Chapter Firty-Eight

113 1 0
                                    

Chapter Fifty-Eight

Russel’s POV

Naglalakad na kami ni Bryan ngayon papunta sa bahay ng witness. Kung tama ang pagkaka-alala ko, Brandon Astred? Kilala daw yun ni Bryan, kasi nung elementary siya, kalaban daw nila yun sa basketball team. Tapos inimbitahan sila sa bahay nun.

“ano namang gagawin mo kapag nakita mo yung witness?” napatingin ako kay Bryan sa tanong niya.

“hindi ko din alam...”

Pansamantala siyang tumahimik, tapos nagsalita ulit siya.

“pag nagkita kayo, tititigan mo lang? Ganun?”

“ewan ko... di ko alam”

“baka mamaya umiyak ka”

“lul. Bakit naman ako iiyak? Hindi ko talaga alam gagawin ko...”

~

“dito na yun pre, pagkaliko dito..” may tinuro siyang papasukang eskinita. Pero pagpasok namin sa eskinitang yun, maraming tao. May mga naglalaro ng baraha habang kumakain ng biskwit, ang dami ring upuan at lamesa.

Nagkatinginan kami ni Bryan. Mukhang parehas kami ng iniisip... Dumiretso pa kami papasok, at mula sa kinatatayuan namin, ang isang tarpaulin.

May litrato ng isang lalaki at pangalang Brandon Astred sa bandang gilid.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Hindi... hindi pwede! Hindi siya pwedeng mamatay! Marami pa kong dapat itanong sa kanya!

“p-pre...” tumingin ako kay Bryan nang nanghihina. Pano ko malulutas ang sikreto dito? Siya na lang ang missing link! Argh! Tae naman!

“teka.. si tito yun!” napatingin ako sa tinuro niya. At nandun nga yung tito niya, yung isa sa may hawak ng kaso ni Jeric.

“tito!” naagaw namin ang atensyon ng tito niya kaya’t napatingin siya samin. Mukha siyang nagulat. Lumapit sa kanya si Bryan kaya sumunod ako.

“Bryan, anong ginagawa nyo dito? Kakilala nyo ba yung namatay?”

“u-uhh.. opo.. nung elementary po ako..”

“ah.. kaya kayo nagpunta dito? Sige mauuna na ko.”

“teka lang tito.. may itatanong lang po ako..”

~

Umupo kami sa mga upuan dun. Nakapabilog kami sa isang lamesa.

“Kahapon lang siya namatay... murder. May saksak sa tagiliran niya tsaka dalawa sa binti.”

Kahapon? Ang bilis. Kung nung isang araw siguro namin siya pinuntahan, edi sana alam ko na ang sagot sa mga tanong ko ngayon. Dapat ngayon na lang namin kinuha yung files... huli na. Huli na.. Pano ko na malalaman?

“teka, sigurado ba kayong hindi muna kayo sisilip sa loob?”

“sisilip po kami mamaya... marami pa po kasing tao sa loob.” –Bryan

“may hinala po ba kayo kung sinong gumawa nun sa kanya?” tanong ko. Di ko na mapigilan. Gusto kong magtanong ng marami. Pero ang bagal magtanong ni Bryan...

Sandali siyang nag-isip bago sumagot.

“hindi kami sigurado... base sa mga kaklase niya pati na din sa bestfriend niya, wala daw siyang kaaway. I mean, kaaway na sobrang galit sa kanya. Kaya meron pa lang kaming isang main suspect.”

“sino po?” agad na tanong ko matapos niyang magsalita.

“pasensya na iho.. hindi kasi namin yun pinagsasabi hangga’t wala pa kaming labis na ebidensya..”

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon