Chapter Forty-Seven
Krisha’s POV
Pagpasok namin sa room, nandun na yung teacher namin. At pinagtitinginan na naman kami. Hay. Here we go again, another being-the-center-of-attraction-scene. Tch.
Pag-upo namin, nagulat ako sa katabi ko. Si Vince.
Bat ko katabi to?
“bakit ka nandito?” medyo pabulong na tanong ko kay Vince. At dun lang din yata napansin ni Russel na katabi ko si Vince. Tinignan niya muna ko bago sumagot.
“who cares?”
Woah. Tibay ng mukha neto ah. Who cares -,- Who cares niya mukha niya. Daming alam. Tsk. Bat ko ba kasi to kinakausap? =_=
“sungit.” Bulong ko. Napatingin naman sakin si Russel. Pagtingin ko sa kanya, tinawanan lang niya ko. Tch.
Nagdi-discuss lang yung teacher namin pero walang pumapasok sa utak ko. Kung meron man, siguro yung nangyari kanina sa oval.
Hindi ko pa rin maintindihan yung sarili ko kung bakit ganun na lang ako mag-react sa mga ginagawa ni Russel kanina. Di ko maintindihan. Amp. :3
“tch. Manhid”
Ano namang ibig sabihin nun?
“ugh” napayuko ako sa sobrang frustration. Ang gulo.
Natigil ako sa pag-iisip nang may maramdaman akong humawak sa ulo ko, at ginulo ang buhok ko.
Alam ko namang si Russel lang ang gagawa nun eh. Pagtingala ko, tinignan ko agad siya ng masama. Nginitian lang niya ko.. Tss.
“kita mong may nagdi-discuss sa harap, matutulog ka?”
“eh ano naman? Tinuro na yan nung third year tayo. Tsk.” Yuyuko na dapat ulit ako nang bigla siyang yumuko sa desk ko. Take note: Sa desk ko.
“Russel!” hindi malakas pagkakasabi ko. Ayaw kong maging center of attraction ulit.
Hinawakan ko yung balikat niya at tsaka siya niyugyog.
“uyy~ umalis ka nga dyan. Isusumbong kita.” Pabulong na sabi ko.
“ayaw ko.” Medyo kulob yung boses niya kasi nga nakayuko siya, pero naintindihan ko pa din naman.
“Alis dyan.. Russel naman”
Inalis niya yung pagkakayuko niya, pero hindi pa din niya inangat yung ulo niya. Instead, tumingin lang siya sakin.
“wag kang matutulog. Wag kang yuyuko. Aalisin ko ulo ko dito sa desk mo.”
Tinignan ko muna siya ng matagal, bago ako pumayag.
Pagkaangat niya ng ulo niya, naramdaman ko namang bumigat yung kanang balikat ko... at sa hindi ko pa rin maipaliwanag na dahilan, lumalakas na naman ang tibok ng puso ko...
Nakasandal sakin yung ulo ni Russel. Bakit ba siya ganito? Naco-confuse na ko sa nararamdaman ko. Alam kong may kakaiba... pero... ewan. Ayoko.
“R-Russel.. ang bigat mo..” sabi ko pero naka-steady lang yung position ko. Ni hindi ako kumikilos. Ewan. Nanigas na naman ako sa kinauupuan ko gaya kanina sa oval.
Yung kamay kong nasa bulsa ng palda ko, naikuyom ko. Hindi dahil sa galit. Dahil siguro sa... feelings kong pilit kong iniintindi? :3 ano ba naman to.
Maya-maya... naramdaman kong may gumagalaw sa palda ko.. . kaya yumuko ako para tignan kung ano yun.
O_O Nakita ko yung kamay ni Russel na nakapasok sa bulsa ng palda ko, kaya nakahawak siya ngayon sa kamay ko.
Tinignan ko siya ng nanlalaki ang mata, tutal inalis na niya yung ulo niya sa balikat ko. Pero hindi niya ko pinapansin. Nakatingin lang siya sa teacher.
Sinubukan kong igalaw yung kamay ko pero mas lalo lang niyang hingpitan yung pagkakahawak sakin.
“Russel” nakuha ko naman ang atensyon niya at tumingin siya sakin.
Mukhang gets naman niya agad kung bakit ko siya tinawag kaya nagsalita agad siya.
“masama ba?”
Anong tanong yun?
“di ka pa rin ba sanay?”
Sanay? Na lagi niya kong hinahawakan? Sanay na nga siguro ko... nag-o-overreact lang ako. May iba kasi akong nararamdaman sa sarili ko. Haay.
“naiilang ka?”
Naiilang ba ko? Hindi ko din alam.. Mukha kong tanga. :3
“sorry..” pagkasabi niya nun, inalis niya yung pagkakahawak sakin at lumingon na ulit sa teacher.
Nung inalis niya yung kamay niya sakin, feeling ko.. naging slow motion yung nangyari.
Gusto kong habulin yung kamay niya.
ANO?! Anong--?!
“sir!”
Nagtinginan silang lahat sakin dahil sa pagtayo ko, pati na din sa pagtawag ko kay sir.
Center of attraction ulit. Aish.
“Krisha. Any question?” tanong sakin ni sir. Ang dali-dali ng tinuturo niya, tapos magtatanong ako? =_=
Umiling ako bilang sagot.
Nilapag ni sir yung hawak niyang libro sa table, tsaka tumingin ulit sakin.
“ano yun?”
“s-sir... g-gusto ko po sanang.. umuwi.”
“ha? Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?”
“opo.. kanina pa po sumasakit yung ulo ko.. parang umiikot din po yung paningin ko... ok lang po ba sir?”
Nice Krish. Ang galing mong gumawa ng kwento. -,- bat hindi mo sinabing ‘sir.. uuwi po ako kasi sobrang lakas po ng tibok ng puso ko at hindi ko po maintindihan kung bakit..’
Tch.
“a-ah sige... kaya mo bang umuwi mag-isa?”
Tumango ako at pinayagan na niya ko.
“sino sa inyo ang pwedeng maghatid sa kanya kahit hanggang gate lang?”
Nagulat naman ako nang biglang magtaas ng kamay si Russel. I-ihahatid niya ko? *gulp*
“Russel. Sige na ihatid m---”
“WAG NA PO SIR!”
Lahat ng kaklase ko, nagulat sa pagsigaw ko. Nahiya naman daw ako. Argh. Krisha naman. (_,__”)
Kinagat ko na lang ang lower lip ko tsaka tumingin ulit kay sir.
“A-ano po kasi... kaya ko naman pong umuwi mag-isa. Tsaka, dyan lang po sa baba yung gate, kaya ko na po.. salamat na lang po.” Nahihiya akong ngumiti sa kanya tsaka bahagyang yumuko para kunin yung bag ko.
“Krish... ok ka lang ba?”
“o-oo. Ayos lang ako. Ayos.”
Pinasok ko yung notebook ko sa bag ko.
“y-yung ballpen ko, bukas mo na lang ibalik... aalis na ko.”
“teka..” hinawakan niya ko sa wrist ko. Eto na naman po yung rapid heartbeat ko.
Pagtingin ko sa kanya, biglang nag-init yung mukha ko. AH! KRISHA! ANO BANG NANGYAYARI SAYOOOO?! AHHH! AYAW KO NETONG NARARAMDAMAN KO.. PARANG DI KO GUSTO. :3 sheet.
“ayaw mong ihatid kita?”
“wag na.. aalis na ko. Babye.”
Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Nagpaalam lang ako kay sir tapos umalis na ko.
Paglabas ko ng room, napahawak agad ako sa dibdib ko. Ang bilis pa rin ng tibok... bat ka nagkakaganyan?
Naranasan ko na to dati... pero sa ibang tao... at wala na siya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/5231228-288-k576563.jpg)
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomansaTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...