Chapter Sixty-Four
Krisha’s POV
“Krisha, ano ba kasing pinag-awayan niyo?” tanong ni papa pagkapasok niya sa kwarto ko.
“Pano ba naman kasi pa?! Inuuna pa niya yung tropa niya kesa sakin! Edi dapat yun na lang ginawa niyang girlfriend! Ano ko dito?! Props?!”
Nanggigigil talaga ko. >_<
Ang lakas pa ng loob niyang sabihing may lakad siya ngayon. Pumayag na nga ko kasi akala ko naman sobrang importante! Like family thing! Pero, gahd!
Importante na si Bryan sa kanya?! Yung tipong mas uunahin pa niya yun kesa sakin?! Sobra naman na yata yun. >___<
Umupo si papa sa tabi ng kama, “pano mo naman nasabing pinagpapalit ka niya sa tropa niya?”
“Eh kasi---”
Sasabihin ko bang niyaya kong makipag-date si Russel sakin? Nakakahiya naman kasi.
“kasi n-niyaya ko si Russel na makipag-date, tapos ang sa--”
“sandali... ikaw ang nagyayaya?” –papa
“opo.. basta! So yun... Niyaya ko siya, sabi niya may lakad daw siya kaya next time na lang, pero dahil gusto ko siyang intindihin, hindi ako nagalit. Inisip ko, kasi baka importante yun.. Then, tinanong ko siya kung saan siya pupunta, kila Bryan daw! Kaasar!” Ginulo ko yung buhok ko sa sobrang frustration. Kainis.
“Ilang beses na ba ‘to? Laging si Bryan yung kasama niya! Bakit hindi pa kaya sila magpakasal?! >_<”
“Ano ka ba naman anak? Nagseselos ka lang...”
“Ewan ko sa kanya pa. Para siyang tanga. Ipagpapalit niya yung date namin para lang kay Bryan? Tae siya!” sa sobrang inis ko, hinagis ko yung isang unan sa sahig.
“binawi na nga niya diba? Kaya nga daw siya nagpunta dito? Inuna ka na niya.”
“Tch. Kasi alam niyang nagagalit ako. Pero kung sinabi kong ayos lang sakin na magkita sila ni Bryan, hindi naman yun pupunta dito no!”
“Yun na nga. May pakialam kasi siya sayo, mas magalit ka kung kahit na alam niyang nagagalit ka, hindi ka pa rin niya pinuntahan. Mas nakakagalit yun diba?”
Napahinto ako sa sinabi ni papa. Tama siya, pero... pero. :3
“Mag-ayos na kayo anak. Mahal ka nun. Halata naman eh...”
“s-sige na nga...” pagsuko ko. Huminga ako ng malalim tapos niyakap ko si papa.
Nang iwan ako ni papa mag-isa sa kwarto, nakahiga lang ako habang tinititigan ang phone ko. Tatawagan ko ba si Russel? Ano kaya kung pumunta na lang ako sa kanila mamaya? Tama. Pupunta na lang ako sa kanila. Isang beses pa lang akong nakakapunta dun eh.
/Neo gateun saram tto eopseo~/
Ow? Kinakantahan ako ng Super Junior. May tumatawag.
Jeric calling...
T-tumatawag na naman siya. O_O S-sasagutin ko ba?
*flashback*
“kapag tumawag ulit siya, wag mong sasagutin ok? Tapos sasabihin mo sakin..”
*flashback ends*
Sabi ni Russel wag ko daw sasagutin.. pero nangangati yung daliri kong sagutin yung tawag.. gusto kong malaman kung boses ba talaga ni Jeric yung nasa kabilang linya..
Tae yan! Yung puso ko grabe yung pagkabog eh! :3
Hinablot ko agad yung cellphone ko tapos sinagot yung tawag.. Ni-record ko muna yung call bago ko itapat sa tenga ko yung cellphone..
“h-hello?”
(....) Bakit walang nagsasalita?! Ano ba’to?! PRANK?!
“Hello... M-magsalita ka...”
(Krish...)
O_O Napatakip ako ng bibig ko nang marinig ko ang boses ni Jeric. Hindi ako pwedeng magkamali... boses ni Jeric yun. Si Jeric yun!
“J-jeric?”
(Krisha...)
Napa-gasp ako. Hindi ako makapaniwala... Naririnig ko ngayon ang boses niya. Ang boses ni Jeric...
Walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi pa din ako makapaniwala. P-panong... panong nangyari to?
(Krisha... sorry...)
Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Nakakausap ko si Jeric ngayon... Ito yung dati ko pang gustong mangyari.. Ang magkausap kami ulit... Gusto kong sabihin sa kanya yung mga bagay na hindi ko nagawang sabihin sa kanya dati... Ang kinaiba lang, mahal ko na si Russel ngayon...
“Jeric... i-ikaw ba talaga to?” naririnig siguro niya ngayon ang tunog ng pag-iyak ko. Hindi ko mapigilan. Hindi ko maintindihan...
(Krish... Ako to...)
“p-panong---? Jeric, panong--”
(Krish...)
(...gusto kitang makita...)
“Jeric? T-totoong buhay k-ka?”
(Krisha buhay ako... *sigh* sorry kung kailangan mo pang malaman...)
“Bakit ngayon mo lang sinabi to?! HA?! TALAGA BANG WALA KANG PAKIALAM SAKIN?! HAAH?!” Napahagulgol na ko. Sobra kong hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
Lumapit ako sa pinto ng kwarto at agad kong ni-lock yun. Alam kong aakyat dito sila papa at kuya kapag narinig nila akong sumigaw.
Narinig ko siyang umiiyak sa kabilang linya.. nasasaktan ako.. natutuwa.. naguguluhan.. halo-halo ang nararamdaman ko ngayon...
(hindi ko pa kayang magpakita sayo nun Krish... ngayon, gusto kitang makita... please...)
“Jeric.. gusto din kitang makita...” patuloy lang ako sa pag-iyak..
(pag nagkita tayo, ipapaliwanag ko sayo lahat.. Lahat-lahat ng kailangan mong malaman Krish... dun tayo magkita sa xx park...)
“d-doon?”
(oo Krisha... mamaya. Please?)
“n-naiintindihan ko..”
(7 ng gabi.. Krish, ibababa ko na to.. kinuha ko lang to sa kwarto ni mama.. I love you Krish...)
“...”
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang sabihin niya yun.. I love you Krish...
*tooot tooot tooot*
Magkikita kami mamaya.. di ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkita kami... Kapag nakita ko siyang nakatayo, at nakatingin sakin. Kapag muli ko siyang nakaharap.. Kapag nahawakan ko ang kamay niya...
Pero biglang pumasok sa isip ko si Russel. Kailangan ko bang ipaalam to sa kanya? Wala namang sinabi si Jeric na bawal kong ipagsabi to sa iba..
Pero pakiramdam ko, hindi ako papayagan ni Russel. Tapos sinuway ko pa siya kasi sinagot ko yung tawag. Hindi ko na lang ipapaalam sa kanya. Bukas ko na siya kakausapin. Kailangan kong puntahan si Jeric.
~
Author’s Note: Omo. Guyth. Buhay si Jeric. Anong say niyo? :D Ano na kaya sa tingin niyo ang mangyayari sa relasyon nila Krisha at Russel? Masisira ba ang relasyon nila? At babalik ang dating pag-iibigan ni Jeric at Krisha?
Konting kembot na lang talaga matatapos na to. Nakakaloka magtype. Gusto ko ng tapusin! Gard. Pati ako nai-intense eh! :D
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...