Chapter Forty-Nine

115 1 0
                                        

Russel’s POV

Tinatamad akong bumangon. Parang wala akong mukhang maihaharap kay Krisha. Nahihiya ako sa sinabi ko kagabi. Namaaaan! >_< Nagpagulong-gulong ako sa kama ko. Habang pinag-iisipan kung papasok ba ko o hindi. Tsk!

Ang totoo niyan, pagkatapos ng CONFESSION ko sa kanya. Aish! Biglang dumating yung papa niya.

Tch. Really annoying, I know. May nalimutang dalhin yung papa niya, kaya bumalik agad siya pauwi.

Then that was it. Fail! I don’t even get to know her reaction about it. Perfect timing. Great!

~

Pagpasok ko ng room, may teacher na kami. Ewan. Ayoko talagang pumasok. Nahihiya ako kay Krisha.

“good morning sir. I’m sorry I’m late..” I said before entering the room.

Paupo na ko, nakita ko si Krisha. Pero hindi siya nag-abalang tignan ako. Nakatingin lang siya kay sir. Tsk. I know it will happen. Iiwas siya. Masisira ang pagkakaibigan namin. And that’s the way to end it. Wow. -_-”

“any problem Russel?” tanong ng bondat naming teacher. Tsk. Pakialam niya? Si Krisha nga walang pakialam, siya pa? Bwisit na yan.

“wala po sir..” sabi ko habang nilalagay yung bag ko sa gilid ng upuan ko.

“sure?” this time, lumingon na ko sa kanya at tsaka tumango.

Umayos na ko ng upo at kunwaring nakikinig sa kanya. Naiinis ako. Hindi kami ganito ni Krisha kahapon ah. Then now, everything changes?

Nag-recess na pero di pa rin niya ko kinakausap. Lumabas siya kasama si Rhea, Alexi at Zai.

“ugh” napayuko na lang ako sa desk ko. Nakakainis. Kumikirot yung puso ko. Busted agad. Astig. Haha.

Does that means that starting from now, I must bear with it? Like from the time that we doesn’t know each other yet?

Takte. Mas lalong sumasakit puso ko eh. Di ko kaya. Ayaw kong mawala siya sakin. Masyado siyang mahalaga.. ARGH! Right now, I want to regret what I did last night. But no. I made it. Now face the consequences. Fcking consequences. Sht.

Pumikit ako ng mariin, nang maramdaman kong nag-iinit yung mata ko. Sht. Not now. Don’t. Please.

Ayoko. I won’t cry. I won’t.

Napahinto ako sa pag-iisip ng may kumalabit sa likod ko.

“what?” sabi ko habang nakayuko pa din.

“anong problema mo?” Ah. It’s Bryan.

“wala kong problema.” Still, nakayuko pa din ako.

“lokohin mo lelang mo! Ano nga? Bakit ka ba nakayuko?”

“wala kong problema Bry.. naman eh.”

“umayos ka nga!” hinila niya yung part ng damit ko sa may likod ng balikat kaya’t napaangat ako.

“O ngayon. Anong problema mo?... teka nga...”

Di ko siya pinapansin. Sinasara ko yung notebook ko.

“teka pre, humarap ka nga! Umiiyak ka ba?!”

O_O S-seriously? K-kailangan niyang isigaw?!

“shut up! I’m not!” I shouted back. Nagtitinginan silang lahat sakin ngayon. Nakakainis naman. Hindi naman ako umiiyak eh. Tch.

“heh! Namumuo nga dyan sa mata mo! Kaya ayaw mong tumingin sakin kasi umiiyak ka! Anong problema?!”

Aish. Bryan naman. Pinapahiya mo ko. Tsk.

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon