Ako Plus Ikaw Equals Perfect
--> chapter eleven (100 peso bill ^_^)
By: [iamsupeeeerME_14]
KRiSHA <<<
Pagkagaling namin sa Kubo Royale, hinatid na nya ko sa bahay. Tyempo nga eh, wala dun si mama tsaka si kuya. Hah :D malaya kaming maging sweet ni Jeric! ^__^ ajuju? Kumire pa! XD
Masyado ko siyang namiss nung nag-away kami. Hehe :”> kahit di naman inabot ng isang araw yung di namin pagkaka-ayos :) na-miss ko pa rin siya <333
“tara, pasok..” yaya ko sa kanya.
Ayaw nya kasing pumasok eh. Baka daw nandito si kuya, magkasapakan lang daw sila. Eh sinabi ko na ngang wala si mama at kuya ngayon. Pasaway na bata! Tsk tsk *iling, iling*
Kaya.. ayun, andito pa rin kami sa gate hanggang ngayon.
“pasok ka na kasi...” pilit ko sa kanya.
Kanina ko pa kasi napapansin na nagpapa-pansin na sa kanya yung mga babae naming kapit-bahay eh.
Mapa-bata, mapa-matanda... nagpapa-pansin pa! >.< Tipong pati mga kasing edad ni mama, nagpa-pa-cute pa... Tsk! Naiirita ako! Magalang pa naman ako. Kaya tigil-tigilan nila si Jeric ko!!!
“eh... uuwi na ko. Takot ko na lang sa kuya mo”
“wala nga diyan si kuya. PROMISE!” itinaas ko yung kanang braso ko as a sign of promise.
“*sigh* nhie...”
“mm?”
“uuwi na talaga ko”
“wag munaaaaa... ih! Naman eeeee! Bahala ka nga diyan!”
Nakakainis. Masyadong takot kay kuya! Mas lalo lang niyang pinatunayang may mali talaga siya. Na talagang niloko lang niya ko!! Diba, ganun naman talaga ang iisipin ni kuya pag hindi siya nag-explain?!
Padabog ko siyang tinalikuran. Nabwibwisit ako! NAKUUUUUUUU~!
Bigla niyang hinatak yung braso ko, rason para mapaharap ako sa kanya. Ang gwapo *o* TOINKS?! SERIOUSLY? Krisha?? Ang sabi mo kanina, nabwibwisit ka? Eh bakit yang GWAPONG MUKHA ni Jeric ang napansin mo? Tss...
“wag ka na magalit... kasi nga yung kuya mo e---”
“o kaya nga! Umuwi ka na! masyado na kong NAKAKAISTORBO SAYO!! Nakakahiya naman!”
“di ka nakakaistorbo...” malumanay na sabi niya.
“ewan ko sayo Jeric!!” tatalikod na dapat ako pero hinila niya ulit ako.
“osige na... papasok na ko. Wag ka lang magalit”
>///< tsk!
“too late... galit na ko! Umuwi ka na!”
“di ako uuwi hangga’t di mo ko pinapapasok sa loob”
Kita mo tong GWAPONG lalaking to! Kanina ayaw pumasok tapos ngayon, di raw siya uuwi hanggat di ko siya pinapapasok?
Ano? Baliw lang? -___-
“ayaw ko lang na magalit ka kaya sige.. papasok na ko. Kung anu-ano pa iniisip mo”
*taas kilay* nababasa ba niya ang iniisip ko?
“opo... nababasa ko po. Papasukin mo na ko”
O_O hala?! So talagang nababasa niya yung iniisip ko?! P-pero... panong---??
“tss..” hinawakan nya ko sa kamay at hinila ako papasok sa loob ng gate.
Huminto kami sa may garden namin. Yun yung dumudugtong sa bahay at sa gate namin. Hindi niya pa rin binibitawan yung kamay ko.
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...