Chapter Thirty-Nine point Five

117 1 0
                                    

Note: Isisingit ko lang po ang chapter na to. Nalimutan ko po kasing i-update to last time eh. Sensya naaaa ~ kadugtong to ng date ECHENG nila Russel at Krisha. Bago mag chapter-40. :)

Ako Plus Ikaw Equals Perfect

 --> chapter thirty-nine.five

By: [iamsupeeeerME_14]

Russel’s POV

Katatapos lang naming kumain. Niyaya ko na si Krisha na tumayo. Ililibot ko siya sa bahay.

Kanina pa kasi niya iniikot yung mata niya sa buong bahay namin habang kumakain eh. Kaya ililibot ko na. Para kaming dalawa lang. :P

Nandito kami ngayon sa garden. Tuwang-tuwa niyang pinipicturan yung blue rose namin. Gusto ko sanang ibigay sa kanya kaya lang, kay mama ko yan balak ibigay eh.

“Russel! Picture tayo!”

“ayaw ko!”

“bakit?! Dali naaaa~ isa lang picture natin dito oh! Stolen pa!” nagmamaktol na sabi niya habang lumalakad palapit sakin. Nakaupo kasi ako sa bench namin. Umupo din siya sa tabi ko. Yes! Score. :)

“bakit pa? Araw-araw din naman tayong nagkikita eh.”

“di naman araw-araw eh..” nakapout na sabi niya. Ang cute *blush*

Bwahaha XD pwe. Ang bading ko. Leshe.

“sige na! Sige na!” pagsuko ko. Tsaka gusto ko din naman ng picture na magkasama kami eh. Ipapaframe ko pa! :P

“talaga?!”

“oo nga! Dali na! Baka magbago pa isip ko!”

“eto na.. eto na..”

~

“o pasa mo sakin yan!”

“suuuure~”

Nakalimang pictures kami. Ang saya eh. Hahaha.

Pagkatapos niyang ipasa sakin yung pictures, niyaya naman niya ko sa kwarto ko. Gusto daw niyang makita.

“suuus! Anong balak mong gawin sakin sa kwarto ko?”

“Kapal neto. Baka ikaw pa may gawin sakin eh.”

Tinawanan ko na lang siya tapos umakyat kami sa third floor ng bahay. Nasa attic ang kwarto ko eh.

Wala. Trip ko dun eh. Ang saya kasi. Tsaka hindi maliit ang attic namin. Mas malaki pa nga kwarto ko kesa kila mama at papa eh.

“wow. Attic..” sumilip siya sa bintana tsaka mukhang tangang pumikit pa para damahin yung hangin. Nilapitan ko siya tsaka ko siya kinurot sa ilong. Ang cute eh. Nakakagigil. :)

“aray..”

“mukha kang tanga dyan” sabi ko tsaka ako tumabi sa kanya. Nakatingin lang kami sa labas ng bintana.

“atleast maganda”

“alam ko...”

*SILENCE*

“pero tanga pa din!” sigaw ko.

Mukha kong tanga. Ang lakas ng pagkakasigaw ko. Ayaw ko kasi ng ganong klaseng katahimikan eh. Naiilang ako. *lipbite*

“sinong tanga?!”

“ikaw!”

Kinurot niya ko sa tenga. “sinong tanga haaa? Haaa?”

“aa-aaa-araaay. Tama na.. tama naaa...”

“ulitin mo nga yung sinabi mo?” tapos mas lalo pa niyang hinigpitan yung pagkakakurot sa tenga ko.

“ah puut—tama na Krish!”

“ulitin mo yung sinabi moooo”

“masakit Krish! Masakit!”

Krisha’s POV

“masakit Krish! Masakit!” nang mapansin kong namumula na siya, inalis ko na yung paghawak ko sa tenga niya.

“s-sorry... sorry...”

Di siya sumagot pero hinihimas pa rin niya yung tenga niya. Maya-maya, tumingin siya sakin.

“Russel sorry...”

“tss” sabi niya tsaka inalis yung tingin sakin.

Shoot. Galit na naman siya sakin.

Bigla kong natakot. Ayaw ko nang mangyari pa ulit yung pag-aaway namin nung nakaraan. Natatakot akong magalit sakin si Russel.

Biglang namuo yung mga luha ko. Ewan ko... ang babaw na ng luha ko magmula nang mamatay si Jeric.

Saktong pagpatak ng luha ko, napatingin sakin si Russel.

“oh. B-bakit ka umiiyak?” biglang umamo yung mukha niya. Di na nakakunot yung noo niya. Di na din siya namumula.

Di siya. Galit. Mabuti naman. Pero patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Lumapit pa siya sakin at hinawakan ang magkabilang-gilid ng mukha ko. Kaya’t napatingin ako sa kanya.

“shh.. bakit ka umiiyak?” tanong niya habang pinapahiran yung mukha ko.

“k-kala ko kasi... kala ko galit ka eh...” pagkasabi ko nun, niyakap ko siya. Tsaka ako umiyak.

Hinaplos niya yung buhok ko habang nakayakap din sakin.

“tahan na... bakit naman ako magagalit sayo? Baliw ka ba?”

“eh ang sama ng tingin mo sakin kanina eh... tapos galit na galit pa yung mukha mo..”

“masakit kasi yung pingot mo!” sabay kotong sakin ng mahina.

“aray..” agad din naman niyang hinaplos ulit yung buhok ko.

“sorry na... di ko naman iiyak ka ng dahil dun...”

Sandali kaming tumahimik...

“ayaw ko na kasing maulit yung pag-aaway natin nung nakaraan..” sambit ko.

“di na yun mangyayri. Wag kang mag-alala...”

Humiwalay siya sa pagkakayakap namin. Hinawakan niya ang magkabilang-gilid ng mukha ko at tsaka ako iniyuko.

Napapikit ako nang maramdaman kong dumampi ang mga labi niya sa noo ko.

“mahalaga ka sakin, Krish... sana alam mo yan.”

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon