Chapter Sixty-Eight
Russel’s POV
Pagpasok ko sa room, wala si Krisha.. Maaga pa naman. Anong oras na rin kasi kami natulog kagabi eh. Tinawagan ko pa siya, mag-gu-goodnight lang dapat ako pero nagtagal. Eh wala eeeh! XD
Nilapag ko yung bag ko sa upuan ko at nang makita ko si Vince na nakayuko sa desk niya, nilapitan ko agad siya.
“pre” kinalabit ko siya kaya inangat niya yung ulo niya at emotionless na tinitigan ako.
“pwede ba tayong mag-usap?”
“anong kailangan mo sakin?” umayos siya ng upo at nakatingin pa rin sakin.
“pag-usapan natin sa labas.”
Sumama siya sakin at nagpunta kami sa Hidden Garden. Sa oval dapat, kaya lang maraming tao dun.
“anong kailangan mo?” walang kabuhay-buhay niyang tanong habang nakapamulsa.
“Bakit mo kailangang gawin yun?’
Sandaling katahimikan ang pumagitan sa aming dalawa. Parehas kaming nagsusukatan ng tingin.
“gawin ang alin?” pagputol niya sa katahimikan.
“Vince, alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko..”
“will you... just go straight to the point?”
“Bakit mo sinaksak si Jeric? Anong ginawa niya sayo?”
“What are you talking about?”
“Stop denying, Vince... “
“Stop denying what?! I don’t know what you’re up to, and you know what? I don’t care.”
Paalis na dapat siya nang magsalita ako.
“Nagkita sila ni Krisha..” huminto siya sa paglalakad pero hindi pa din humaharap sakin.
“...Tama ang iniisip mo. Buhay si Jeric.. at sinabi niya ang lahat-lahat..”
“na ano? Tinangka ko siyang patayin?” sabi niya pagkaharap niya.
“now what? What if I tried to kill him? He didn’t dieanyway. So what?”
“So what? Who are you trying to kid, Vince?” inikutan ko siya at pumwesto ako sa likod niya.
“You killed the witness, right?”
“and so?”
Woah. Angas. Umaamin agad.
“bakit mo kailangang gawin yun?”
“walang pwedeng makaalam ng ginawa ko.. hindi pa tapos ang plano ko..”
“anong plano mo?”
“and why would I tell you?”
Nag-smirk ako sa kanya, at ganun din siya.
“Vince.. nakapatay ka ng tao. Talaga bang ganyan ka?”
“And what if I am? I can kill you right now if I want to.”
“I’m not threatened. Do it.”
Nagtitigan kaming dalawa. Pero nagsalita agad ako.
“Magkapatid kayo ni Krisha, tama ba ko?”
Nakita kong nanlaki ang mata niya, pero mabilis din niyang na-compose ang sarili niya.
“hindi ko alam ang pinagsasabi mo..”
“Pwede ba? Vince? Umamin ka na sa kasalanan mo kanina, bakit hindi pa natin ituloy-tuloy? Kapatid mo siya. Galing na mismo yan sa bibig mo.”
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...