Chapter forty-one
Bryan’s POV.
“pre naman! Hanggang kelan mo balak itago to?! Kahit samin, di mo man lang sinabi tong problema mo?! Tingin mo kaya mo mag-isa to? Ha?” sigaw ko sa kanya.
Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Kakauwi lang namin galing kila Krisha at dito agad ako dumiretso.
Humarap siya sakin, “pre! Problema ko to! Bat ko pa kayo idadamay?! Tsaka pare, nakapatay ako! Ipagkakalat ko pa ba sa inyo yun!? P*tanginang yan! Kaya ko tong harapin mag-isa! Layuan nyo na ko!”
“g*go ka pala eh!” sigaw ko tsaka ko sya sinuntok sa kanang pisngi na dahilan ng pagkabagsak niya sa sahig. Nanatili lang siyang nakayuko sa sahig.
“ano bang tingin mo samin?! G*go kagaya mo?! Kaibigan ka namin! Magkakaibigan tayo dito kaya bat ka namin iiwan?!”
“pwede ko rin kayong patayin!” sigaw niya habang nakatingin sakin.
“Bryan mamamatay-tao ako! Bakit hindi ka natatakot?!” sigaw niya tsaka siya humagulgol.
“...t*ngina naman eh... wala kong kaibigan... wala kong pwedeng pagkatiwalaan dito.. wal--”
Di na niya natapos yung sasabihin niya kasi tinadyakan ko agad siya sa tiyan niya. Alam kong masakit yun, pero shit lang. Wala daw siyang kaibigan? Wala siyang mapagkakatiwalaan? Eh ano pala kami dito?
Napatihaya siya sa sahig habang hawak yung tiyan niya. Dun ko nakita yung mga luha sa mukha niya. Umuungol siya sa sobrang sakit.
“di ko sinasabing tama ka! Pero pwede mo kaming sabihan! Di kita maintindihan eh.. kaibigan mo kami!” nilapitan ko siya tsaka ko siya inalalayang tumayo.
Inupo ko siya sa kama niya. Buti na lang talaga wala siyang kasama ngayon dito sa kanila. Tsk. Gusto kong bugbugin ng bugbugin tong si Russel eh.
“pwede mo na bang ikwento?”
~
“sino naman si Lalaine?” –tanong ko.
“first girlfriend ko. Third year ako nung naging kami, pero saglit lang naging kami, inagaw siya ni Jeric”
“ni Jeric?” pag-uulit ko. Tumango siya bilang sagot.
“hindi pa ba sila ni Krisha nun?”
“sila na..” nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Sila na? How come na inagaw ni Jeric si Lalaine sa kanya? Base naman sa nakikita ko, seryoso si Jeric kay Krisha dati.
“since grade one, kaklase ko na si Jeric. At mainit talaga ang dugo namin sa isa’t isa nun, di ko na nga matandaan kung bakit. Minsan, madalas kaming papasok sa school na may pasa sa mukha o sa katawan. Wala sa school namin ang nakakaalam na magkaaway kami. Hindi din kami nagsusuntukan sa school...”
“...Grade one pa lang kami may gusto na siya kay Krisha, dalawa kaming may gusto kay Krisha nun. Hanggang grade 6 may gusto kami parehas kay Krisha. Yun siguro yung nagpalala saming dalawa. Mas lalong hindi kami nagkasundo. Di ko na matandaan kung kelan nawala yung pagkakagusto ko kay Krisha, pero nung nalaman niyang may iba kong nililigawan nung second year, akala ko kahit papano mababawasan na yung alitan naming dalawa...”
Tumahimik siya. Kaya’t nagsalita ako.
“anong nangyari?”
“nung sinagot ako ni Lalaine, ilang buwan lang, sinabi niyang mahal niya si Jeric at nagmamahalan daw sila. Nakipaghiwalay siya sakin. Naiinis ako kay Jeric. Pinapaasa lang niya si Lalaine, alam ko naman kung sino ang mahal niya. Si Krisha lang ang mahal niya, alam ko yun. Nagagalit ako kasi wala siyang kwentang lalaki! Pati mahal ko kailangan niyang saktan. Hindi pa ba sapat sa kanya na ako na lang yung saktan niya? Magmula nung araw na yun, hindi na ko pumapasok. Di ko sila kayang makita ni Lalaine. Nasasaktan ako.”
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...