Ako Plus Ikaw Equals Perfect
--> chapter thirty-five (Considered confessions?)
By: [iamsupeeeerME_14]
Suspendido ang lahat ng klase sa San Jose Del Monte, Bulacan, All levels dahil sa pagbagsak ng malalakas na ulan...
Wooooh~ ang lamig. Buti na lang walang pasok. Hindi na rin kasi ako pinapapasok ni kuya eh. May pasok sila, kasi sa Quezon City sya nag-aaral. Eh hindi naman suspended ang klase dun eh.
Pero ayaw daw niya. Babantayan niya na lang daw kami dito. Si mama kasi nasa Cavite ngayon. Dumating kasi ngayon sila tita, kaya bumisita siya dun. Kahapon pa siya umalis. Buti nga hindi pa masyadong malakas yung bagyo kahapon eh...
Umakyat ako sa kwarto ni kuya...
“kuya... wala daw kaming pasok” sabi ko pagkapasok ko sa kwarto niya.
“o kita mo.. ayaw mo pa maniwala sakin eh.” Sabi niya habang nagtetext.
Umupo ako sa kama niya.
“kuya sinong ka-text mo?” tanong ko sabay pasimpleng silip sa cellphone niya. Kainis! Di ko makita!
Napalingon naman siya sakin tsaka ngumiti.
“chismosa ka ah...”
“WOY! Chismosa ka dyan?!”
Tumawa lang siya tsaka ginulo yung buhok ko.
“wag mo ng alamin... magugulat ka lang...”
“EH?! Sino? Si ate Sheena?”
“hindi ah! Ikaw talaga!”
“suuuus... defensive!”
*Panget Kaaaaaaaaaa~!*
O___O ano yun?
Napatingin sa akin si kuya. Aking cellphone ba yun? Eh hindi naman ganun ang ringtone ko eh.
Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa ng short ko... at tsaka ko tinignan.
PogiSiRussel calling...
Wow. So kelan pa naging ganito ang pangalan niya sa contacts ko? At kelan pa naging ganito ang ringtone ko sa kanya? =___= pakielamero talaga tong Russel na to -___-++
“sino yan?” tanong ni kuya habang nagtetext na naman.
“si Russel po” sagot ko tsaka ako tumayo sa kama ni kuya at lumabas na ko sa kwarto niya.
Sinagot ko yung tawag niya.
“problema mo?” sabi ko pag-kasagot na pagkasagot ko sa tawag niya.
(good morning din)
Haaaays =___= Russel will always be Russel.
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...