Chapter Fifty-Three
This is it. Pupunta ngayon si Russel sa bahay. Sabado kasi ngayon. Napagdesisyunan ko na. Waaaa! Kinakabahan ako! >///<
“anak.. bakit ka namumutla? May sakit ka ba?”
“p-po? Wala po...”
“anong oras pupunta si Russel dito?”
“maya-maya po, nandito na yun.” Mas lalo akong kinabahan nung sinabi ko yun.
“Krisha! Nandyan na si Russel!” sigaw ni kuya na nasa sala. Nandito kasi kami ngayon ni papa sa kusina. Nagluluto siya, tapos ako... wala lang. :3 Nagko-concentrate? :3
Waaaa! Help me! Lumulundag yung puso ko! YES. Lumulundag is the right term talaga. :/
Dumiretso ako sa labas ng bahay at pinagbuksan si Russel. Ang gwapo niya. Naka-3/4 siya. Alam nyo yun? Yung lagpas ng konti sa siko yung sleeves? White yung kulay ng sleeves tapos black naman yung sa katawan niya. Ang hot. :3 WAIT! Did I just say that? Tapos maong short na hanggang tuhod. May wristband din siya sa kanan. Ang gwapo. >///<
“tuloy ka”
~
“magandang umaga po” bati niya pagkapasok sa bahay.
“kuya Russel!” tumakbo si Yvette papunta sa kanya at tsaka siya niyakap.
“hoy Yvette! Alis dyan! Papa ohhh!”
Umalis naman si Yvette kay Russel. Samantalang natatawa lang na tumingin sakin si Russel.
“nagseselos ate mo eh..”
Sabay-sabay naman silang nagtawanan. >///< Ewan ko sa inyo.
“iho nag-tanghalian ka na ba?”
“opo..”
“ay sayang.. hindi pa kasi kumakain si Krisha eh. Akala yata sabay kayong kakain.”
“PA!” sigaw ko.
Lumapit naman sakin si Russel at inakbayan ako. Tumingin siya sa mga mata ko.
“totoo ba yun?” halos pabulong na sabi niya sakin.
Iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya.
“samahan mo ko kumain..” hinila ko yung kamay niya at dinala siya sa kusina.
Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa kusina. Sumabay na rin siyang kumain. Pinilit ko. =_=
Ayaw ko nga na ako lang yung kakain. -,- Alam nyo naman yun diba?
“Russel.. m-may sasabihin kasi ako sayo...”
Umayos siya ng upo at nakangiting tumingin sakin. Nakahawak siya sa kutsara’t tinidor habang nakangiti. Mukha siyang bata. -,-
“p-pero... may itatanong muna ko sayo..”
“ano yun?” sabi niya tsaka sumubo ng kanin.
“s-sasaktan mo ba ko?”
“ha?” nagtataka siyang tumingin sakin.
“sabi ko, sasaktan mo ba ko?”
“bakit naman kita sasaktan? Alam mong di ko yun gagawin.” Pagkatapos niyang sabihin yun, yumuko siya para sumubo ulit.
“p-pag sinabi ko bang... mahal kita...” di pa ko tapos magsalita pero nakikita ko na siyang ngumingiti habang nakatingin sa pagkain niya. >///<
“pag sinabi ko bang... mahal kita... makakasigurado ba kong, hindi mo ko sasaktan?” Nakatingin lang ako sa kanya. Pero kinakabahan na talaga ko. Ilang pride (hindi yung sabon) ang nilunok ko dito para lang masabi sa kanya ang nararamdaman ko. >///<
Mas lumakas ang tibok ng puso ko nang tumingin siya sakin. Nang magtama ang mga mata namin...
“mahal kita... yun lang ang ipaparamdam ko sayo...” tapos ngumiti ulit siya. Yung halos maging linya na lang yung mata niya?
“Russel...”
“Krish... mahal mo na ba ko?”
Naluluha akong tumango sa tanong niya. Di ko alam kung bakit ako naiiyak. Muntanga. :3
Kinagat niya ang ibabang parte ng labi niya habang nakangiti...
Inabot niya ang kanang kamay ko na nakapatong sa mesa..
“sabihin mo... sabihin mong mahal mo ko Krish..”
Pinunasan ko yung tumulong luha ko gamit ang kaliwa kong kamay tsaka nakangiting tumingin sa kanya. Nagtuloy-tuloy sa pag-agos yung luha ko..
“mahal kita Russel..”
Mas humigpit yung pagkakawahak niya sa kamay ko..
Binitawan niya ito at itinakip sa mukha niya. Nang alisin niya yung kamay niya sa mukha niya, sinuklay niya to sa buhok niya..
“Krish.. hin--hindi mo alam kung gano ko kasaya...” sabi niya tsaka tumayo sa upuan niya at lumipat sa tabi ko.
Humarap ako sa kanya, at niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko din siya at nilapat ang mga kamay ko sa likod niya. Yung kamay niya nakalapat sa buhok ko..
Mas lalo akong naiyak... ewan? Masaya kasi ako. Naranasan ko ulit yung pakiramdam ng masaya dahil nagmamahal ako.
“salamat Krish...”
“para saan?”
“binigyan mo ko ng chance... salamat. Krish, I love you...”
“mahal din kita Russel...”
Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang gilid ng mukha ko. Tinitigan niya ko sa mata... umiyak din siya.. Mas lumalakas yung tibok ng puso ko.
“akin ka na ba?” nakangiting tanong niya.
“ewan... akin ka na ba?” natatawang tanong ko sa kanya.
“matagal na kong sayo... kaya akin ka na rin..” mas lalo siyang ngumiti. Kaya’t ngumiti din ako. Ang selfish ng taong ‘to. Nakakainlove. Hihi. >///<
“akin ka lang... sayo lang ako..” teka. Ang cheesy naman ng sinabi ko. >///<
Tinitigan niya ko ng matagal tsaka ako hinalikan sa noo.
“o kayo na? ok na ba anak?” biglang silip ni papa sa pinto ng kusina.. kaya natulak ko ng malakas si Russel.
“a-ay... sorry.. Hahaha!” Nag-peace sign ako sa kanya tsaka tumingin kay papa.
“ok na pa” sabi ko tsaka ako nag-ok sign sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...