Ako Plus Ikaw Equals Perfect
--> chapter fourteen (Love mood swing #2....)
By: [iamsupeeeerME_14]
Jericho Adryll Serano’s Point Of View ///
“wow! What a scene? Nakakakilig naman kayo! So ngayon boyfriend ko naman ang balak mong kunin? WOW!”
t-teka?? That voice..... is that? No. don’t tell me that’s.....
“k-krisha?” nagkatitigan kaming dalawa. By the look at her face, I can say that she’s really mad at me right now.
Then later... napadako naman yung tingin niya kay Sena. Emotionless yung tingin niya kaya di ko ma-distinguish kung anong takbo ng utak niya ngayon.
...at dun lang pumasok sa isip ko ang eksenang nadatnan niya. Nakahawak pa ako sa mukha ni Sena at malapit ang mukha naming dalawa.
Agad akong napabitaw sa pagkakahawak sa mukha ni Sena.
“Krisha...”
“yep. Shocking, huh? O baka naman naistorbo ko kayo? Ok. Look, I’m sorry. Let me explain..” she said ironically. Naka-ngiti siya pero too obvious na pinipilit lang niya. Alam ko naman kung anong takbo ng isip niya ngayon eh.
“si ate Sheena lang kasi talaga yung pinunta ko dito.. di ko naman inakalang maabutan din kita dito.. a-ang alam ko kasi, pinapatawag ka ng d-dad mo... yun... yun yung sabi mo s-sakin eh, d-diba?? uhh? I’ll left na huh. I’ll just visit ate Sheena next time. Uh... Don’t mind me, please continue... ” may pumatak na luha sa mata niya bago siya tumalikod at mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng bahay nila Sena.
Di na ko nagpaalam kay Sena. Agad kong sinundan si Krisha. I can’t afford to lose her, just by a simple misunderstanding.
Lumabas na agad ako sa bahay nila Sheena. Dyahe!! Kaya nga ko nagpunta dito para maayos na yung gulo namin eh.. tapos ano? Lalong lumala? Tae.
Yung sinabi ko kanina sa kanyang pinapatawag ako ni dad, totoo yun. Di ako nagsisinungaling sa kanya.
Nanggaling na talaga ko sa bahay, kasi nga nandun si dad. Pero saglit lang kaming nag-usap. Pagkatapos ng masinsinan naming pag-uusap ni papa, dumiretso agad ako sa bahay nila Sena. Alam niyo naman siguro kung bakit di na ko nagpaalam kay Krisha diba? Alam kong maghihinala siya... and I figured out right now that that’s a wrong move.
Mas lalo lang siyang naghinala dahil di ako nagpaalam. You’re so stupid Jeric! Fck.
“Krisha!” nandito na kami ngayon sa gate nila Sena.
POOTAENA! Bakit ngayon pa umulan? Napatingin ako kay Krisha.. may dala siyang payong, pero di naman niya ginagamit. What now?! Is she completely out of her mind?! Bakit di siya nagpapayong! Dyahe talaga!
Tumawid sya papuntang kabilang parte ng kalsada.. napatingin ako sa parating na... sasakyan! O_O
“Krisha may sasakyan!!!” AH PUTAENA TALAGA!!!! ARGH!!
Mabuti nakapreno agad yung sasakyan kundi... baka mapatay ko ang sarili ko.
Patakbo akong tumawid at nang makarating na ako sa kabilang parte ng kalsada, hinawakan ko siya kaagad sa kamay kaya’t napahinto siya at napaharap sakin.
At saktong pagharap niya... nakatikim ako ng isang... malutong na sampal
Napaharap ako sa kabilang direksyon sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sakin. Ang sakit... nasasaktan ako... hindi ko inida yung sakit ng pagsampal niya sakin. I thin I deserve that.
Nasaktan ako sa fact na sa tagal ng pagsasama namin ni Krisha, ngayon pa lang niya ko nasampal. Ngayon pa lang.
Shit. Nag-iinit yung mata ko. Hindi... hindi ako pwedeng umiyak sa harapan niya ngayon. Ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nagagalit eh, diba? Kaya bakit nga naman ako maiiyak ng dahil lang sa isang sampal? Sa bagay, umuulan naman. Di rin niya yun mahahalata.
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomansaTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...