Chapter Forty-Three
Russel’s POV
“Russeeeeel~!” Humarap ako para tignan kung bakit siya sumisigaw, saktong pagharap ko... naramdaman ko yung yakap niya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. P*ta. Baka maramdaman niya.
“K-Krisha... b-bakit?”
TSK! Nautal! Fail! Argh! Russel! Come back to your senses! >.< Ang daming nagtitinginan samin, but I guess I don’t care. Gusto ko tong pwesto namin ngayon. Gustong gusto ko.
“Salamat Russel. I love you..” I-I love you? Yung puso ko... baka nararamdaman niya, t-teka.. Bigla kong pinagpawisan? Shit. Ang init.
“thank you Russel... sa lahat ng kaibigan ko, ikaw yung pinakapaborito ko. Ikaw yung talagang nakakakilala sakin. Ikaw yung pinakamahal ko. Salamat Russel... Wag mo ko iiwan, please?”
Kaibigan. Hah! Astig. Sabi na nga ba eh. Bigo ah. Haha.
Niyakap ko din siya. “hindi kita iiwan. Promise yan.... tsaka... mahal din kita...” hinigpitan ko pa lalo yung yakap namin. Tsaka ko hinawakan yung mukha niya, at dahan-dahang dinampi ang labi ko sa noo niya.
Matapos ko siyang halikan sa noo, binulungan ko siya.
“ayaw ko sanang putulin to, kasi alam kong kinikilig ka... pero masyado kasing maraming nagtitinginan satin.. baka isipin, PDA tayo.. ayaw mo namang mareport kay kuya Dave ng ganun diba?” nginitian ko siya ng matamis, tsaka kami naghiwalay.
Hinawakan ko siya sa kamay tsaka um-escape. Haha. :)
Paakyat na kami sa hagdan nang madaanan namin si Vince. Naalala nyo pa? Yung kaparehas ni Krisha ng surname?
Nginitian niya ko. AKO? Bading ba ‘to? Pero yung ngiti niya, pang-asar.
“di ko alam na kayo na pala..”
Ha?
Napahinto kami sa paglalakad. At sabay na tumingin sa kanya. Nakahinto na din siya at nakatingin sa amin.
“kami ba kausap mo?” tanong ko. Malay mo may kausap pala siya sa cellphone –kahit wala siyang hawak na cellphone.
“yeah.” Tsaka niya pinasok yung dalawang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya.
“h-hindi kami...” sagot ni Krisha.
“ah hindi ba? Kitang-kita kasi kayo dyan sa taas na magkayakap dun oh?” nilabas niya yung isa nyang kamay at tinuro yung pwesto namin kanina ni Krisha.
“imposibleng walang namamagitan sa inyo..”
Ha?
“teka. Ano bang sinasabi mo?!” hinawakan ni Krisha yung laylayan ng polo ko, “Russel..”
“nagtatanong lang.. masama ba?”
”pakialam mo? Kalalaki mong tao, chismoso ka. Bading ka ba?”
Ngumiti lang siya. Yung ngiting nakakasulasok. >_<
“Lahat ng tao, babae o lalaki, alam ang salitang ‘curious’. At bilang tao, nagtataka lang din ako, diba namatayan ka ng boyfriend?” tinuon niya yung pansin niya kay Krisha.
Napahinto naman si Krisha. Magkatitigan lang silang dalawa.
“tumahim--” hindi niya ko pinansin at nagpatuloy sa pagsasalita.
“sa pagkakaalam ko, hindi pa siya ganun katagal na patay, kaya nakapagtatakang nakahanap ka agad ng iba.”
“pag hindi ka tumahi--”
“hindi kami! Alam mo na? Wala ka ng ibang tanong?” –Krisha.
“meron pa.. bak--”
“TUMAHIMIK KA NA! Krisha, umakyat ka na dun! Bilis!”
Sumunod naman siya sakin. On the second thought, dapat pala sumunod na lang ako sa kanya. Ayaw kong maiwan kasama to. Naiinis ako. Epal amputa.
“may gusto ka sa kanya diba?”
Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Pero na-compose ko din naman agad yung sarili ko. Alam ko namang hindi niya alam.
“ewan ko ba sayo... ang daming babae dyan, dun ka pa magkakagusto sa babaeng namatayan.”
“ang dami mong alam..”
“yeah.. wag kang mafa-fall. Gagawin ka lang na panakip-butas niyan.”
“Shut u--”
“What? I’m just stating the fact.”
“Stop. Talking.”
“hahaha. I feel sorry for you, you kn--”
“wala kong gusto sa kanya, so stop making a fuss about it..”
“fine. Nice talking to you.” Tinitigan niya ko tsaka ngumiti. Pagkatalikod niya, umalis na din ako.
Bwisit. Panakip-butas? Hindi yun kayang gawin ni Krisha. Isa pa.. hindi niya yun maiisip na gawin... sakin.
Hay! Tangina! Hayop!
![](https://img.wattpad.com/cover/5231228-288-k576563.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomansTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...