Chapter Fifty
Krisha’s POV
*flashback*
Pumasok ako sa kwarto ni papa at naabutan siyang hawak ang cellphone niya. Napatingin siya sakin, at nginitian ako.
“pa...”
“Bakit anak? Kumain ka na ba?”
“ah opo.. kayo po?”
“di ako gutom... bukas na lang siguro..” ngumiti siya tsaka umupo sa kama nila ni mama at nilapag yung cellphone niya sa drawer.
“anong kailangan mo anak?”
Lumapit ako at tumabi sa kanya.
“pa... naguguluhan po ako..”
“tungkol ba to kay Jeric? O kay Russel?”
Jeric. Russel.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
“parehas po sila...”
Tinignan ako ni papa. Tsaka ulit nagsalita.
“mahal mo pa ba si Jeric, anak?”
“opo”
Mahal ko si Jeric. Di ko alam kung kaya ko siyang kalimutan. Masyado siyang naging parte ng buhay ko. Pag kinalimutan ko siya, pakiramdam ko, halos buong pagkatao ko, kinalimutan ko na din.
“mahal mo si Russel?”
Napatingin ako kay papa. Alam kong seryoso siya sa tanong niya.
“h-hindi ko po alam..”
“alam mo yan anak.. naco-confuse ka lang.. naiintindihan naman kita. Hindi pa ganun katagal na wala si Jeric. Mahal mo pa si Jeric kaya iniisip mong imposibleng magmahal ka pa ng iba.. pero kabaligtaran naman nun ang nararamdaman mo. Alam mong may kakaiba, iniisip mo lang na wala lang yun, pero meron talaga. Playing safe ka anak.”
“playing safe po?”
“natatakot kang i-admit sa sarili mo ang nararamdaman mo, kasi ayaw mong makasakit, at lalong ayaw mong saktan ang sarili mo..”
“...”
“natatakot ka na bang magmahal ulit?”
Tumango ako bilang sagot.
“Kasi?”
“kasi ayoko na pong maiwan ulit.. masyadong masakit yung naramdaman ko nung iwan ako ni Jeric. Feeling ko hindi totoo ang happy ending..”
“kasi wala naman talagang ending.. puro beginning lang anak. Sa mga istoryang nababasa mo lang nakikita ang ending, kasi hindi habang buhay magsusulat yung writer nun.. pero tayo, wala tayong ending..”
“...anak. Hindi ginusto ni Jeric na iwan ka. Mahal ka niya. Alam mo naman yun diba? Kung siya ang papipiliin, syempre hindi ka talaga niya iiwan, pero wala siyang choice anak. Kinuha na siya... wala siyang kasalanan dun..”
Ang sakit ng puso ko. Naalala ko si Jeric.. Mahal na mahal ko pa din siya.. Nasasaktan ako sa tuwing naaalala ko yung araw na namatay siya. Huling pagkikita namin. Huling pag-uusap. Huling pag-aaway. Ang sakit..
Pinunasan ko yung mga luha kong pagtuloy sa pagpatak.
Jeric! Bakit ka ba nauna ha?! Nakakainis ka naman eh! Ikakasal pa tayo eh! Sabi mo yan sakin! Sabi mo yan! Tapos nasan ka ngayon?! Leshe ka naman eh! Ang sakit! Ang sakit sakit! Miss na kita Jeric! Miss na miss na miss.... yung yakap mo, text mo lalo na tuwing umaga. ARGH! Iniwan mo ko! Gusto kitang sundan! Jeric... gusto kitang makita.. namimiss ko na yung halik mo, yakap mo, lalo na kung pano mo napapatibok ng mabilis ang puso ko sa tuwing sasabihin mo yung salitang ‘i love you’.
“iiyak mo lang anak... alam kong nasasaktan ka pa din hanggang ngayon.. pero hindi pwedeng habang buhay kang makukulong kay Jeric.. bata ka pa anak. Mag-enjoy ka. Magmahal ka. Hindi pa ito ang tamang panahon para magkaron ka ng takot..”
“..sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin. Wag mong hintaying may mangyari ulit na masama bago mo pa masabi ang nararamdaman mo. Isang leksyon yun..”
