Chapter Forty-Five

124 1 0
                                    

Chapter Forty-Five

Nandito ko ngayon sa bahay nila Krisha. Kauuwi lang daw ng papa niya. At pinapapunta daw ako ni kuya Dave. Di ko alam kung bakit... pero kinakabahan ako. Mukha kong tanga. -,-

Pakiramdam ko magpapakilala ko sa papa niya tapos magpapaalam ako kung pwede ko bang ligawan si Krisha. AH! Takte. Kinakabahan talaga ko.

Relax lang Russel. Walang gagawing masama sayo ang papa ni Krisha. Hinga lang. Hoooh!

“ikaw pala si Russel...”

“opo. Russel Sanchez po--”

“KURT Russel Sanchez.” Singit ni Krisha na nakakapit sa braso ng papa niya.

“ah.. kaklase ka ni Krisha?”

“opo.”

“sabi sakin nito ni Dave, ikaw daw naghahatid kay Krisha tuwing uuwi?”

“a-ah.. opo.” Tumingin ako kay kuya Dave. Kailangan bang sabihin yun?

“manliligaw?”

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Dalawa kami ni Krisha na gulat na gulat sa tanong niya. Si kuya Dave naman nagpipigil ng tawa.

“pa!” hinampas siya ni Krisha sa braso.

Ano ba naman to? Kinakabahan ako. Napakagat ako sa labi sa sobrang kaba. Ewan. Kanina pa nga ko pinagpapawisan ng malamig eh.

“binibiro ko lang kayo. Masyadong tahimik eh. Sya nga pala, kumain ka na ba iho?”

“ah.. busog po ako.”

“eto naman. Sige na, sumalo ka na samin.. Ma?” tawag niya sa mama ni Krisha.

“bakit Pa?”

“pwede na ba tayong kumain?”

“oo. Halika na kayo dito.”

Magkatabi kami ni Krisha sa upuan. Kainis. Pakiramdam ko pinapanood kami ng papa niya sa kada kilos na gagawin namin. Ang hirap naman nito.

Di pa ko nanliligaw pero feeling ko nagpra-practice na ko. -,-

“Krisha.. kamusta pag-aaral?”

“ayos lang po. Top 3.” Ngiting-ngiti niyang sagot sa papa niya.

“ang galing naman!” tapos nagtawanan kaming lahat.

“ikaw iho?”

“po?”

“may top ka din ba?”

“ah.. *clears throat* top 4 po.”

Bigla namang namangha yung papa niya.

“top 4 ka? Ang galing nyo naman.” Tuwang-tuwa niyang sabi samin.

Oo nga eh. Ang galing ko. -,- Wala naman talaga kong pake sa pag-aaral ko eh. Kaso.. lagi kong katabi tong si Krisha kaya parang wala akong karapatang hindi mag-aral ng mabuti.

“ikaw naman Dave.. broken hearted ka pa din ba?”

“tch.”

“o anong sagot yan?”

“wala na yun pa.. naka-move on na ko.”

“wow. Talaga lang ha? Sinong bago?”

“sasabihin ko sayo pa. Pero mamaya na. Andito si Krisha eh.”

“hooy! Ano naman kung nandito ako?”

“basta! Secret!”

~

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon