Chapter Forty-Eight

123 1 0
                                    

Krisha’s POV

Magdidilim na nang magpunta si Russel dito sa bahay. Bakit pa ba siya nagpunta? Kaya nga ko umuwi para di muna siya makita at makapag-isip isip eh. Hindi ko rin nagawa kanina kasi ayaw maniwala ni papa na masama ang pakiramdam ko. -,- Kaya nag-movie marathon kami ng nakakatakot.

Pangatlong movie na dapat ang isasalang ni papa nang dumating si Russel. Nakakatuwa sana kasi ayaw ko na ng nakakatakot. Feeling ko hindi ako makakatulog mamaya. :3

Pero malas pa din kasi si Russel yung dumating. Mas lalong gugulo yung utak ko. :/

“iho, napadalaw ka?” salubong ni papa kay Russel pagkapasok niya sa pintuan.

Ngiti naman ang itinugon sa kanya ni Russel, “naisip ko lang pong bisitahin si Krisha tito..”

TITO?! Anong kalokohan to ha? Close ba sila at kung makatawag siya ng tito dyan? =_=

“teka.. teka...” dun lang napatingin sakin si Russel. Dun lang yata niya ko napansin. Great!

Tumingin silang dalawa ni papa sakin.

“kelan pa naging tito ang tawag mo sa papa ko?” tukoy ko kay Russel. Sasagot na sana siya nang tumawa si papa.

“ano ka ba naman anak? Ako mismo ang nagsabi sa kanya na tawagin akong tito..” natatawang sabi niya.

At natawa pa siya ah? =_=

“Krisha, paupuin mo ang bisita mo.” Utos ni papa sabay punta sa kusina. Kami lang kasing dalawa ang nandito ngayon. The rest, pumunta sa Bicol. May kamag-anak kami dun. Dun sila for three days.

Tinignan ko siya, at nakatingin din siya sakin. U-uhh.. nakakailang... Umiwas ako ng tingin, “umupo ka...” sabi ko sabay punta sa sofa.

Kinuha ko ang remote at pinunta sa channel 7.

Pagkaupo ni Russel, magsasalita dapat siya nang bigla kong in-off yung tv at binalibag ang remote.

Ang pangit ng scene. Nakakainis.

“bakit?” –Russel

“ang pangit ng palabas” simpleng sagot ko. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Nagkukunwari akong nagtetext.

“ano bang palabas?”

“may nililibing” diretsong sagot ko.

*SILENCE*

Ayoko ng ganito. Didiretsuhin ko na nga.

“bakit ka nagpunta dito?” by this time, tumingin na ko sa kanya.

At wrong move yata.. bumilis na naman ang tibok ng puso ko.. Bwisit na yan. >_<

“sinabi ko na kanina.. gusto kitang bisitahin”

“b-bakit mo ko bibisitahin?”

“sabi mo kanina masama ang pakiramdam mo. Di mo ko pinayagang ihatid ka pauwi kaya tinext ko si kuya Dave kung nakauwi ka na ba, sabi niya nasa Bicol daw sila ngayon kaya hindi niya alam. Kaya ako na mismo ang nagpunta dito para siguraduhin kung nakauwi ka ba... kung ok ka lang...”

A-ano? Bakit ba sa bawat salitang sinasabi niya, mabilis na pintig ng puso ko ang kapalit? Naguguluhan na ko. Meron na kong conclusion sa kung anong ibig sabihin ng mga nararamdaman ko... pero ayaw kong pansinin.

Manhid ba ko? No. I think not. Para sakin, walang taong manhid. Nararamdaman nila kung may kakaiba, pinipilit lang nila na wag itong pansinin para makaiwas sa disappointment.

Bakit ko ba ‘to sinasabi? Siguro kasi... nakakarelate ako? :/

Huminga ako ng malalim bago magsalita..

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon