Chapter Sixty
Russel’s POV
“May balak ka bang sabihin sa kanila?” –tito
“why would I?” –Vince
“anong gusto mong sabihin ko sa kanila? Na tatay kita? You call yourself a father?”
“anak... alam kong galit ka sakin.. per--”
“Shut up. Hindi ako nagpunta dito para kausapin ka. Pakialam ko sayo?”
“kung ganun bakit ka nandito?”
Tumawa siya bago sumagot.
“gusto ko lang namang batiin yung kapatid ko ng happy birthday, masama ba?”
Vincent Angelo Ramirez... Right. That made sense. Akala ko nung una coincidence lang yung pagkaka-parehas nila ng surname ni Krisha... so, may deeper meaning pa pala yun.Krisha
Kapatid. Tama nga. Magkapatid sila ni Krisha. Pero pano nangyari yun?
Parehas ba sila ng magulang, o sa tatay lang? Argh! Ano ba naman to? Kailangan ko ba talagang malaman to?
“sinong nang-imbita sayo dito?”
“Si Krisha. Classmate ko sya..”
“Classmate mo siya?!”
“Oo. Ano naman ngayon? Sasabihin mo ba sakin na lumayo sa kanya. Hah! Takot na takot kang malaman nilang may anak ka sa labas?”
Anak sa labas si Vince... hindi ako makapaniwala.
“wag kang mag-alala.. wala kong balak ipagkalat na tatay kita. Parehas lang tayo.”
“Vince.. sa Manila ka namin pinadala ng mama mo, hindi dito sa Bulacan.”
“so? Wala ka ngang pakialam, ngayon mo nga lang nalaman na nasa Bulacan ako eh. Samantalang one year nyo na kong pinadala dito. Hanggang ngayon wala kayong kaalam-alam? Magulang ba talaga ang dapat itawag sayo?”
“kung galit ka sakin Vince, sakin ka lang magagalit. Wag sa pamilya ko, naiintindihan mo?”
Nag-smirk sa kanya si Vince.
“Pag-iisipan ko..”
“Vince!”
“Wala kong gagawin sa kanila. Wag kang mag-alala. Ngayon, pwede na ba kong matulog sa loob?”
Papasok siya?! Makikita nya ko dito! Ah teka.. Anong gagawin ko?
Gumapang ako hanggang sa pinaka-unang cr na nakita ko, at dali-dali akong pumasok dun. Sana hindi nila ko nakita.
~
Bryan’s POV
Tae talaga to si Russel oh. =_= Kitang natutulog ako eh, gigisingin pa. =_=
Tuesday na ngayon at nandito kami sa room, natutulog ako nang gisingin ako ni Russel. May ike-kwento daw siya. TSK!
“ANO?!” ganyan ang reakson ko matapos ikwento sakin ni Russel yung narinig niya kagabi. Mamaw. Chismoso talaga tong lalaking to eh.
“alam ba ni Krisha yan?”
“pakiramdam ko, wala siyang alam dito.. base sa narinig ko kagabi..”
“Ano ba yan?” napakamot ako ng madiin sa ulo ko.
“tsaka isa pa pre.. ang sabi mo, last year lang yan si Vince dito sa Pilipinas diba?”
“oo bakit?”
“Ibig sabihin.. hindi niya kakilala yung namatay kahapon?..”
“oo hindi nga..”
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...