Chapter Forty-two

118 1 0
                                    

Chapter Forty-two

Krisha’s POV

“Russel!”

Napaharap silang dalawa ni Bryan sakin. Nandito kami ngayon sa school. Kari-ring lang ng bell, ibig sabihin recess na.

“bakit? Papabili ka?” tanong niya nang makalapit ako sa kanila.

“hindi. Sama na lang ako sa inyo.” Sabi ko ng nakangiti.

Nagtinginan sila ni Bryan. Bakit? -,-

“ayaw nyo?”

“di nama---”

“sige na sumama ka na. Krish ikaw na lang bumili ng akin ha? Dalawang piece lang ng pizza tsaka isang Coke Mismo. Kayong dalawa na lang ang bumili. Ha?” Nakangiti niyang sabi tsaka inabot sa palad ko yung pera niya.

“teka.. bakit? Ayaw mo kong kasama?”

“hindi ah.. para lang may time kayong dalawa.” Tsaka siya ngumiti samin at tumalikod na.

Humarap ako kay Russel. “ano raw sabi niya?”

“ewan ko sa kanya. Halika na nga.” Hinawakan niya ko sa kamay at tsaka hinila.

Pababa na kami ng hagdan nang madaanan namin si Nikki. Remember? Yung hinatid niya nung nakaraan? =_=

Lalagpasan na dapat niya kami, pero bigla siyang binati ni Russel.

“Hi Nikki” –Russel -,- Tch.

“uhh.. h-hello..” sabi niya tsaka tinignan yung kamay namin.

Nginitian lang siya ni Russel tapos dumiretso na ulit kami.

“kailangan binabati?” sabi ko kay Russel sabay irap.

Tumawa naman siya tsaka mas lalong hinigpitan yung hawak sa kamay ko.

“wag ka ng magselos. Di naman kita ipagpapalit eh.”

“heh! Muka mo!”

“hahaha! Seryoso ko!”

“Che!”

~

Pagkatapos naming bumili sa canteen, tumambay muna kami. Mamaya na lang daw namin ibigay yung pagkain ni Bryan. Haha. Mamatay siya sa gutom. :P

“kamusta?” napatingin ako sa kanya.

“anong ‘kamusta?’?”

“ibig kong sabihin... umiyak ka na naman ba nung linggo?”

“ah..” nginitian ko na lang siya.

Parang ayaw kong sagutin. Pero feeling ko naman alam na niya yung sagot eh.

“tsk.. alam mo, hindi mo kailangang umiyak sa tuwing maaalala mo siya. Ayaw ni Jeric na iwan ka ng ganyan. Tingin mo ba matutuwa siya pag nalaman niyang ganyan ka?”

“Hindi. Pero malay mo, hindi niya ko matiis.. tapos bumalik siya dito...” ngumiti akong parang baliw.

“haha.. para kong tanga..”

“buti alam mo.” –Russel

Tumingin ako kay Russel, at nakatingin lang din siya sakin. Lumapit pa ako sa kanya, tsaka ko siya niyakap, kasabay ng biglaang pagtulo ng luha ko.

“tsk. Kita mo? Iiyak ka na naman. Kala mo maganda ka pag umiiyak?” sabi niya habang hinahaplos yung buhok ko. Mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya.

“lagi naman akong maganda eh..”

Tumawa siya ng mahina tsaka mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin. Ang sarap... ang sarap ng alam mong may dadamay sayo lagi. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap ni Russel.

“Thank you...”

“para san?”

“sa lahat... di mo ko iniiwan. Salamat..”

“sshh... Stop crying.” Mas lalo lang akong naiyak. Ganun ako eh, pag pinapatahan, mas lalong umiiyak.

“Aist. I said stop or else I’ll kiss you.”

O_O agad akong bumitaw sa yakap at tsaka siya tinignan ng masama.

“ANONG SABI MO?!”

“HAHAHA! Di ka ba kinilig? Kunwari ka pa..” tsaka sya nag-belat.

Isip-bata. =_=

“asa ka namang kikiligin ako?”

“eh kinilig ka naman talaga. Wag mo ng i-deny, baka ituloy ko lang talaga.”

“CHE!”

“o kung ayaw mo, wag ka ng iiyak! Yun lang pala makakapagpatigil sayo eh..”

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. Napangiti na lang ako. Ginawa pala niya yun para mapatigil ako sa pag-iyak, kala ko inaasar na naman niya ko eh.

“Russeeeeel~!” sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya. Pagharap niya, niyakap ko siya. ^_^

“K-Krisha... b-bakit?”

“Salamat Russel. I love you..”

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon