Chapter Thirty-Nine

129 1 0
                                    

Ako Plus Ikaw Equals Perfect

 --> chapter thirty-nine

By: [iamsupeeeerME_14]

Sabado ngayon. Walang pasok. Pero maraming assignments. -,- kaasar.

“Krisha! Nandito si Russel!”

Bumaba agad ako ng kwarto ko para pagbuksan siya ng gate. Ewan ko dyan kay kuya. Ayaw na ayaw daw kasi niyang pinagbubuksan ng gate ang lalaki. Parang bading daw.

Ang arte diba? =_=

“bat ang aga mo?” bungad ko sa kanya habang binubuksan yung gate.

“maaga ka dyan! Alas-dyis na kaya!” sabi niya habang papasok sa gate.

“anong oras ba usapan nating pupunta ka dito?”

“alas-dyis!”

“oh?”

Inakbayan lang niya ko tsaka ako kinotongan.

“siraulo ka talaga eh...”

“hindi ah!”

Naglalakad na kami ngayon papasok sa bahay.

“KUYA!” sigaw ni Russel pagkakita niya kay kuya na nanunuod ng tv.

“wag kang sumigaw dito! Di mo to bahay!”

“hahaha! Sungit. Meron ka na naman?!”

“gagu.”

Nagtawanan na lang kami tsaka umakyat sa kwarto. Payag naman si kuya na sa kwarto kami. Basta iwan daw na nakabukas ang pintuan. :D

Kaya nga pala siya nandito kasi sabay daw kaming gagawa ng assignment.

“Russel tumayo ka nga jan!” Pano ba naman kasi? Nakahiga agad sa kama ko. Kapal ng mukha. +_+

“Krish..”

“ano?” sabi ko tsaka ako umupo sa gilid ng kama ko.

“date tayo”

“huh?!”

Tumayo siya sa pagkakahiga tsaka masayang tumingin sa akin.

“sabi ko date tayo!”

“date mo mukha mo!” tatayo na dapat ako pero hinila niya yung kamay ko.

“seryoso ko! Dali na! Kahit kelan di pa tayo nakakapag-date eh!”

“bat tayo magdedate? Tayo ba?”

“magsyota lang ba ang nagdedate? Di ba pwedeng magkaibigan lang?”

“Ililibre mo ko?”

“oo!”

“seryoso?”

“oo nga! Tara date tayo!”

“marami tayong assignments. Tigilan mo ko Russel.”

“mamaya na yan! Tara na!” hinila na niya ko patayo.

Baliw talaga to.

“Hindi ako papayagan ni kuya!” huminto naman siya sa paghila sakin. Tsaka ako nginitian ng nakakaloko.

“tingin mo ba... hindi ka papayagan ng kuya mo?”

“anong ngiti yan?”

Tumawa lang siya tsaka bumaba para magpaalam kay kuya.

~

Di talaga ko makapaniwalang pumayag si kuya sa kanya ng ganun-ganun na lang.

“Russel sabihin mo nga sakin.. close ba talaga kayo ni kuya?”

Ako Plus Ikaw Equals Perfect (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon