Chapter Thirty-four POINT FIVE - That friend...

142 3 0
                                    

Ako Plus Ikaw Equals Perfect

 --> chapter thirty-four POINT FIVE (that friend...)

By: [iamsupeeeerME_14]

“Krish... don’t tell me, binibigyan mo ng malisya yung pagsasabi ko sayo ng mahal kita?”

Napansin ko namang naguluhan yung expression ng mukha niya.

“h-ha?”

Hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat niya.

“kaibigan kita diba?”

“h-ha?”

“kaya mahal kita”

“h-ha?”

“kaibigan kita kaya mahal kita..”

“m-mahal?”

Tumango naman ako habang nakangiti sa kanya.

“a-anoo??” naguguluhan pa rin yung mukha niya. Haist! Ang slow naman ng babaeng to! Kailangan ko pa bang sabihing I love you as a friend? Parang tanga kaya yun! Gasgas na yun eh!

“SABI KO MAHAL KITA--!”

“WHAT?!!!!” sabay kaming napatingin ni Krisha sa gilid namin. Nakita namin dun ang barkada. As in lahat sila nandun. At pare-parehas na nanlalaki ang mga mata... problema nila?

Binitawan ko naman yung balikat ni Krisha. At humarap sa kanila, na hanggang ngayon nakatayo pa rin sa same spot nila kanina. Nanlalaking mata pa rin silang nakatingin saming dalawa ni Krisha.. lalo na sakin.

Eh? Bakit ba ganyan mga tingin nila?And what’s with the “WHAT?!!” thing?

“huh?” nagtatakang tanong ko sa kanila.

Biglang tumakbo sila Jeys, Bryan at Glenn sakin tsaka ako binulungan.

“nag-confess ka na sa kanya pre?” -parang ulol na tanong sakin ni Bryan.

“ha?”

“kaya mo pala siya pinatawag samin.. kasi magko-confess ka na sa kanya!” -Jeys =___=

“ano?” naguguluhan na talaga ko sa kanila. Di ko sila maintindihan. Para silang mga timang.

“eh bakit pa niya pinatawag pati si Prancheska?” tanong ni Bryan kay Jeys saka tumingin-tingin sa paligid.

“oo nga... eh wala naman si Prancheska dito ah” -Jeys

“baka kaya lang niya pinatawag kasi para hindi mahalata na si Krisha lang talaga yung gusto niyang kausapin” -Bry

“aba ayos ah!” tsaka pa sila nag-appear na dalawa ni Bryan

“ok. Di ako maka-relate =___=” singit naman ni Glenn.

“ano bang pinagsasabi niyo?!!” sigaw ko sa kanila. Para kasing mga tanga

“HOY RUSSEL!” napalingon ako sa gilid ko. Nandun yung mga girls sa barkada (including si Alexi bakla). Ang sasama ng mga tingin nila sakin.

“woah.. what’s with the look now?” tanong ko sa kanila. Grabe kasi sila maka-tingin eh.

“mahal mo si Krisha?!” -Rhea

“huh?!”

“huh-huh-hin kita dyan eh! Mahal mo siya?!” -Reiz

“oo! Bakit ba?!”

“ANO?!!!” sabay-sabay na naman sila. Ano bang problema nila?!

“pwede ba--?! Ang iingay niyo!!” nasigawan ko tuloy sila. Ang iingay kasi! Parang mga baliw. Nahawa na kila Bryan >.<

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon