Ako Plus Ikaw Equals Perfect
--> chapter seventeen (Jeric<333)
By: [iamsupeeeerME_14]
“Krisha?? Ikaw na ba yan??” napalingon naman kami ni Russel sa gate at nakita namin dun si mama kasama si kuya Dave at.....
“Jeric?? Anong g-ginagawa mo dito??” -ako
Nakapamulsang lumapit samin si Jeric. Tinitigan nya muna si Russel at tsaka matalim na tumingin sakin. bumaba ang tingin nya sa kamay kong nakahawak sa braso ni Russel.
Kaya dali-dali ko itong tinanggal. Alam ko kasi yang mga tingin nya na yan eh.
Hinawakan naman nya yung kamay ko at hinila ako sa tabi nya.. “J-Jeri--”
“ikaw” napatingin naman ako sa kanila ni Russel. Omgee?
Mas lumapit pa si Jeric kay Russel at tinitigan to sa mata. Hala?? Eto namang Russel, nakipagtitigan ren... Shete talaga.
“ikaw na naman” cold na sabi ni Jeric kay Russel.
Nginitian lang sya ni Russel.... ng nakakalokong ngiti... shemay!! Ako kinakabahan ditoooo eehhhh!!!
“err... pasok muna tayo sa loob?” pagsingit ko sa kanila... may namumuong tense dito ehh..
Alam nyo yung feeling na parang kumikidlat pag nag-uusap sila? Parang ganun yung feeling ngayon >.<
Lumingon sakin si Russel then nginitian nya ko. Bigla namang humigpit yung hawak ni Jeric sa kamay ko.
Anoo ba tooo??? Natatakot na ko sa kanilang dalawa ehh.
Napatingin ako kay Jeric na nakatitig pa rin kay Russel. Yung titig nya, nakakatakot. T_T
“hindi na.. uuwi na ko.. ge pasok ka na. Goodnight”
Nakangiting sabi nya sakin tapos naglakad na sya palayo...
t-teka?? Di pa ko nagte-thank you ehhh... tsaka pano sya sasakay dito? Di nga nya alam kung saan yung sakayan ng tricycle dito eh.
Gusto ko sanang tawagin pabalik si Russel kasi nga wala naman siyang ka-alam alam dito sa lugar namin. Kaya lang... nakakatakot si Jeric.
Err? Pano ba to?
Medyo nakakalayo na siya nang lumingin ulit siya samin.
Aha! Sinasabi na nga ba eh! Maaalala rin niyang di nga pala niya alam yung sakayan dito!
Pero... di naman siya lumapit samin. Kumbaga ba, pagkalingon nya ulit samin. Nakangiti siyang tumingin sakin at tsaka...
O________O
“GAGO KA AH!” uh-oh! Gamit ang dalawang kamay ko and with all my force, pinigilan ko siya kasi alam kong hahabulin nya si Russel.
Ugh! Epal talagang Russel yon! Walang magawa sa buhay! Balak ba niya talaga kaming pag-awayin ni Jeric?! >__<
Pano ba naman kasi? Nag-flying kiss siya sakin tapos sinigaw niyang masaya daw siya at ako ang naging first kiss nya?! At eto pa... sabi niya, sana daw maulit pa bukas! >_<
Musta naman yun?! Diba?! Pagkasigaw nga nya nun bigla siyang tumakbo!
Kaasar! Ano namang iisipin ni Jeric diba?! Iisipin nya, kaya ako ginabi eh kasi magkasama kami ni Russel!
Nakooo! Kurt Russel Sanchez! Pahamak ka talaga! Gusto kitang sapakin ngayon sa panga! >.<
Ayan tuloy! Nakakuha kami ng maraming audience. Ang mga chismosa naming mga kapitbahya =___=
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...