Chapter Sixty-Nine

88 2 0
                                    

Chapter Sixty-Nine

Krisha’s POV

3 months have passed. 3 months na din kami ni Russel. :) Hehe.. Sorry kung outdated kayo ah. Many to mention ang mga nangyari eh.

Alam na rin pala ni papa na alam kong may kapatid kami sa labas. Pinaalam na rin niya sa family. Alam na pala ni mama ang tungkol dito, kaming magkakapatid na lang ang wala pang alam.

Sinabihan ko na din si Vince na wag nang sabihin sa kanila yung ginawa niya kay Jeric, besides past na rin naman yun. Baka mahirapan lang sila kuya na tanggapin siya.

Dito na siya samin nakatira. Medyo close na rin sila ni kuya. Ang dami kasi nilang similarities eh.

Like, ayaw nila ng kamatis. Favorite ang horror. Ayaw sa lollipop. Favorite band ang Faber Drive. Mga ganun. Madami pa eh. Kaya mabilis silang nagkasundo.

Let’s just say na... kinalimutan ko na yun. Nasa present tayo. Hindi tayo gumigising araw-araw para lang bumalik nang bumalik sa kahapon.

Kami ni Russel, going stronger. :”> Hihiii~nag-aaway, nagbabati, then away ulit. :D Pero syempre bati ulit. :D Bipolar kami parehas eh. Nagmamahalan naman. Yun yon eh! XD

Hindi pa rin nawawala samin yung asaran. Ganun naman talaga kami eh.

Last day ngayon ni papa dito, kasi bukas na ang alis niya. Di ko nga akalain na magtatagal siya ng three months dito eh. Akala ko kasi yung week lang nung birthday ko, tapos nag-extend nang nag-extend. :))

May balak akong ipakilala sa kanila ngayon eh. :)

“Panget! Ang tagal mong magbihis! Papasukin kita dyan!” sigaw ni Russel mula sa labas.

“Subukan mo! Susuntukin kita!”

Hahahaha. XD Oy hindi ako yung sumigaw nun ah. Si kuya Dave yung sumigaw sa kanya mula sa labas. XD Akala niya ha. :D Protective yata ang kuya ko. :P

“joke lang eh...” mahinang sabi ni Russel. Wahahaha takot din pala eh.

“Panget labas na dyan!”

“Teka! Wala pa kong damit!”

“Ayos lang yan! Labas na! Araaay!”

Hahahaha. Bastos kasi. Sinapok siguro yun ni kuya Dave. XD

“kanina ka pa ah! Sisipain kita palabas!” –kuya Dave.

“nagbibiro lang! Panget bilisan mo kas--- ARAY!”

“Sinabi na ngang di pa siya tapos!”-kuya Dave

Tawa lang ako nang tawa sa loob habang nagsusuklay. Natatawa ko sa kanila eh.

Paglabas ko ng pinto, si Russel na lang yung nandun. Bumaba yata si kuya.

Lumapit agad siya sakin at inakbayan ako, “tagal mo..”

“kaya mo naman akong hintayin eh..” tsaka pa ko nagpa-cute sa kanya.

“SOOOOWS! Yun lang pala eh! Kahit gano ka pa katagal! Hihintayin kita!”

“Hahahaha. Yun eh! Bumanat!” tapos nagtawanan kami. Pababa kami ng hagdan nang tumunog yung phone ko.

Jeric calling...

 

Napatingin ako kay Russel at nakatingin naman siya sa phone ko.

“tumatawag na siya Russel..”

“sagutin mo na..” ngumiti siya sakin tapos nauna nang bumaba.

Kaming dalawa lang kasi ang nakakaalam na pupunta si Jeric dito ngayon, well, alam din syempre ni Jeric.

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon