Chapter Fifty-Seven
Krisha’s POV
“o bakit ka nandito?” mataray na tanong ko sa kanya pagkapasok niya sa pinto.
“o bakit? Masama?”
“oo” tsaka ko siya tinaasan ng isang kilay.
“bakit? Ikaw ba dinadalaw ko dito? Hindi naman ah..”
Wow. Suntukin ko kaya to? Kunwari pa eh. =_=
“ah ganun ba? Sige, tuloy ka...” tapos nginitian ko siya ng plastik. Tch.
Pumasok siya sa loob ng bahay. Tapos umakyat naman ako sa kwarto ko. Habang paakyat ako sa hagdan, narinig ko siyang nagsalita..
“kuya Dave, nasan si Krisha? Nagpapamiss eh..”
Hah! Ewan. Napangiti ako bigla. Kunwari pa kanina eh. Hindi daw ako yung dinadalaw? Hihi~ >//<
~
*tok tok tok*
“o sino yan?!” sigaw ko. Nagbabasa kasi ako ngayon ng Sparkling magazine nang may kumatok sa kwarto ko.
“asawa mo!”
Sinara ko yung magazine na binabasa ko. Tsaka nakangiting tumingin sa pinto.
“Sino? Wala kong asawa!” Mukha kong tangang nakangiti dito habang nakatingin sa pinto. Alam ko naman kasing si Russel yung kumakatok. Kinikilig lang ako. Hihihi... asawa daw? Haha. Ang landi ko. :”>
“aish. Isa! Di mo ko papapasukin?” –Russel
“ayoko! Wag kang papasok! Manyak ka!”
“Hooy! Kelan kita minanyak?!”
“Che! Sasagot ka pa eh!” lumapit ako sa pinto at pinagbuksan siya. At pagkabukas ko, naka-smirk siya. -,-
“o. Anong mukha yan?”
“Gwapo.” Hangiiin. >_<
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa kwarto ko. Iniwan ko lang na nakabukas yung pinto. Baka magalit si kuya tsaka si papa eh.
Umupo siya sa kama ko, kaya umupo din ako dun.
“kala ko ba hindi ako yung binibisita mo dito?”
“Hindi nga ikaw.”
“Sino?”
“yung asawa ko.” Ngiting-ngiting sagot niya sakin. >///<
“Gahd! Sino ba yang asawa mo na yan?! Nakakainis na ah!” Nagkunwari pa kong nagtatampo. Hahaha. Wala lang.. gusto ko, amuhin niya ko eh. :”> Wihii.
Mas umusog pa siya palapit sakin at iniharap ako sa kanya. Hawak niya yung dalawang balikat ko.
“may kakilala ka bang Krisha Anne Ramirez na nakatira dito? Siya kasi yung dinadalaw ko...” mas lumapit pa siya sakin at itinapat ang bibig niya sa tenga ko.
Nakikiliti ako. Amp. :3
“...alam mo na? Namimiss ko na yung asawa ko eh...”
“Russel, ano baaaa..” >////<
Narinig ko siyang tumawa ng mahina, tsaka niya hinawakan ang chin ko at inangat ang mukha ko. Napatingin ako sa mata niya. Ang ganda-ganda talaga ng mata niya. Mas lalo akong naiinlove. <3 Teka, sinabi ko yun? =_=
“ang ganda mo..”
>///> Eh? Enebeyeeen. Feeling ko namumula ko... :3
“lalo na pag namumula...” then he chuckled. Err? I guess my heart skipped a beat. >///<
“kinikilig ka sakin?” nakatitig siya sakin kaya ewan ko... bigla akong tumango. WHAAAT?! TUMANGO AKO?!!!
“hahaha.. I know right.. Do I affect you too much?” Waaaa. Nalulunod ako sa titig niya. :3 Unknowingly, tumango ulit ako. Grabiii. Kakahiya. >///<
“And you affect me too much, too..” bigla siyang sumeryoso. Nawala yung ngiti sa labi niya, at dahan-dahan niyang binaba yung tingin niya sa labi ko. Gulp!
T-teka... dry lips ba ko? B-bakit niya tinititigan? E-eeehh.. Naiilang ako. Nako-conscious ako eh! >///<
Napakagat ako sa lower lip ko para mabasa ko yung labi ko. Tinititigan niya kasi eh. Nakakahiya. >///< Nakatingin ako sa mata niya nang mapatingin ako sa labi niya, bigla niya kasing kinagat yung lower lip niya. Dugdug! Dugdug! Bakit? N-naaakit ako... Gahd! Ilayo niyo po si Russel sakin!!
Y-yung mata kasi niya eh... akala mo ano... umm, pano ko ba ide-describe? Parang... naaakit? O_O
“Krisha...”
That voice... Ang sexyyyy.. Argh. Russel! Tinetempt mo ko. >///< Napalunok ako nang banggitin niya ang pangalan ko.
Maya-maya, unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sakin... Ikikiss ba niya ko?! No! Nakabukas ang pinto! Pero... gusto ko.. HUH?!
Gusto kong... gusto ko siyang halikan. Rawr. Ang manyak ko. >///<
Nang ipikit niya ang mata niya, napapikit na din ako. Dugdug! Dugdug!
“Krisha kumain daw muna kayo!”
Napabalikwas kaming dalawa ni Russel sa isa’t isa nang marinig namin ang boses ni papa. Nahulog pa nga si Russel sa sahig sa lakas ng tulak ko sa kanya eh. :3 Anubayun. Wrong timing! Yun na eh! Naman kasiii! >.<
“a-ah.. opo!” sigaw ko kay papa. Hindi naman siya sumilip sa pinto eh.
Inayos ko yung buhok ko at tumayo na. Tinignan ko si Russel na nakaupo sa sahig habang nakatingin sakin.
“tayo na dyan!” sabi ko sa kanya.
“tsk” yumuko siya at ginulo yung buhok niya.
Oh bakit? ?_?
“kainis naman” bumulong siya pero narinig ko naman.
“bakit?”
“hahalikan na kita eh..” sabi niya tsaka dire-diretsong lumabas ng kwarto ko. Mukha siyang badtrip. Baliw talaga yun.
~
Pagkatapos niyang kumain, uuwi na daw siya. Hahatid ko lang siya hanggang sa gate. Di naman na siya mukhang badtrip. ^_^ Gutom lang siguro yun kanina. :)
“babye..” nakangiting sabi ko habang binubuksan yung gate.
“wag ka ng lalabas ah.. dito ka lang sa inyo”
“oo. Di naman ako mahilig lumabas ng bahay no.”
“mabuti naman..” kinuha niya yung isa kong kamay tapos in-intertwine yun sa kanya. >///< Napayuko ako. Namumula ulit ako eh. Baka asarin niya ulit ako eh. >///<
Nagulat ako nang bigla niya kong hilahin ng malakas kaya nauntog ako sa dibdib niya. Binitawan niya yung isa kong kamay tapos niyakap niya ko.
“I love you..”
Habang nakasandal ako sa dibdib niya, napangiti ako bigla.
“Saranghae..” >///< Mas lalo akong kinilig. Korean yun eh. <3
“mahal kita..” >///< EEEEEH?! Wala na bang ibang alam tong lalaking to kundi pakiligin ako? :3
“tumingin ka nga sakin.” Sinunod ko naman siya kaya’t tumingala ako.
“akin ka lang, ok?” Nakangiti akong tumango sa kanya. Napapikit ako nang halikan niya ko sa noo.
“I love you too...”
A/N: Patapos na yung draft neto. :) One more chapter na lang, tapos na yung draft. :)
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...