakbo ang story na ito. Pinatagal ko lang. XD haha! Trip ko eh :P
Eto na talaga..
So here it goes....
---
The real PROLOGUE ***
Naglalakad ako pauwi sa bahay. Madilim na nga rin nun eh. Galing ako nun sa school. Ako lang mag-isa ang naglalakad kasi pinauna ko na yung pinsan kong dapat ay kasabay ko.
Napatingin ako sa may kanto. May nakita akong babaeng umiiyak tapos may kausap siyang lalaki na kasing-edad lang din nya. Nakayuko lang yung lalaki habang nagsasalita yung babaeng umiiyak.
Tingin ko mga nasa 18 pataas na ang edad nila kung ipagpapalagay ko sa mukha at katawan nila.
Maya-maya, nakita ko yung babae na biglang sinampal yung lalake.
Hmm?? Baket kaya?
Nug malapit na akong makarating sa bahay, may nakita naman ako dun na babaeng nasigaw ng 'MINAHAL PA NAMAN KITA! YUN PALA MANLOLOKO KA! ANG BUONG AKALA KO MAHAL MO KO! GINAMIT MO LANG PALA KO! ANONG NAPALA KO SA LECHENG PAGMAMAHAL NA TO?! WALA! NASAKTAN LANG AKO! WALANG HIYA KA! MAGSAMA KAYO NG BABAE MO!'.
Ayun yung eksaktong narinig ko tapos bigla na lang tumakbo yung babae.
Nilingon ko lang sila pero syempre di na ko nakiusisa. Di naman ako usisera eh. Dire-diretso lang ako sa bahay.
Nung nandoon na ako sa tapat ng bahay namin, napalingon ako dun sa katabing bahay namin. Ang daming tao.
Bakit kaya?? Sumilip ako dun..
Tss.. kaya pala, may lalaking nanghaharana sa kapit-bahay naming dalaga. Sus! Kaya pala nagtitilian sila dun! Uso pa rin pala ang harana ngayon?
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...