Chapter Sixty-Five

94 2 0
                                    

Chapter Sixty-Five

Russel’s POV

Hindi ko talaga alam kung anong sinabi ni Bryan sa tito niya at pumayag na magtanong kami dun sa ospital. At ang nakakapagtaka pa, pumayag pa siyang isama kami ni Bryan. At ayos lang daw na makinig kami. Parang may mali eh.

Habang nakasakay kami sa kotse ng tito niya, yung sasakyan ng mga pulis.. tinanong ko si Bryan.

“talaga bang wala kang balak sabihin sakin kung pano mo napapayag ang tito mo?”

“sasabihin ko sayo mamaya..”

~

Pagdating namin sa ospital, pinapasok kami sa doctor’s room. Yep. Kasama pa rin kami.

“Good morning Dr. Reyes. Prosecutor Lim of National Investigation Police. I’m in charge to investigate the case of Mr. Jericho Adryll Serano..”

“sure. Take a seat.. I’ll just go and get his files. Wait for me here.”

Pagkaupo namin, lumabas muna siya. Pero bumalik din siya agad dala yung files. Umupo siya sa upuan niya.

“We may proceed now..” sabi nung doktor.

“Ok. You are the one who announced that Mr. Jericho was dead on arrival, right?”

“Yes, I am. But wait, pwede ba silang makinig dito?” tinuro niya kami ni Bryan. Tumingin naman samin yung tito ni Bryan at tsaka ibinalik ang tingin sa doctor.

“Yes. This is part of their training as new prosecutors.”

O_O Ano raw? Kami? Aba ayos din mag-isip tong tito ni Bryan ah.

Tinignan muna kami ng matagal ng doktor tsaka nila pinagpatuloy yung pag-uusap nila.

“Pwede niyo bang i-explain kung ano ang mga findings noon kay Mr. Jericho?”

“May nakita kaming dalawang saksak sa katawan niya. Isang saksak sa tagiliran at isa sa puso. Yung saksak niya sa puso ang biggest reason kung bakit siya namatay.”

Saksak? Teka! Hindi ko siya sinaksak! Tumama yung ulo niya sa pako nun diba?! Wala akong dalang kahit anong matulis na bagay nun. Hindi ko siya sinaksak.

“Dalawang saksak?” tanong ng tito ni Bryan.

“Yes. That leads him to death.”

Hindi ko talaga siya sinaksak.. tumingin ako kay Bryan, at nagkatinginan kami. Alam niyang hindi ko sinaksak si Jeric.

“And is it the parent’s consent to have him cremated?”

“Yes.”

“Natatandaan mo pa din ba yung mukha ng nagdala sa kanya dito?”

“I’m not sure now.. It’s been three months.”

“Can we check the CCTVs?”

“Sure..”

Tumayo kami at pumunta sa CCTV room. Nagtataka lang ako kasi bakit ngayon lang naisipan to ng tito ni Bryan na tignan ang CCTV.

Sinet niya muna yung date and time. Then nag-play na yung video.

May lalaking pumasok sa ospital, buhat niya si Jeric. Bale nakapasan sa kanya si Jeric. Hindi makita yung mukha ng may dala sa kanya kasi naka-shades to.

Pero alam kong si Vince yun. Alam kong siya yun. Meron na kaming hula kaya hindi na kami nahirapang alamin kung sino yung lalaking naka-shades.

Mukhang tama nga kami ng hinala. Nagsuot pa siya ng shades para di makilala. Pero malas niya, hindi siya nakasuot ng shades nang sumakay siya ng taxi. Kilala siya ng driver. Enough reason for that.

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon