Chapter Fifty-four

114 1 0
                                    

Chapter Fifty-Four

KRISHA’s POV

“ugh!” gumulong ako sa kama ko at nagtalukbong ng unan sa mukha.

Di ko alam kung ilang beses ko na ba ‘tong ginawa ngayong araw. =_=

Napabalikwas naman ako nang biglang kumalabog pabukas yung pinto. O_O

“kuya!” kinuha ko yung pinaka-malapit na unan sakin at binato kay kuya. Pero malas, nasalo lang niya. Haaay! Bumagsak na lang ulit ako sa kama at tumitig sa kisame.

“ano bang problema mo?! Kanina ka pa dyan! Akala ko kung ano nang ginagawa mo at ungol ka ng ungol dyan!”

“Ano naman sa tingin mo ang ginagawa ko?” walang ganang sagot ko.

“ewan. Umuungol ka eh!”

Umupo agad ako at binato ulit sa kanya yung unan. This time, tinamaan na siya. Yes!

“malibog ka!” sigaw ko tsaka ko siya inirapan.

Tinawanan lang niya ko at umupo sa gilid ng kama ko.

“problema?”

Hindi ako tumitingin sa kanya. Nakatulala lang ako sa pinto.

Bakit naman kasi?!!!! Ugh!

“hoy!”

“AH! Kuya!” hahampasin ko dapat siya kaya lang nasalo naman niya yung braso ko. :3

“Anong problema mo? Tanghali na, hindi ka pa din lumalabas ng kwarto mo tapos ang ingay ingay mo pa. Magkaaway ba kayo?”

Hinila ko yung kamay ko at tsaka humiga, nagtalukbong din ako ng kumot.

“ewan ko..” pero bigla niyang hinatak yung kumot at tinapon sa sahig.

“kuya ano ba naman?!” sigaw ko. Nakakainis naman eh.

“kinakausap kita tapos... aysh. Bakit ba?!”

Umayos ako ng upo at tsaka tumingin sa kanya na parang naiiyak.

“o-oh.. bakit?”

“kuya... *sniff*”

“Krish.. bakit?” mas lumapit pa siya sakin at inakbayan ako.

“kuyaaaa... si Russel...”

“bakit? Anong ginawa sayo?”

“di pa niya ko tinetext mula kagabi... ayaw na ba niya agad?”

Hindi sumagot si kuya kaya nagsalita ulit ako.

“eto ang ayaw ko eh.. masasaktan na naman ako! Bakit ba naman kasi ako naniwa--- ARAY!”

Kotongan daw ba ko? -,-++

“bobo ka ba?! Dahil lang dun?! Dahil lang dun ngangawa ka dyan?! Nakakabadtrip ka din minsan eh” sabi niya tapos umusog ng konti palayo sakin.

“eh kuya.. bakit di siya nagtetext?’

“Tinext mo ba?”

“OO!”

“kagabi?”

“Hindi.. wala kong load kagabi, kanina lang ako nagka-load.”

“salip na kabahan ka kung may nangyaring masama sa kanya, nakuha mo pang mag-inarte dyan”

“ANO?! Ano namang mangyayaring masama sa kanya?!”

“i-text mo ulit! Tawagan mo kung gusto mo bago ka mag-inarte dyan! Iyakin. Tch.”

Tatayo na dapat siya nang biglang tumunog yung cellphone niya.

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon