Few months after, naging ok naman ang relationship ng AlyDen. Si alyssa din nagtino na, takot lang nya kay dennise. Mas maging close din si den sa mom and dad ni aly. They are a happy couple indeed. Relationship Goals nga sila ng marami eh.
Back to school na sila, ang mga dudes magkakaklase, request ni alyssa syempre. Yung mga girls naman sila sila ang magkaklase, may mga subject din na magkaklase silang lahat.
Dumating na si alyssa sa school agad nyang pinark ang kotse nya sa parking space exclusive lang para sa mga executives. Naabutan din nya ang mga kaibigan nya na nag aantay sa kanya.
Agad naman siyang nilapitan ng mga kaibigan nya.
Kim: Zup bro, welcome back saten. (sabay fist bump)
Ara: Buhay estudyante nanaman tayo!
Gretch: Si mika dipa din bumabalik?
Aly: Wala naman atang balak bumalik yon. Hayaan nyo na. Tara na nga.
Naglakad na papasok sina alyssa. Syempre sya yung nasa gitna. Lahat naman tumatabi at nag ggive way sa dinadaanan nila. Alyssa is also the captain of the Basketball varsity team kaya talagang kilala sya. Clueless din ang mga schoolmates nya na sya ang may ari ng university ang alam lang nila ay mayaman talaga si alyssa dahil sa mga billboards nya at parati ang mukha nya sa mga social media sites.
Habang naglalakad sila ay biglang may bumungo kay alyssa. Nalaglag naman ang dalang bola ng babae.
"Shit!" sabi ng babae.
Kim: Ok ka lang ba bro?
Aly: Ok lang ako. Ah miss ikaw okay ka lan---
"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo!!" sigaw ng babae.
Lahat naman ng mga students ay napatigil sa sigaw ng babae.
Gretch: Aba, ikaw na nga nag bumangga kay alyssa ikaw pang galit?
Ara: Baka dimo kilala binabangga mo?
Aly: Tama na yan. Tara na. Malelate na tayo.
Naglakad na ulit sina alyssa at isa isang binangga ang babae.
"Argh! Ang yabang mo talaga!" inis na sabi ng babae tska nalang umalis.
-----------
Tapos na ang klase nila at lunchbreak na. Nauna na ang grupo nila Den sa cafeteria at umupo na sa table nila.
Ella: Besh tara order na tayo!
Den: Mauna ka na, hihintayin ko pa si alyssa eh.
Mela: Nga pala den, manunuod ka mamaya?
Den: Ha? Saan?
Bang: Di ba nasabi ni alyssa sayo?
Den: Hindi ko pa nakakausap si alyssa eh. Diko pa nga nakita ngaun.
Fille: Oh? Nagtxt si gretch kanina ah, may bumangga daw kay alyssa tapos sinigawan pa daw.
Ella: Oh my gosh! Buhay paba daw yung bumangga?!
Den: Besh!! (saway nya kay ella sabay tingin kay fille) ano daw nangyare ate?
Yes ate ang tawag nila kay fille sya kasi ang pinaka matanda sakanila kahit na magkaklase lang sila.
Fille: Di na daw pinatulan ng girlfriend mo binangga bangga nalang daw nila nung umalis sila.
Napailing nalang si den, atleast di na pinatulan ni alyssa.
BINABASA MO ANG
The Female Casanova
أدب الهواةReal love is the love that sometimes arises after sensual pleasure. If it does it is immortal. The other kind inevitably goes stale, for it lies in mere FANTASY --Giacomo Casanova "....ugh? Was it all a dream?"