“si Russel... mabait na bata siya anak.”
Si Russel. Hindi ko pa rin maintindihan.
“nakikita ko kung pano ka niya itrato.. alam kong mahalaga ka sa kanya.”
“anong nararamdaman mo kapag nandyan siya?”
“po?”
“masaya ka ba?”
“o-opo...”
“alalahanin mo anak kung ano yung nararamdaman mo dati sa tuwing kasama mo si Jeric. Ngayon, ikumpara mo sa nararamdaman mo kapag kasama mo si Russel.. dyan mo malalaman kung anong ibig sabihin ng nararamdaman mo sa kanya.”
“pa.. mahal ko si Jeric. Isang tao lang ang pwedeng mahalin ng---”
“mahal ko ang mama mo.. mahal kita... ang kuya mo.. si Yvette.. si Aris. Ngayon sabihin mo sakin kung panong isang tao lang ang pwedeng mahalin ng isang tao?”
“Sige na. Bumalik ka na sa kwarto mo. Pag-isipan mo yung sinabi ko... ikumpara mo yung nararamdaman mo..”
~
Pumunta ako sa kwarto ko, kinuha ang cellphone ko. At ni-record ang sasabihin ko.
“Jeric... hi! Kamusta ka na? Sana ok ka lang dyan... Miss na miss na kita nhie...” nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko.
“...hindi ako galit sayo, kung iniisip mong masama ang loob ko sayo. Masyado kitang mahal para pagtaniman ko ng galit..”
*clears throat*
“Jeric? Ok lang ba sayo... kung maging masaya ulit ako... sa piling ng iba?”
Di ko na napigilan, kumawala na yung tunog sa bibig ko dala ng pag-iyak. Napahawak ako sa puso ko, habang nakatapat pa din sa bibig ko yung phone ko.
“J-Jeric.. andito ka pa din sa puso ko.. kahit kelan, hindi kita malilimutan. Hinding hindi ko kayang gawin yun. Malaking bahagi ka ng buhay ko Jeric. At wala akong balak na kalimutan ko. Mahal na mahal kita Jeric. Hindi yun nagbago...”
Pinunasan ko yung luhang dumadaloy sa pisngi ko at ipinagpatuloy ang pagsasalita.
“Di ka ba magagalit, pag kay Russel ako napunta? G-galit ka pa din ba sa kanya? Jeric... pakiramdam ko mahal ko na siya... Pinilit kong isawalang-bahala tong nararamdaman ko, kasi iniisip ko kung masasaktan ba kita. Pero Jeric, wala ka na..”
Pumatak ulit ang luha ko, pero pinunasan ko din naman agad.
“wala ng pag-asang maging tayo... ok lang naman siguro sayo kung magmamahal na ko ng iba, di ba?”
Masakit sakin yung sinabi ko, na wala ng pag-asang maging kami pa ulit.
“Jeric, gusto ko akin ka pa din... Pero, hindi na ko pwedeng mapasayo...”
Ang sakit. </3 Nasasaktan ako sa sinasabi ko. Pakiramdam ko, pag naririnig niya ko, masasaktan siya. At di ko kaya yun. Pero kailangan ko tong gawin..
“sa iba ko na ibibigay ang sarili ko, ang pag-ibig ko... patawarin mo ko Jeric. Wag kang mag-alala, lagi ka pa ring may parte sakin. Mahal kita. Pangako, magiging masaya ko. Sana maging masaya ka na din... Mahal na mahal kita Jeric.”
At ang pinakamasakit na salita, “pinapakawalan na kita Jeric. Paalam...”
Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kumot ko. Tsaka ini-stop ang pagrecord.
Ni-rename ko, [Jeric]
Pagkatapos, sinend ko sa number niya. Di ko alam kung tinapon na ba nila tita ang sim at cellphone niya, kaya dun ko sinend. Iniisip ko na lang na maririnig niya yung message ko.
Binuksan ko din ang e-mail ko. In-email ko sa kanya yung record.
Pagkatapos, natulog na ko.. simula bukas, magiging totoo na ko sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...