Chapter Sixty-Six

94 3 0
                                    

Chapter Sixty-Six

Krisha’s POV

Nagpaalam na ko kay papa. Sabi ko, pupunta ko sa bahay ng classmate ko.. mukha namang naniwala siya kaya di ako nahirapang tumakas. Wala akong balak sabihin sa kanila kung saan talaga ko pupunta.. Alam ko namang hindi sila maniniwala sakin pag sinabi kong buhay pa si Jeric eh.

I know... 7 pa ang usapan namin.. Pero gusto kong magpunta ng mas maaga dun. Besides, hindi din ako papayagan ni papa kapag umalis ako ng madilim na.

Dumiretso na ko sa xx park. Umupo muna ko sa isang bench dun.. marami namang tao eh, hindi ako matatakot.

Kinakabahan ako... pano pag nagkita kami? Makakapagsalita kaya ako? Argh.

/Neo gateun saram tteo eopseo~ Juwireul--/

Pangeeet ^^ <3 calling...

“hello?”

(Krish.. asan ka?)

“B-basta... uuwi din ako agad..”

(Ano?! Ibig sabihin wala ka sa inyo?!)

“ehh... oo. Uuwi din ako!”

(Umuwi ka na! Magdidilim na!)

“Che! Ikaw lang may karapatang pumunta kung san mo gusto? May lakad din ako!”

Narinig ko siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya.

(Krish... alam kong nagagalit ka... kaya nga tayo mag-uusap eh... Umuwi ka na.. please..)

“Russel... ayoko.”

(San ang lakad mo?)

“Kailangan ko bang sabihin sayo?”

(Oo! Boyfriend mo ko. Alam ko dapat kung saan ang lakad mo.)

“Really? Di mo na kailangang malaman.. ibababa ko na to.”

(Wait! Krish!)

“Ano?”

Bigla siyang tumahimik... hindi siya nagsasalita kaya inaabangan ko lang yung susunod niyang sasabihin.

(I love you... umuwi ka agad ah..)

*tooot tooot tooot*

Ewan ko... bigla kong napangiti sa sinabi niya. :”> Naawa din ako. Hindi ko kasi talaga pwedeng sabihin sa kanya. :3

Tinago ko na yung phone ko sa bulsa ko nang may biglang magsalita..

“Krisha...”

O_O Biglang nagtindigan lahat ng balahibo ko sa katawan. Bigla ring nagbilisan yung tibok ng puso ko.

B-boses... boses ni Jeric...

Dahan-dahan kong nilingon ang ulo ko sa gilid ko... at doon, nakita ko siya.... nakita ko siyang nakatayo... nakatingin sa akin...

Biglang nag-init ang mga mata ko, pero patuloy pa din sa pagtibok ng malakas ang puso ko.

Para kong na-estatwa sa nakikita ko. Hindi ba ko nananaginip? Talagang nasa harapan ko siya ngayon? Buhay at humihinga?

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Para silang nagkakarerahan sa pag-agos. Hindi ako makapaniwala...

“J-jeric...” nagkaroon ako ng lakas ng loob para makapagsalita. Matapos kong banggitin ang pangalan niya, bigla siyang ngumiti sakin.

Hindi na ko nag-aksaya pa ng panahon... tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Jeric...” sambit ko pagkayakap ko sa kanya.. Muli kong nararamaman yung katawan niya. Muli kong naramdaman yung pakiramdam nang mayakap niya..

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon