Ako Plus Ikaw Equals Perfect
--> chapter ten (I love this guy so much)
By: [iamsupeeeerME_14]
Krisha <<<
Pagkahila ko sa kanya, maya-maya, siya na yung humila sa akin. At hindi lang talaga hila ang ginawa niya. HALTAK! Tsk.
Kanina pa nga kami may nababangga kasi para siyang walang ibang nakikita kundi yung daanan eh. Wala siyang pakialam sa mga tao! Talaga namang---! Aist nako!
“Jeric, nasasaktan ako! A-Ano ba Jeric?! Bitawan mo nga muna ko!! ARGH! Jeric ano ba?!!!”
Nakakairita na siya! Kung kanina may glint of happiness ako kasi nalaman kong nagseselos siya. Meaning, mahal nya ko. Or rather important ako sa kanya.
Pero ngayon? NAIINIS NA KO! Mukha na kong anak na may ginawang masama at pinapagalitan ng tatay dito! >_<
Kung makahawak pa sa braso ko akala mo gusto nang pigain yung pulso ko! ARGH ASAR TALAGA!!
Bwisit! Tapos pinagtitinginan pa kami dito! Pano ba naman kasi diba? Sinisigawan ko sya tapos sya wala man lang pakialam?!
Buti na nga lang hindi siya binabanatan ng mga lalaking nababangga niya eh! Tapos yung mga babaeng nababangga naman niya, kinikilig pa! Ang lalandi nila! Akala naman nila papansinin sila ni Jeric?! Hay nako! Mas lalo akong nabibiwisit eh! >.<
“Jeric sinabi nang bitawan mo ko eh! JERIC, NASASAKTAN NA KO! BITAWAN MO SABI AKO EH!!!”
This time, mas lalo nang lumakas yung boses ko. Kung kanina nasa average point pa lang yung volume ng boses ko, ngayon nasa HIGHEST POINT na!
Sheez. Pag ako lang talaga namaos nito mamaya, mas lalo lang akong magagalit sa kanya!
“shut up.”
Sinabi nya yun nang hindi pasigaw. Wala man lang pakialam. Hindi nga man lang nga sya nag-abalang tumingin sa’kin.
Ano ba talagang pinapahiwatig nito?! NAIINIS NA TALAGA KO! PARA SIYANG TANGANG SUSUGOD SA SCHOOL NAMIN NANG WALANG PASABI TAPOS MANGGAGALAITI SIYA NGAYON?!
Kung di ko lang mahal to, pinasapak ko na to kay kuya =_=++
“Jeric ano ba?!!! Nakakabwiset ka na ah! Hindi ako aso para kaladkarin mo!! Ano ba?!!!”
Huminto sya sapaglalakad kaya’t napahinto din ako tsaka siya humarap sa ‘kin.
“I said SHUT THE FCK UP!! Shit!!”
O_O s-sinigawan nya ko? And... and.... I heard him cuss.. ;|
Tumahimik na lang ako.. Ayoko nang makipagtalo sa kanya. Wala naman akong mapapala.. :/
*PLEENK!!* (A/N: sound effect po yan... nadapa kasi. Tanga-tanga)
“shit! Ok ka lang?” tsaka siya nag-squat at hinawakan yung isang pisngi ko. >///<
ARGH! KRISHA! BAKIT KA KINIKILIG?!!! Kailangang pigilan. Wag kang papadala sa kanya Krisha. Sinasadya niya yan!
“AYOS LANG AKO JERIC! AYOS NA AYOS! Bitiwan mo nga ko!!” tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko.
“DON’T SHOUT! AND STOP BEING SARCASTIC, WILL YOU?!”
“so ikaw lang ang may karapatang sumigaw, ganun?! LUBAYAN MO NA NGA KO!! UMUWI KA NA! NAKAKABWISIT KA LANG!”
Mas lalo lang kaming pinagtitinginan ng mga tao dito. Pero wala na kong pakialam, naaasar na talaga ko kay Jeric! Akala mo batas! Eh samantalang hindi naman siya ganyan dati! Parang timang! >___<
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...