Chapter Fifty-Six

115 1 0
                                    

Chapter Fifty-Six

RUSSEL~

Pagkatapos kong ihatid si Krisha sa bahay nila, dumiretso na ko kila Bryan. Ngayon namin pupuntahan yung bahay ng tito niya. Sana magtagumpay kami.

Pinahiram niya ko ng damit niya, naka-uniform pa kasi ako.

“tito!”

“oh Bryan! Napadalaw ka ulit! Tuloy kayo!” sigaw ng isang matandang lalaki. Kung ipagpapalagay ko sa mukha niya, mukha siyang between 40-50 years old.

Pumasok kami ni Bryan sa loob. Pinagmasdan ko ang bahay, malinis naman. Tatlong palapag meron ang bahay nila. At nakita ko rin kanina mula sa labas yung attic na sinasabi ni Bryan.

“to, si Russel po. Classmate ko po siya.”

“magandang gabi po..” bati ko sa kanya.

“magandang gabi din..”

“Ah tito, nandito ba si Roel?”

“Hindi pa siya umuuwi eh, pero pauwi na rin yun maya-maya. Bakit?”

“gusto po kasi niyang makita si Russel, maglalaro po sila ng chess. Nakwento ko po kasi sa kanya.”

“ah ganun ba, mamaya pa siyang 7:30 makakauwi. 7 kasi ang uwian nila, mga 30 minutes ang byahe. Maghihintay pa kayo.”

“ayos lang po..” nakangiting sagot ni Bryan. Pinlano na namin ‘to. Inagahan namin yung pagpunta dito para matagalan yung pag-stay namin sa bahay nila. 6:30 pa lang kasi. May isang oras pa kami dito.

“kukuhaan ko muna kayo ng maiinom. Ano bang gusto niyo? Softdrink? O juice?”

“Juice na lang po samin tito..” –Bryan

“Ah sige. Sandali lang ah.”

Pagkaalis ng tito ni Bryan, nag-usap agad kami.

“bale ganito, magpapatulong ako kay tito na hanapin yung chess board--”

“ha? Eh ayun lang oh?” tinuro ko yung chess board na nasa cabinet.

“yun nga.. itatago natin yun sa loob ng kwarto ni Roel at--”

“pano mo naman yun itatago?”

“dito lang sa first floor ang kwarto ni Roel, nasa third floor naman yung attic, ang gagawin natin... NO. Ang gagawin mo--”

“teka, ako?”

“oo ikaw. Mamaya ka na nga sumingit. Patapusin mo ko. Kukunin mo yun, ilagay mo sa bag mo, tsaka ako magpapatulong kay tito na hanapin yun sa attic. At dahil maiiwan ka dito, pumasok ka agad sa kwarto ni Roel at itago mo yun sa ilalim ng kama niya, naiintindihan mo?”

Tumango naman ako bilang sagot.

“kapag nagawa mo na, itext mo ko para bababa na kami.”

“o tapos?”

“sasabihin ko kay tito na hanapin yun sa kwarto ni Roel, at sasamantalahin mo yun para umakyat sa attic at kunin yung files.”

“eh bat di mo na lang kunin tutal pupunta ka naman na sa attic? Pinapahaba mo lang eh..”

“Tanga ka ba?”

“hinde.”

“Hindi pala eh. Syempre kasama ko si tito, natatakot pa rin naman ako no? Basta, gawin mo yung plano natin. Pag-akyat mo dun sa attic, may dalawang cabinet dun, nandun sa pinakaibabaw, may itim na folder, nandun yung files. Picturan mo na lang. Ayusin mo kuha ah.”

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon