Chapter 17

12.8K 193 0
                                    

Dumating na sa Mansion sina alyssa at dennise nag invite kasi ng dinner ang mama ni alyssa. Pag dating nila ay agad pinagbuksan ng pinto ng kotse si alyssa. Bubuksan sana ng isang MB yung pintuan ni den ng bigla syang pigilan ni alyssa.

"Hep! Ako nag bubukas nian!" sabi ni aly sabay takbo sa side para pag buksan ng pintuan si den, agad naman syang inalalayan ni aly pababa.

Gaya ng dati, nakahilera ang mga kasambahay nila sa may entrance ng bahay nila, sabay sabay silang nag bow. Habang si maddie naka sunod kay alyssa.

Den: Babe paalisin mo nga yan naaalibadbaran ako sa kanya (bulong ni den kay aly)

Aly: Mamaya babe, ganyan talaga yan. May courtesy call sya kay daddy ngaun.

Den: Dito ba tayo matutulog o sa penthouse mo?

Aly: Dito nalang. Bukas dun tayo sa condo mo.

Den: What? Inaraw araw mo ata Chief Valdez?!

Aly: Hahaha.

Naputol ang usapan nila ng biglang may tumawag kay alyssa na babae.

"Hoy Alyssa!!!"

Pag harap ni alyssa ay agad syang niyakap ng babae.

"I miss you AV! " sabi ng babae habang nakayap parin kay aly. Dahan dahan naman inilayo ni aly ang babae.

Aly: M-mands? Ikaw na ba yan?!

AV: Oo gunggong!

Aly: Wow ah, ang laki mo na! Hahahaha

AV: Ikaw ang gwapo mo na!

Aly: Syempre naman! Namiss kita AV!! (sabay yakap kay amanda)

"Ok ka lang dennise, hindi kapa umaabot sa boiling point mo" sabi ni den sa isip nya. Gigil na gigil na sya sa nakikita nya.

"EHEM!" paramdam ni den. Agad naman humiwalay sa yakap si aly at inakbayan si dennise.

Aly: ah, AV this is dennise my gir---

Den: HER girlfriend.

AV: Wow ahh. This is the 1st time.

Kumunot naman ang noo ni den

Den: 1st time??

AV: Yeah, 1st time na may inuwing babae dito, well except for me syempre.

Alam ni aly na tiger mode na si den kaya kinakabahan na sya.

Aly: A-ah a-ano ba-bang sinasabi mo AV, n-natural kababata kita kaya nakakapag sleep over ka dto noon.

Aly also felt that nagbabatuhan na ng masamang tingin ang dalawa. Buti nalang may dumating na kasambahay para tawagin sila.

Maid: Chief, tawag na po kayo ng mommy mo.

"Whew! Thankyou ate" sabi ni aly sa isip nya.

Aly: Tara na babe? AV una na kami.

Pero pag talikod na nila ay binulungan nya ang kasambahay.

"Ate. Tataasan ko sweldo mo! Thankyou for saving me! Haha" bulong ni aly sa kanya.

-----------

Pagdating nila sa dining ay wala naman silang naabutan don.

Den: Oh nasan na sina tita?

Aly: diko nga alam babe, teka lang. (sabay harap kay maddie, naka sunod padin kasi si maddie sknila)

Aly: Madz, san sina daddy?

The Female Casanova Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon