Chapter twenty-four - Excited?

172 3 2
                                        

Ako Plus Ikaw Equals Perfect

 --> chapter twenty-four (excited?)

By: [iamsupeeeerME_14]

“oh eto na po pala eh.. Krisha, si papa!” narinig kong sigaw ni kuya pagkapasok ko ng bahay.

Agad akong tumakbo papasok sa loob nang walang hubad-hubad ng sapatos.

“papa!! Kelan ka ba uuwi?!!!!” napatingin ako kay kuya na ang sama ng tingin sakin. Nag-peace sign na lang ako. Haha! Eh sa miss ko na si papa eh. >3<

(malapit na anak. Tatapusin ko na lang yung mga kailangang ayusin dito na naiwan ng lolo mo. Right after that, uuwi na ko.)

Naka-loud speaker pala yung cellphone. Nailayo ko tuloy yung cellphone sa tenga ko.

“eh papa... mahigit tatlong taon ka na dyan ah. Ganun karami yung naiwang trabaho ni lolo dyan?”

Namatay kasi si lolo(father’s side) more than three years ago. Eh meron kaming company na naiwan sa US.

Walang mag-aasikaso at tanging si dad lang ang nakatapos ng kursong master of business administration. Kaya sa kanya ipinamana yung company ni lolo.

Maraming naiwang trabaho dun si lolo na si papa ang tumapos. Hanggang ngayon nga di pa rin tapos oh.

“papa~ uwi ka na lang... pabayaan mo na yang trabaho mo dyan. Please!”

Nakita ng peripheral vision ko si Jeric na pumunta sa kwarto ko. Baliw talaga yun!

Palibhasa kasi pinapayagan sya ni mama eh.

(anak syempre di lang yun ang ginagawa ni papa dito. After nung mga naiwan ni lolo mo na trabaho dito, marami pa kong kailangang gawin. Remember, ako na ang namamahala dito diba? Hindi biro ang trabaho dito ni papa. Magli-leave naman ako sa birthday mo eh. Miss ko na kayo eh. Tsaka sa pasko uuwi din ako dyan. Don’t worry.)

O_O SERIOUSLY?! Uuwi si papa sa birthday ko?!! Waaaaaa!!! Yehey! Miss ko na talaga si papa! Mula kasi nung pumunta sya dun, di pa sya umuuwi. Kaya sobrang miss ko na talaga siya...

“yeeeeyy!! Promise yan papa ah! Promise yan!”

(promise anak. Musta na nga pala kayo ni Jeric? Kayo pa rin ba? O baka pinaiyak ka na nun? Uuwi talaga ko pag nalaman kong pinaiyak ka nun)

Well~ pinaiyak na po niya ko T_T haha! Past na yun. Tsaka wala naman daw ‘something’ sa kanila ni ate Sheena eh :)

Pero pwede ko ring sabihin kay papa na pinaiyak ako ni Jeric para umuwi siya dito. Muahaha >:D jk.

“wag po kayong mag-alala tito. Masyado ko pong mahal ang anak nyo para paiyakin ko.”

Napatingin ako kay Jeric na bumababa ng hagdan.

>///< masyado nya daw akong mahal.. hihihi ^________^

“oh pa narinig mo yun? Masyado nya daw akong mahal para paiyakin” sabi ko kay papa.

Narinig ko namang nag-tss si kuya. Di ko lang sya pinansin. Sanay na ko dyan.

Minsan ang bait nyan kay Jeric, minsan hindi. Baliw yata yang kuya ko eh -__-

(aba’t dapat lang. Malalagot ka sakin Jeric pag nalaman kong pinaiyak mo ang prinsesa ko)

Lumapit sakin si Jeric, pumwesto sya sa may likuran ko at tinapat yung bibig nya sa cellphone na nasa tenga ko.

“alam ko po tito. Mahal ko po ang anak nyo.” Then bigla nya kong kiniliti sa tagiliran.

“di ko po yan pababayaan.. ingat kayo dyan ‘to!” pagpapatuloy ni Jeric.

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon