Chapter Sixty-Seven

81 1 0
                                    

Chapter Sixty-Seven

Russel’s POV

Alas-9 na pero hindi pa din umuuwi si Krisha. Saan ba nagpunta yun? Dapat kasi talaga pinauwi ko na yun eh.

“tito tinatawagan ko po pero hindi niya sinasagot eh..”

“nagri-ring ba?”

“opo... naka-ilang tawag na po ako, pero hindi po talaga niya sinasagot..”

“KRISHA!” Lahat kami lumingon sa pinto nang sumigaw si kuya Dave at nakita si Krisha na parang nanlalata. Sabay-sabay kaming nagtakbuhan palapit sa kanya.

Hinawakan siya ng papa niya sa pisngi at tsaka siya tinanong, “Krisha, anak... saan ka ba galing ha? Bakit ngayon ka lang?”

Tinignan siya ni Krisha na parang naluluha, inikot niyo yung tingin niya at sunod niyang tinignan si kuya Dave, sunod ako...

Nang mapatingin siya sakin, humiwalay siya sa papa niya at tsaka naglakad papunta sakin.

“Russel...” parang batang gustong magsumbong sa magulang yung tono niya habang naglalakad siya palapit sakin.

Nang makalapit siya sakin, bigla niya kong niyakap.

“Russel~!”

“Krish?” teka, umiiyak ba siya?

Niyakap ko din siya at nagtataka kong nakatingin kila tito. Sila rin nagtataka.

“Russel... hindi mo ko iiwan diba?” sabi niya sa pagitan ng paghikbi niya.

“hindi kita iiwan... ssshh tahan na..” hinimas ko yung buhok niya tsaka siya hinalikan sa noo. Mas hinigpitan pa niya yung yakap sakin kaya hinigpitan ko din.

Bakit ba siya ganito? Nag-aalala tuloy ako eh...

~

Umupo kami sa sofa. Kumuha si kuya Dave ng tubig kasi hinihingal si Krisha sa kakaiyak.

Hinahagod ko yung likuran niya, samantalang nakatingin lang samin si tito.

“bakit ka ba umiiyak?” hindi siya sumagot, pero nakahawak pa din siya sa kamay ko. Kanina pa niya hindi binibitawan yung kamay ko eh.

Pinainom siya ni kuya Dave ng tubig, pagkatapos sabi niya sakin gusto na daw niyang matulog.

“Russel, kausapin mo yun ah.. kinakabahan na ko eh, mamaya na-rape pala yun kaya nakatulala..”

Kinabahan ako sa sinabi ni kuya Dave. Posibleng mangyari yung sinabi niya. Sana naman hindi.

Sinamahan ko siya sa kwarto niya. Pagpasok namin sa kwarto niya, hinubad lang niya yung jacket niya tapos humiga na siya sa kama niya. Nagtakip ng kumot tapos yun na.

Wala siyang balak magkwento?

Umupo ako sa tabi niya.. pero naririnig ko na naman siyang umiiyak.

“Krish... ano ba talagang nangyari sayo? Natutuwa ka ba talaga kapag nalalaman mong nag-aalala ko?”

Mas lalo lang lumakas yung pag-iyak niya.

“oyy ano ba naman? Tumayo ka nga dyan at humarap ka sakin!”

Pero nagulat ako sa ginawa niya. Bumangon nga siya, pero saktong pagbangon niya, hinawakan niya yung pisngi ko at bigla kong... h-hinalikan.

>///< Uhh..

Nanlalaki yung mata ko habang nakatingin sa kanya, samantalang siya, nakapikit habang may tumutulong luha sa mata niya.

Hinawakan ko din yung dalawang pisngi niya at hinayaan siya.

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon