Chapter Forty-Six
Krisha’s POV
Lunch break ngayon. At nandito kaming lahat sa oval. I mean, kaming magkakaibigan lang. Parang ngayon na nga lang ulit kami nakakain ng kumpleto kami eh. ^_^
Tapos etong si Alexi, ngayon na lang ulit pumasok. Napapariwara na to. -,-
Nakapabilog kaming nakaupo sa damuhan.. Obviuosly, katabi ko si Russel. Tapos si Mark naman sa kaliwa.
Share-share kami ng ulam. Etong si Russel at Bryan, kanina pa bulungan ng bulungan. Nakakainis na. -,-
Mas nagiging close na sila ni Bryan kesa sakin. :3
“ayoko dito..” lahat sila napatingin sakin. Patayo na ko pero hinila ni Russel yung braso ko.
“san ka pupunta?”
“kahit saan. Ayaw ko dito. Glenn palit tayo pwesto.”
Pagtayo ko, tumayo din si Glenn. Pero lahat sila nakatingin pa din sakin.
Ano ba yan? Bat sila tumahimik? Kaasar naman. Nasakin yung atensyon nila. Ayaw ko sa lahat yung ganito eh. Center of attraction.
“bakit Krish?” tanong sakin ni Rhea na katabi ko ngayon.
Umiling lang ako bilang sagot.
Para kong tanga. Nagseselos kay Bryan? Tamang term ba yung ginamit ko?
Eh kasi totoo naman eh. Yan ngang si Russel, hindi dumederetso ng uwi pagkahatid sakin eh. Kila Bryan pa yan pupunta.
Pakiramdam ko malilimutan na niya ko. Syempre, lalaki siya. Mas gusto niya yung kaibigang lalaki. Tsk. Oo nga naman. Kaya dapat ikaw Krisha, babae yung mas ka-close mo.
NAKAKAINIS! DIYAN SIYA KAY BRYAN!
Kita mo? Kung dati siguro, susundan pa ko niyan. Ngayon hindi na. Ayaw niyang iwan yung Bryan niya. Tsk. Bading. Bahala sila. -,-
Nang matapos kaming lahat kumain, tumambay muna kami.
Nagulat ako nang bigla kong tabihan ni Russel. Biglang lumakas tibok ng puso ko. EH?!
KASI NGA! KINABAHAN AKO! DIBA?! :3
“anong problema mo kanina?”
Hindi ko lang siya pinansin, tutal may nakasalpak naman na earphone sa tenga ko. Nagkataon lang talagang mahina yung tugtog kaya naririnig ko siya.
Napatingin ako sa kanya nang hilahin niya yung earphone sa magkabilang tenga ko tapos kinuha yung cellphone sa bulsa ko.
“R-Russel! Ano ba?!”
Pagkakuha niya ng cellphone ko, ini-stop niya yung pinapatugtog ko, tsaka niya nilagay sa bulsa niya.
“ano bang ginagawa mo?! Bastos ka? Nakita mong nagpapatugtog ako eh!”
“Nakita mong kinakausap kita diba?” mahinahong sagot niya.
Tumahimik na lang ako. Kunwari wala kong narinig. Buti na lang hindi nila kami naririnig. Medyo malayo kasi yung pwesto ko sa pwesto nila.
“anong problema mo?”
“may pake ka?” naka-diretso lang ang tingin ko. Hindi ako tumitingin sa kanya. Alam ko kasing nakatingin siya sakin. Pakiramdam ko, sa oras na magtama yung tingin namin, malulusaw ako.
Nakagat ko ang lower lip ko sa naisip ko.
“anong ginawa ko sayo?” Hindi ko lang siya sinagot. Ala nga namang sabihin kong nagseselos ako kay Bryan? Mukha kong timang nun. Sapat na saking ako lang ang nakakaalam na timang ako. Ano ba yun? ;3
Parang bigla kong nanigas sa kinauupuan ko nang lumapit pa siya sakin at inakbayan ako.
Mga tatlong pulgada lang siguro yung layo ng mukha niya ngayon sa mukha ko. Nakatitig siya sakin, at ayaw ko siyang tignan. AH LORD! BAT GANITO?! Nararamdaman ko yung paghinga niya. Sheet. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Gamit yung isa niyang kamay, inalis niya yung nakaharang na buhok sa mukha ko...
“R-Russel...”
Hindi niya ko pinansin. Itinabi niya sa likod ng tenga ko ang nakaharang na buhok sa mukha ko.
“bakit ka nagagalit?” tanong niya ng nakatingin lang sakin. AYAW KO PONG TUMINGIN SA KANYA. AYAW!
“tumingin ka sakin... Krisha...”
“a-ayaw ko...” ANO BA TO SI RUSSEL?! AHH!
Gamit ang isa niyang kamay, hinawakan niya ang kabilang pisngi ko, at dahan-dahan akong iniharap sa kanya.
Ewan. Di ako makapalag. Parang wala sa sariling sumunod lang ako.
Nang magtama ang paningin namin... p-parang... gusto kong lamunin ng lupa.
Sobrang lapit na pala ng mukha namin. Magkadikit na ang ilong namin. Pero nakatingin lang siya sakin. Parang wala akong ibang nakikita kundi ang mata lang niya...
Binuka ko ang bibig ko para sana magsalita... pero feeling ko magkakadikit yung labi namin kapag itinuloy ko pa, kaya isinara ko na lang ulit.
Nag-iinit ang mukha ko.. argh. Russel, anong ginagawa mo sakin?
Napakagat ako sa labi ko. Di ko alam ang gagawin ko eh. Pero parang wrong move yata yung ginawa ko. Napatingin siya sa labi ko.
Y-yung puso ko.. a-ang lakas.. ng tibok... Y-yung puso ko...
“gusto kitang...” hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi bigla siyang pumikit ng mariin. Bakit?
Nakatingin lang ako sa kanya.
“Russel...”
“Krisha..” Sambit niya pagkadilat niya. WAAAA YUNG PUSO KO!!!
“...bakit ka ganyan?”
Ha? Ano daw? Bakit daw ako ganito?
“a-ano?”
“tch. Manhid.”
Pagkasabi niya nun, tumayo na siya. Nakatingin lang ako sa kanya habang pinapagpagan niya yung pantalon niya.
Iniabot niya yung kamay niya sakin.
“alis na tayo.. male-late na tayo.. iniwan na nga nila tayo oh.”
O_O Iniwan kami? Paglingon ko, wala na nga sila?! Asan sila!? Iniwan na nga kami?! Bat hindi man lang sila nagsabi?! :3
Ini-snap niya yung daliri niya, dahilan para makuha niya yung atensyon ko. “tara na..”
Nag-aalangan pa ko kung hahawak ako sa kamay niya, nang bigla siyang yumuko at kinuha yung kamay ko.
Pagkatayo ko, pinagpagan ko na lang yung palda ko. Sinawalang-bahala ko na lang yung malakas na pagtibok ng puso ko.
Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Naguguluhan ako.
BINABASA MO ANG
Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)
RomanceTake risk~ so that you can say that you're already inlove. Kayo ba? Magagawa nyo ba yan pag nagmahal kayo? Kung ako kasi ang tatanungin, hindi :) I don't think I can do that. Yep. Ako ang author neto pero maski ako, di naniniwala sa sarili kong tema...