Chapter Thirty-Eight

129 1 0
                                    

Ako Plus Ikaw Equals Perfect

 --> chapter thirty-eight

By: [iamsupeeeerME_14]

“tawagan mo si Russel”

“EH?! Kuya wag na nga kasiiii!”

Tinignan lang niya ko ng masama. Ano ba naman yan eh?! Sabi ko sa inyo magtataka yan si kuya kasi hindi ako hinatid ni Russel eh.

Amp :3 pano ba to? :3

“tawagan mo na”

“kuya naman kasi! May emergency nga kasi bigla kanina e---”

“kaya nga tawagan mo para malaman ko!”

“eh kaya nga pinapaalam ko na sayo e---”

“tawagan mo!”

“ARGH! KUYA!”

Pano ba to? Ayaw kong malaman ni kuya na magkaaway kami. Isa pa, awkward pa rin eh. Anu ba naman yan? :/

Ah! Alam ko na!

“wala kong load!” huehehe :D wala na siyang magagawa ngayon! XD

“o! Gamitin mo yan!” sabi niya sabay hagis ng phone niya.

Ano??!

Napatingin na lang ako sa kanya with disbelief. Grabe. Wala talagang kawala ah. >.<

Kaya no choice... bahala na. Tinawagan ko na lang si Russel. Sana wag nyang sagutin...

After ng ilang ring, sinagot niya. Kinabahan ako bigla..

(hello?)

“u-uhh,.. Russel, si Krisha to...”

(bakit ka tumawag?)

“ano kasi... g-gusto kang makausap ni kuya...”

(bakit daw?)

“e-ewan ko...”

(sige, pakausap)

Hoooh! Intense! Inabot ko na kay kuya yung phone niya tsaka ko siya tinignan.

“hello.................... si Dave to.................... pumunta ka dito sa bahay.................... basta pumunta ka.” Tapos in-end call na niya.

O_O

“kuya?! Bakit mo siya pinapunta dito?!”

“kakausapin ko”

“edi dapat kinausap mo na lang sa phone!”

“gusto ko harapan eh!”

“e bakit?!”

“gusto ko eh! Ang ingay mo! Tumahimik ka na nga lang! Magpalit ka na!”

“AH EWAN KO SAYO KUYA!” sigaw ko tsaka ako umakyat sa kwarto ko. Di pa nga ko nakakapagpalit ng uniform ko kasi pagkauwing pagkauwi ko, nagtanong agad kung bakit di ako hinatid ni Russel.

Aish! Ewan sayo kuya! >_<

Pagkatapos kong magbihis, humilata lang ako sa higaan. Naguguluhan kasi talaga ko kay Russel.

Maiilang ako pag pumunta siya dito. Naaalala ko lang kung pano niya ko titigan kanina. Nakakatakot. :3

 *ding dong ding dong*

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si Russel na ba yun? Napatayo ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa pintuan ng kwarto ko.

Dahan-dahan akong sumilip... nakita ko si kuya na binuksan ang pintuan sa baba at nandun nga si Russel.

Nagdadalawang isip pa ko kung bababa ba ako o hintayin ko na lang na makaalis si Russel, nang biglang magsalita si kuya.

“Krisha bumaba ka dito”

Mas lalo akong kinabahan. Nakatingin silang dalawa sa akin. Yumuko na lang ako tsaka bumaba.

Pahamak naman to si kuya eh.

Kinuhaan ko ng juice si Russel. Meron sa ref eh. Pagbalik ko sa sala, magkausap na silang dalawa.

Umupo ako sa malayo sa kanilang dalawa tsaka ko kinalikot yung cellphone ko.

“anong problema nyong dalawa?”

Napatingin agad ako kay kuya. Si Russel nakayuko.

“walang sasagot sa inyo?”

“hindi naman po kami---”

“sorry po. Bukas ihahatid ko na ulit siya pauwi.”

“mabuti naman. Sayo ko pinagkakatiwala ang kapatid ko, tandaan mo yan Russel. Wag mong sirain.”

“opo...” –Russel

“kung ano mang pinag-awayan niyo, pag-usapan niyo na ngayon. Kaya kita pinapunta dito para makapag-usap kayo.”

Huh? Kala ko ba kasi kakausapin niya?

Umakyat na si kuya sa kwarto niya.

Awkward silence... argh. Di ako sanay na ganito.

“Russel...”

Inangat niya ang ulo niya at tumingin sakin.

“sorry...” sabi niya.

“alam kong ang babaw ng dahilan kaya kita ginaganito. Sorry.”

“ewan ko... nagalit ako. Di ko alam kung bakit. Siguro dala na rin ng badtrip ko kanina pa. Di ko naman gustong iwan ka kanina. Nung tinalikuran kita, gusto kong humarap ulit tsaka ko babawiin yung sinabi kong di kita maihahatid...”

“gusto kitang ihatid. Gusto kong magsorry sa kababawan ko... kaya lang, pinangunahan ako ng pride. Sorry Krish...”

Nakayuko lang ako habang nagsasalita siya. Ewan ko. Namumuo yung mga luha sa mata ko. At nakakatakot kasi anytime tutulo na to, lalo’t nakayuko pa ko.

First time kasi naming mag-away ng ganito. Hindi naman totally away, pero hindi niya ko kayang dedmahin dati.

“Wag mong iisiping sayo ako galit. Galit ako sa sarili ko, nadamay ka lang. Sorry...”

Dahil nakayuko ako, hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Pero nagulat na lang ako nang may humawak sa kamay ko. At nakita ko siyang nakaluhod.

Napatingin ako sa kanya, at kasabay nun ang pagtulo ng kanina ko pang pinipigilang luha.

Nakatingin siya sakin...

“Sorry Krish...”

“Ano ba Russel? Para ka namang ano eh...” sabi ko habang umiiyak. Tuloy-tuloy na sa pag-agos ang luha ko. Napangiti ko naman siya.

Pinahiran niya yung luha ko gamit yung isa niyang kamay.

“wag kang umiyak... nakakalalaki eh...”

Nginitian ko lang siya.

“ayan. Mas maganda ka pag nakangiti.”

“muka mo... pag-nagso-sorry, kelangan nang-uuto?”

“Kelan kita inuto?”

“ngayon...”

Tinawanan lang niya ko. Tsaka ako tinitigan.

“ang ganda mo Krish...”

*lub dub lub dub*

“wag mong hahayaang isang walang kwentang lalaki lang ang magpapaiyak sayo..”

“wala ka bang kwenta?”

“malay mo...”

Di ko siya sinagot, imbes, niyakap ko siya. Hindi ko alam kung nagulat siya, basta ang alam ko, niyakap niya din ako pabalik.

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon