Chapter Thirty-seven - Ang gulo mo Russel..

145 2 0
                                    

Ako Plus Ikaw Equals Perfect

 --> chapter thirty-seven (Ang gulo mo Russel..)

By: [iamsupeeeerME_14]

“Krish... san si Russel?”

Uhh.. asan ba siya? Itinaas ko pa ang ulo ko para hanapin siya. Nandito kami ngayon sa room, at hindi ko talaga siya makita.

Nung pagbalik ko kasi dito pagkatapos naming mag-usap, nakita ko pa siya eh. Nakayuko siya sa desk niya. Pero di ko muna siya nilapitan nun.

Di ko naman siya napansing lumabas eh.

“kyaaaaa!”

EH? O_O

Napatingin kami ni Zai sa labas ng room. May nagsisigawan kasing mga babae eh.

“AH! P*TA! ANO BA?!”

Si Russel yun ah! Tumayo agad kami ni Zai para lumabas at dun namin nakita si Russel na pinalilibutan ng mga babae.

“GET OFF!” sigaw ni Russel dun sa mga babaeng pinagpyepyestahan na siya.

“ARGH! F*CK! I SAID GET OFF!”

Namumula na si Russel. Ganyan kasi siya pag nagagalit eh. Lalapitan ko na dapat siya pero may isang babaeng lumapit dun...

“di nyo ba siya narinig?! Tigilan nyo nga siya!” sigaw nung babae. Teka, classmate ko pala siya. Si Nikki.

Tinulak niya yung mga babae dun.

“para kayong mga tanga! Gutom sa lalaki?! Ganon?!” sigaw niya.

“pakialam mo ba?! Russel~!!” tapos nagtilian na naman sila habang pinipilit na lumapit kay Russel. Pero tinataboy lang sila ni Nikki, pati sila Bryan pinaalis na din yung mga babae.

~

“ayos ka lang pre?” tanong ni Jeys kay Russel. Nakaupo kami ngayon sa sahig, sa tapat ng board.

Buong barkada tsaka si Nikki.

“ayos lang” sagot ni Russel habang inaayos yung buhok niya. Mukha pa rin siyang naiirita. Tapos gusot-gusot yung damit niya.

“haha! Nice Ssel! Crush ng bayan ah!”kantyaw ni Rhea kay Russel. Totoo naman kasi.

Minsan nga, tatambay lang siya sa labas ng room, nagsisigawan na yung mga dumadaan ng ‘ILOVEYOU RUSSEL!’ eh. Muntae ang putek >_<

Hindi sumagot si Russel. Sinusuklay lang niya yung buhok niya gamit yung kamay niya. Ang gwapo niya~

“nga pala! Nikki! Salamat ah!” sabi ni Rhea.

“wala yun... mukha kasing mga obssessed yung mga babaeng yun eh. Nakakabwisit.”

“Russel. Mag-thank you ka,” straight-faced na sabi ni Mark. Napatingin naman si Russel kay Nikki nun.

“thank you...”

EH? Bat nagblush si Nikki? Don’t tell me...

“y-you’re welcome” sabi niya sabay yuko.

Nagtinginan naman kaming lahat nun maliban kay Russel. Malamang na-gets din nila...

“u-uhh... sige, dun na ko ah.” sabi niya sabay tayo. Bago siya tumayo, tumingin pa siya kay Russel.

Awtsuu yun ah. May gusto din siya kay Russel. ?_?

Pagkaalis ni Nikki. Inasar na naman nila si Russel.

“Grabe naman yan pre! Tinamaan din pala sa ganda mo!” tapos nagtawanan sila.

“g*go!” sagot ni Russel. Tapos nagtawanan ulit sila. Nakitawa na lang ako.

Hayy~ ewan..

~

Dismissal.

Buong klase hindi niya ko kinakausap. Hinahayaan ko na lang muna kasi balak ko siyang kausapin pagkatapos ng klase. Gusto kong malaman kung anong problema niya eh.

Inaayos ko yung mga gamit ko nang kinausap niya si Nikki. Sa harapan lang namin nakaupo si Nikki.

“hatid kita mamaya...”

O_O HUH?! Ihahatid niya?! At bakit?! Alam ba niya kung saan ang bahay ni Nikki?! Bakit niya kailangang ihatid?!!

Argh! Nakakafrustrate naman to! >_<

Halatang nagulat si Nikki sa sinabi ni Russel. Natulala siya eh.

“a-ah.. eh.. b-bakit?”

Napakamot naman si Russel sa tanong niya.

“gusto ko lang mag-thank you dun sa kanina. Kaya... pwede ba kitang ihatid?”

Parang biglang nagningning naman yung mga mata niya sa sinabi ni Russel.

“a-ah.. sure..”

“sige.. hintayin na lang kita..”

“s-sige...”

Nginitian lang siya ni Russel tapos tumalikod na. Nakatingin lang ako kay Russel, pero hindi siya tumitingin sakin. Ibig bang sabihin nun, hindi niya ko ihahatid?!

Sinundan ko agad siya. Hindi talaga pwede! Magtataka sila kuya tsaka sila mama pag nalaman nilang hindi ako hinatid ni Russel! Tsaka kailangan ko pa siyang kausapin eh :3

“Russel!”

Hindi niya ko nililingon. Argh! Ano bang kasalanan ko sayo?!

“uy! Russel!”

Ugh. Still. Dedma -,-

Ano bang problema mo Russel? >____<

“Russel ano ba?!” hinawakan ko siya sa braso niya at iniharap siya sakin.

Ang talim talim ng tingin niya sakin. Parang nakakalusaw. Talaga bang ganun siya kainis sakin?

“pwede ba kitang kausapin?”

“ayoko”

Inalis niya yung pagkakahawak ko sa kanya tapos tumalikod na siya.

B-bakit ganun? Napatingin ako kay Cheska na nagtatakang nakatingin sa akin. Nginitian ko na lang siya ng mapait tapos sinundan ko ulit si Russel.

“Russel ano bang problema mo sakin? Dahil lang ba dun nag---”

Napahinto ako nang tumingin siya sakin.. na para bang pinapatigil niya kong magsalita. Napatigil na lang rin ako nun...

Magkatinginan lang kami nun nang bigla siyang nagsalita.

“hindi kita mahahatid ngayon.. narinig mo naman siguro kanina diba?” walang emosyong sabi niya.

“a-ah.. oo..”

“Russel.. tara na?” napatingin kami parehas kay Nikki. Nakangiti siyang nakatingin sa amin.

“tara” sabi ni Russel at lalakad na dapat sila pero hinila ko ulit siya sa braso niya kaya’t napalingon ulit siya sakin.

“k-kasi... gusto talaga kitang makausap muna...”

“ayaw ko.”

Napahinto ako dun. Bakit galit na galit siya sakin? Naiinis na din ako! Hindi ko alam kung bakit bigla biglang nagiging ganito yung treatment niya sakin!

“pero Russel.. di ko kasi talaga maintindi---”

“hindi mo na kailangang intidihin.. at wala akong balak na ipaintindi pa yun...” inalis niya yung pagkakahawak ko sa kanya at tsaka tumalikod. Pinagmasdan ko na lang silang lumakad palayo.

Ang gulo mo Russel.. bakit ka ganyan?

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon