Chapter Forty-Four

120 1 0
                                    

Chapter Forty-four

Russel’s POV

Uwian na ngayon. Ihahatid ko muna si Krisha sa kanila tapos didiretso na ko kila Bryan. Hindi rin naman kami nakapag-usap kanina.

“Russel” nilingon ko si Krisha.

“mm?”

“wag mo na muna kong ihatid ngayon.. si kuya maghahatid sakin.”

“mm? Kuya Dave?” tumango naman siya bilang sagot. Aba himala ah. Anong meron?

“sigurado ka?” tanong ko habang sinusuot ko yung bag ko.

“oo nga..”

“titignan ko nga. Asan?” Hinawakan ko yung kamay niya tapos hinila siya palabas ng room. Andun nga si kuya Dave sa baba.

Tumingin siya samin tapos biglang binaba yung tingin sa mga kamay namin.

O_O

Binitawan ko agad si Krisha. Hay. -,-

~

“wala sila mama dito..” –Bryan

“alam ko. Hindi kita rerapin.”

“lul”

Nandito kami ngayon sa sala nila Bryan. Dalawang floors yung bahay nila. At mag-isang anak lang si Bryan.

Nakaupo ako sa sahig nila habang si Bryan naman, kumukuha ng juice sa kusina nila.

Biglang pumasok sa isip ko yung eksena sa hagdan kanina...

“may gusto ka sa kanya diba?”

“ewan ko ba sayo... ang daming babae dyan, dun ka pa magkakagusto sa babaeng namatayan.”

“yeah.. wag kang mafa-fall. Gagawin ka lang na panakip-butas niyan.”

“What? I’m just stating the fact.”

“hahaha. I feel sorry for you, you kn--”

Naikuyom ko yung palad ko. Di ko alam kung pano magre-react sa mga sinabi niya. Di ko alam kung gusto ko bang maniwala o ewan...

Di ko iniisipan ng masama si Krisha. Pero alam ko yung posibilidad na gawin nga nya yun.

Nagulo ko yung buhok ko sa sobrang frustration.

“o? Problema mo?” Napatingala ako at nakita ko si Bryan na nilalapag sa center table nila yung juice tsaka burger.

“simula nung makapatay ako, lagi na kong may problema. May bago pa ba pag nagka-problema ako ngayon?” umupo ako sa sofa nila at kumuha ng isang burger. Kinagatan ko agad. Nagugutom ako. Tch.

“eh anong problema mo ngayon?”

“si...” itatanong ko pa ba? Tch.

“wag na nga!” bigla naman niya kong binato ng unan.

“mukhang tanga to. Ano nga?” tinitigan ko muna siya.. bago ko napagpasyahang itanong na.

“si Vince..”

“Vince?”

“yung kaparehas ni Krisha ng surname. Classmate natin!”

“AH! O, bakit?”

“gano niyo na siya katagal na classmate?”

“Last year lang namin siya naging classmate.”

“oh?”

Last year lang pala...

“ibig sabihin... talagang wala siyang ka-close sa room natin?”

Napapansin ko kasing wala siyang kinakausap sa room. Yun pala baguhan lang din siya..

“bat mo gustong malaman?”

“Wala. Wala. Saang school siya galing?”

“ba malay ko..” sabay lantak niya sa burger niya. Takaw neto. =_=

“basta ang alam ko lang, galing siya sa States.”

Biglang nanlaki ang mata ko sa nalaman ko. Galing siyang US.

“teka pre! diba nakapunta ka na sa bahay nila?”

“hindi pa ah. Nakita ko lang, pero asa ka namang makakapasok ako sa loob nun.”

“mayaman sila?” Ano ba naman tong mga tanong ko? -,-

“hindi.”

“ha?”

“anong ‘ha’? Hindi sila mayaman. Anong problema dun?”

“Pero galing siya sa US. Panong hindi sila mayaman?”

“ewan ko... baka scholar siya dun.”

“matalino ba siya para magkaron ng scholar?”

“hindi rin. Aba malay ko! Bat mo ba tinatanong? May gusto ka ba sa kanya?”

This time, ako naman yung bumato ng unan sa kanya. Tanga ampoot. -,- Gawin daw ba kong bading?

Tinawanan lang niya ko. Tsk.

“Bakit ba kase?!”

“Eh bat nga siya nakapunta ng US kung mahirap siya?!”

“ewan ko nga! Pakialam ko ba sa kanya”

“pano mo ba nasabing mahirap lang siya?”

“maliit lang bahay nila..”

“alam mo ba kung saan?”

“oo. Pupuntahan mo?”

“malayo ba?”

“malapit lang dito samin. Bakit? Pupuntahan mo nga?” Gulat na gulat na tanong niya.

“TEKA NGA! ANO BA KASING MERON?”

Tinignan ko siya tsaka ko nag-smirk sa kanya.

“tara. Pupuntahan NATIN..”

~

“eto yung bahay nila?” paninigurado ko kay Bryan.

“oo eto. Oh naniniwala ka ng hindi sila mayaman?” Walang emosyong sabi niya.

Ayaw ko pa ring maniwala. Nagtataka talaga ko eh. Parang may iba. Hay, kung hindi kasi siya epal kanina edi sana wala akong pakialam sa kanya. =_=

May dumaang matandang lalaki sa likod namin kaya naman naisipan kong magtanong.

“ahh.. excuse me sir?”

Tumingin naman siya samin.

“pwede po bang malaman kung saan dito yung bahay ng Ramirez?”

Tinuro ng hintuturo niya yung bahay sa harapan namin. So eto nga talaga?

“salamat po...”

“naniniwala ka na?”

Tumango ako bilang sagot. Nagtataka talaga ko. Pero di ko din alam kung bakit kailangan kong magtaka.

“o tara na. Baka maabutan pa tayo dito ni Vince..” naglakad na kami. Naglakad lang kasi kami papunta dito. Ang dilim na. Pagtingin ko sa phone ko, 6:30 pa lang. Pero sobrang dilim na.

I need a little more luck than a little bit..

Krisha? Bat siya tumatawag?

Coz every time I get stuck the wor—

“hello?... o bakit?.... ngayon na?.... bakit? Anong meron?.... HA?!”

Dedicated to: pseudonius HAHA :D pinagamit niya ko ng laptop niya para makapag-update. :) Salamat :)

Pinapahashtag nga pala niya. #Luhan

Hashtag ko #Siwon #Donghae #Suho

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon