chapter Forty

124 1 0
                                    

Ako Plus Ikaw Equals Perfect

 --> chapter forty

By: [iamsupeeeerME_14]

Bryan’s POV

Nandito ako ngayon kila Russel. May kailangan kaming pag-usapan.

FLASHBACK:

Sunday ngayon at nandito kami kila Krisha. Balak naming dito gumawa ng assignments eh. Dapat buong ZIANISM KLANN kaming nandito kaya lang hindi kami kumpleto.

Ako, Russel, Mark, Zai, Gwen at Krisha lang ang nandito. Yung iba kasi may iba pang dapat gawin. O baka tapos na sila sa mga homeworks. =_=

Pero nagulat talaga ko dito kay Mark. Sumama eh. :D

Hapon na ngayon. At dalawang assignments na lang ang gagawin namin. Kaya nagpapahinga na muna kami.

Nandito kami sa sala nila. Nanonood ng Frozen, nang may biglang nag-doorbell.

“uy.. may bisita kayo?” tanong ni Russel kay Krisha.

“di ko nga alam eh..” sabi niya habang tumatayo.

Lumabas naman yung kuya niya. “Krisha sino yun?”

“teka kuya.. sisilipin ko.”

Pinause muna namin yung pinapanood namin. Lumapit si Krisha sa pinto at binuksan ito.

Tumingin siya sa kuya niya na parang namumutla.

“kuya...”

Bigla namang nagbago yung mukha ng kuya niya, pati ni Russel nang makitang namumutla si Krisha.

Agad bumaba yung kuya niya at binuksan ang pinto. Lumapit naman si Russel kay Krisha.

“bakit?” –Russel

~

“tuloy po kayo” sabi ng kuya ni Krisha. Saka pumasok ang dalawang pulis. Di ko alam kung bakit namutla bigla si Krisha.

Pinaupo muna nila si Krisha. Nakatayo naman kami ni Russel, Mark at kuya Dave sa gilid. Nakaupo naman yung mga babae sa sofa.

“bakit po?” –kuya Dave

“since parehas nasa ibang bansa ang mga magulang ni Mr. Serano, sa inyo nila in-assign na sabihin ang kahit anong impormasyong makukuha namin.”

Tumango lang si kuya Dave.

“natukoy na po namin kung saan naganap ang pagpatay kay Mr. Jericho Adryll Serano.”

Lahat kami nanlaki ang mata. Malapit ng mag-two months na patay si Jeric pero ngayon pa lang nila natukoy kung saan naganap yung pagpatay.

Kasi nga diba, may lalaking nagdala kay Jeric sa ospital nun? Yung lalaking yun ang hinihinalang pumatay sa kanya. Kasi matapos niyang dalhin si Jeric sa ospital, di na siya nakita pa.

“saan po?” tanong ng kuya ni Krisha na halatang nagulat din.

“sa *** park. 11 pm. May isang saksi ang nakakita ng insidente--”

“teka, teka... saksi? Nagtataka lang po ako ah. Almost two months ng patay si Jeric pero ngayon lang naisipang lumapit ng kung sino mang saksing yan sa inyo? Hindi ba’t nakakapagtaka din yun?” –kuya Dave

“Yes. We already asked the witness. And according to him, he just have been threatened by the killer.”

“Inabot siya ng two months dahil dun?” –kuya Dave

“Ye--”

“mag-isa lang siya nang makita nya yung nangyari?” –kuya Dave

“Yes. The witness said he’s alone.”

“Gusto ko din pong paimbestigahan yung witness. Nakakapagtaka po kasing nasa park pa din siya ng ganun oras, lalo na’t mag-isa lang siya.” –kuya Dave

“we’ll look forward to that, sir... and one more thing, may natagpuan po kaming gamit sa pinangyarihan ng insidente..”

“ano po yun?” seryosong tanong ng kuya ni Krisha.

Inilabas ang isang kulay black-hooded  na jacket mula sa isang plastik. May kamukha yung jacket... parang nakita ko na dati...

‘Parang’ lang naman.

Napatingin ako kay Russel... nahulog kasi niya yung cellphone niya. Bat parang bigla siyang namutla? Di ko alam kung pano ide-describe eh.

Inaamin ko. Nagtaka ko nun. Kaya biglang may nagflashback sakin.

***

“wow! Pre! Ganda naman netoooo~ arbor naman oh” sabi ko kay Russel habang hawak hawak yung black-hooded jacket niya na may imprints ng jaguar. Ang astig kasi eh.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya, naghahanap ng costume para sa gagawing cosplay. Kasali kasi ako. ^___^

“Ayaw ko! Ang mahal mahal niyan!” sigaw niya sabay agaw ng jacket niya.

***

O_O Tangi—bigla akong kinabahan sa naisip ko. Mali tong iniisip ko. Nagkataon lang na parehas sila ng jacket. Tama. Tama.

“sigurado po naming hindi ito kay Mr. Serano dahil may suot din syang black na jacket nang dalhin sa ospital.. Sa ngayon, gagawin po natin itong clue para unti-unting malaman kung sino ang pumatay. Marami po kaming imbestigasyong ginagawa. And we can assure to you na babalitaan namin kayo sa kung ano man ang nangyayari.”

Ipapasok na dapat ulit ng isang pulis yung jacket sa isang supot nang may mapansin ako...

May punit yung jacket, sa may bulsa...

TANGINA.

~

Author’s note: Hi! Sensya sa sobraaaang late na update :3 it’s been a busy month for me eh~ I’m sorry. Patapos na kasi ang klase kaya kaliwa’t kanan na yung mga assignments and projects. Di ko na maisingit to.

But this one is for sure, malapit na pong matapos ang APIEP. Aww~ First story to be finished SOON. :) Haha.

Marami pa kasing mangyayari. As in sooobrang dami pa. Nung tinype ko to, naka-plot na lahat ng magaganap sa story na to.

So I decided, na magkakaron to ng book two. :) Yea. Basta, medyo matagal tagal pa naman. :) Ini-inform ko lang kayo.

Sana binabasa niyo pa rin to. :) LOVELOTS. #KeepSupporting

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon